Wednesday, October 1, 2008

you can't forget your first love...

six years ago (or was it seven?), claring tagged me along in the star awards for television. that was when i first saw him in person. he and his friend were seated in front of me,

i turned to claring and asked, "cheap ba kung humingi ako ng kiss sa kanya?" to which she shrieked, "oo naman!!!"

three years ago, i watched the taping of the sitcom bora and i was surprised to see him there --- guest pala siya. i asked barcy to have our picture taken.

kanina, danica brought me and claring to ecomoda. and had this pic taken with him.

aside from his screen name, he's known as armando, eli, and yuri... but for me, he will always be rovic. :)

salamat kay direk erick at siya nagpakilala sa amin kay john lloyd. touched ako dahil he (si direk, hindi si jlc) knows my name eh hindi naman kami formally na-introduce. at syempre, salamat kay danica sa pagbitbit sa amin sa ecomoda.

***

bago pala kami pumunta ng ecomoda, pumunta ako sa grams. naloka ako. kasi iyong PM at director na nakausap ko separately, iisa ang sinabi sa akin... "nandyan ang dyowa mo ah!" sabi nung PM. iyong director naman, "o, dumaan dito si Z kanina..."

nalaman ko na a few meters from grams, nagte-taping pala sila. so ano ginawa ni noringai at claring? tumambay sa grams (at hinintay si danica dahil supposedly sabay kami uuwi). inabangan ko talaga dumaan si zanjoe. naisip ko lang "leche, inaabangan ko siya tapos di pala niya ako pansinin, no?"

which was wrong kasi noong dumaan siya... he waved at me. not once. but twice. wave lang. pero enough na sa akin iyun... (lalo pa at sabi ni claring si zanjoe ang naunang mag-wave. hehehe)

so noong bumalik na si zanjoe sa dressing room, the three of us went to ecomoda para kay john lloyd naman... o di ba nakakaloka? ang tagal na namin sa abs pero nagpapaka-fan pa rin kami!

at heto matindi... pauwi na kami when i insisted na sa kabilang exit dumaan... at tyempong nakasalubong ko... sino pa nga ba??? si zanjoe uli.

konting small talk. san daw ako pupunta. ano daw ginawa ko sa grams at bakit parang antagal namin dun (alangan naman sabihin ko na inaabangan ko siya). tapos sabi ko nag-preview kami ng your song. ang sabi ba naman "meron pa ba nun?" aray ko. hurt ako at inakala niyang wala ng your song... pero bumawi siya at sinabing "ah, yung kena gerald?" tapos sabi ko, "pa-picture nga tayo. na-miss kita tagal na natin di nagkita." (na inokray ako after ni nix at claring dahil feeling close naman daw ako kay z to say na tagal na namin di nagkita...ano daw ba kami, childhood friends or high school batchmates?) pero heto matindi... noong paalis na kami, humirit ako ng "alam mo nagtatampo sa iyo ang writer ng varga," sabay turo kay danica. di ko na lang ikukuwento dito kung bakit dahil bi-bingo na ako kay nix pero muntik na masira pagiging magkaibigan namin dahil doon. bwahahahaha

pero ang pinaka-issue sa akin na naalala ko lang nung nasa taxi na kaming tatlo... "hindi niya ako bineso."

ym ko kay nix: hindi niya ako bineso. tapos, parang iba na ang ngiti niya. parang nanlalamig na sya.

sagot nya "gaga! ano ka ba niya, ex-girlfriend???"

grabe. para akong kinse anyos na nagsusulat sa diary tungkol sa araw niya. bakit ba! masaya ako eh. may john lloyd na. may zanjoe pa. andun din si sam at dumaan sa harap namin kaso naka prosthetics sya as beast. wala pa akong pic with sam pero ayoko naman na unang pic namin ay mukha siyang halimaw. :D

ay bago ko makalimutan... ang real reason pala bakit ako andun sa abs kanina ay dahil sa press preview ng your song presents my only hope. kinilabutan ako. panoorin nyo ha. apat kaming bumuo ng kuwento na iyun (panlima iyong headwriter) and sobrang proud kami dun...

ilang araw din ako ngarag. ngayon lang nagkaroon ng chance mag blog. tapos ka-cheapan lang naman...

sorry. hindi naman kasi ako iyong tipong nagsusulat ng entry tungkol sa pabagsak na economy ng usa o kaya tungkol sa gatas galing china.

blog ko ito. at kung gusto ko magpaka-fan, kebs. to quote nix, "bago ako naging writer, isa akong fan..." kaya heto ako, nagpapaka-fan. :)

No comments: