Sunday, November 9, 2008

usapang party







everything was a blur. but there are five things i clearly remember about sir deo's birthday party in moksha.

1. the unisex toilet.
2. the killer shoes.
3. the confrontation with a director
4. the pang romcom moment


the toilet in moksha is unisex. keri lang naman sana. pero walang urinal, cubicle lang. at walang pinto ang mga cubicle. so unang pasok ko sa cr, i walked in on carlo guevara peeing. di ko sinasadya. malay ko bang andun siya. pangalawang pasok ko sa cr, kasabayan ko si regine angeles at si irish ng pda sa loob. so andun ako, umiihi habang nasa harapan ko sila. kebs na.

i was wearing killer shoes. ang taas at ang nipis ng takong. tatlong beses ko pa lang nasusuot ang sapatos na iyun dahil for special occasion lang siya -- sa kasal ni jan, sa high school reunion namin, at noong birthday ko. so sinuot ko siya uli sa party. in the middle of the night, the shoes were killing me... ansakit. tandang-tanda ko iyong pain. at dahil naiwan ko iyong tsinelas na baon ko, i had no choice but to remove the shoes at sumayaw sa bar nang nakapaa. di naman obvious kasi mahaba pantalon ko. pero noong nararamdaman ko na basa na ang sahig, tumuntong ako sa banko at doon na sumasayaw nang naka-paa. buti na lang nakatungtong din si danica sa chair while dancing.

two years ago, a guy i was seeing attended a party with me sa esquinita kung saan i introduced him to some of the people from the network. when i went to the cr, he told me a director walked up to him and kissed him sa lips. i never asked the director about it. pero sa party kagabi, nilapitan ko si direk and asked him kung totoo ba ito. and then i said, "kung ganoon, direk, para na rin tayong nag lips to lips." at nagtawanan na kami. buti na lang lasing na ang director na ito at hindi na niya maaalala ang pinag-usapan namin (sana) .

heto na ang da best part. di ko inaasahan darating si Z sa party kasi ang alam ko, may taping siya ng dyosa. pero he was there. he arrived at 2am. he said tapos na daw taping nila. so may photo op na naman pagdating niya. by this time, nakaka-limang baso ng absolut vodka na ako...kaya medyo lasing na ako. more dancing, more absolut. more photo op. sa isang group picture kung saan katabi ko si Z, bigla akong natumba dahil sa kalasingan. dyahe kasi parang sinalo niya ako para di ako tuluyang matumba tapos inaalayan niya ako tumayo. pramis, nakakahiya. pero aminin niyo, ang gandang eksena sa romcom na pelikula. sinasabi ng mga tao na sinadya ko daw. hello. bakit ko gagawin iyun? nakakahiya kaya iyung muntik-muntikan ka matumba dahil sa kalasingan...

isa pang naaalaala ko... jlc was so hot! grabe.

iyun ang highlights ng party... kung saan 4am na ako umuwi. as usual, lasing. pero walang hangover. looking forward na ako sa christmas party!

No comments: