Tuesday, November 18, 2008

home alone

home alone ako. sabi ko sa headwriter ko, ang saya sana magpaka-bad girl ngayong wala akong housemate. kaya lang may script ako na kailangan tapusin. sabi niya, "konting tiis na lang."

***

di ko alam ano mangyayari sa akin dun sa bagong show. ang dami ko na absent sa mga meeting. last week, tatlong meeting iyong na-miss ko. this week, makakadalawa na akong absent. bahala na. text ko sa headwriter ko doon kanina, kung anuman consequence ng pagiging absentee ko, tatanggapin ko.

sayang ang show. sayang ang pera. pero may commitment kasi ako sa utoy. at sa your song, siyempre. at dapat nandoon ako when they need me. konti na lang matatapos na ang utoy... konting tiis na lang, sabi ni john.

***

kapag may magandang nangyari sa iyo, gusto mo ito i-share sa ibang tao. kapag may napanood kang magandang pelikula, or may masarap na restaurant na napuntahan, or may sale sa mall, usual reaction na iyong ipagsabi mo sa mga kaibigan mo, para ma-try nila, para magustuhan din nila...

kaya gusto ko i-share ang bago namin na-discover.. ang nestle heaven ice cream, iyong belgian bliss na flavor. angsarap, pramis. di ko kayang i-describe kung gaano siya kasarap... ganito na lang, nung unang tikim ko, napamura ako. as in "putangina, angsarap..."

think of the times na napamura ka sa sobrang sarap.... ano naiiisip mo? parang ganun ang experience nong natikman ko ang belgian bliss na ice cream... it was really a bliss.

salamat, jan, sa pagdala ng makasalanang ice cream na iyun... kebs na kung tumaba ako dahil doon.

***

last weekend, jan, claring and i joined this bazaar. nagdala ako ng pitong bags na pambenta. mga bags na di ko na ginagamit (may dalawang never ko pa nagamit), i sold them for fifty pesos each. wala pang 10 minutes after namin magbukas, nabenta iyong limang bag... ganun kabilis. pinagtawanan ako nina jan kasi every time nakakabenta ako ng bag ko, nasesenti ako. kulang na lang magpaalam ako sa bag na iyun...

sayang. isang dosenang bags iyong tinapon ko dati tapos may mga bags pa ako na pinamigay. kung alam ko lang na may ganito, sana inipon ko muna... sa susunod, mga sapatos naman...

***

nasesenti ako. nasa blogspot ko kung bakit. hindi lahat nasa multiply ko. may mga entries ako na sa blogspot lang, at may mga entries na nasa multiply lang... maarte ako eh.

song of the moment: beyonce's if i were a boy

quote for the day: "i do not think it is good for anyone involved kung napupuwesa ka lang to do something. why take on a project na hindi ka naniniwala? di pangit lalabas yon?" direk j said in one of our ym conversations last week.

what i learned recently: kahit pala dinelete mo na ang isang tao sa friendster mo, hanggat di nya dinedelete ang testimonial na ginawa mo, andun pa rin. pano kung gusto mo na i-delete, kaya lang, exclusive for friends lang ang friendster niya, at wala ka na-access. ang weird no? ayun, kahit di ko na siya friend, iyong sinulat kong testi sa kanya two years ago, nandoon pa rin... hindi ko na madelete. di naman niya dine-delete.

2 comments:

Raquel said...

pst! san yung bazaar? marami ako gusto i-benta :D

noreen said...

tapos na. sa quezon memorial circle. :P