Friday, November 14, 2008

separation anxiety

hindi lang baby at aso ang nagkakaroon ng separation anxiety... kahit sino, nagkakaroon nito... and am having one now...

nine months ago noong nagsimula kaming magkasama. nagulat ang mga kaibigan ko nang malaman nila. hindi kasi nila ine-expect pero wala na rin sila nagawa...andyan na eh.

noong dumating siya sa buhay ko, ang dami nagbago, ang daming bawal, ang dami di pwedeng gawin. iyong mga nakasanayan ko, iyong mga bagay na masasarap gawin, hindi ko magawa dahil nandiyan siya.

pero, lagi naman akong napapansin ng mga tao dahil sa kanya. conversation starter sya minsan sa mga kaibigan ko.

hindi ko pinagsisihan ang pagdating niya sa buhay ko, kahit na may mga gabing di ako makatulog dahil sa kanya, o may mga araw na nasasaktan ako dahil sa kanya.

pero nakasanayan ko na rin. hanggang sa hindi na ako nasasaktan. hanggang sa naging bahagi na siya talaga ng buhay ko.

at kahapon, naghiwalay na kami...iniwan na niya ako.

lahat naman ng paghihiwalay masakit. muntik na nga ako maiyak sa sakit, pero tiniis ko...nakakahiyang umiyak sa harap ng ibang tao.

at noong naramdaman ko na finally, wala na siya sa buhay ko, nalungkot ako.. nanibago...

ang hirap pala lalo na at matagal din kaming nagsama... hinahanap-hanap ko siya ngayon. naninibago ako dahil wala na siya....nakaka-miss.

pero sige lang, kasi may darating naman na bago... at iyong bago, hindi na ako sasaktan, aayusin pa ang buhay ko...

hanggang ngayon, nararamdaman ko pa iyong moment na muntik na ako maiyak... ang sakit kayang tanggalan ng braces! mas masakit ang pag-tanggal kesa sa pagkabit. pero, i survived :D

ngayon, nami-miss ko ang braces ko. pero keri lang. sa sunday, ikakabit na ang retainers ko... :)

***

para naman may konek sa title ng blog ko.. mami-miss ko din si rose. umalis na siya sa your song. nagpaalam na siya kahapon din... kailangan kasi mag-concentrate na siya sa soap ni LT. nakakaiyak na sa lock in namin mamaya, wala na si rose... wala na ako hihingan ng marlboro menthol. wala na ako sasawayin kapag may tinitingnan siya sa internet... wala na akong katabi sa kama at kakausapin bago matulog. wala na akong mahihiraman ng headband. hai :'(

***

on a lighter note, share ko lang ang latest hirit ni direk j...

after seeing my facebook status na "noreen is kinikilig. it's high school, all over again..." ay ni-chat ako ni direk.

direk j: aba! bakit ka kinikilig?
me: iyong high school crush ko kasi, direk, nagpaparamdam... bwahahahaha
direk j: ay... magkano kaya kailangan niya?

ka-lurkey!

No comments: