Saturday, November 29, 2008

weekend

noong nag-oopisina pa ako sa ayala, i was always looking forward to weekends. back then, weekends meant staying in bed till 10 am (dahil monday to friday ay 6am ako gumigising), meeting friends for coffee, dinner and movie on saturday and hearing mass and hanging out with the Boy on Sunday -- either sa bahay lang or sa mall or sa starbucks.

noong nag full time ako sa abs, nawala na ang konsepto ng weekends and holidays. totally nagbago ang buhay ko... kung dati, 6am ako nagigising, ngayon, patulog pa lang ako ng ganoong oras. kahit linggo o holiday, kailangan ko pumunta sa abs kapag may meeting. habang magkakasama ang mga kaibigan kong kumakain sa labas, nasa bahay ako, nagsusulat o nagre-revise. kung dati, nakaplano na kung ano gagawin ko sa susunod na holiday, or kung saan ako pupunta next weekend, ngayon, hindi na ako nagpa-plano. kasi hindi mo alam kung kelan may lock in, meeting, o taping na kailangan mo puntahan. hindi mo alam kung kelan ka biglang tatawagan para pagsulatin, pag-revise-in o basta kakailanganin. mabuti na lang may mga madaling kaladkarin na kaibigan na pwedeng i-text kapag na-pack up ang meeting at sulitin ang panahon na pwedeng mag-meet o gumala o mag-shopping.

again, i am not complaining, kasi nga, may kapalit ang lahat. halimbawa, iyong nakuha ko from magsaysay na savings after ko magtrabaho sa kanila ng three years ay binigay sa akin ng abs-cbn in one month. pero hindi naman laging ganoon. iyun ay kapag sinuswerte ka lang at marami kang sinulat. kasi may mga payday naman na maliit lang ang natatanggap mo o kaya, wala talaga dahil nagkataong wala kang nasulat nong buwan na iyun.

nami-miss ko lang iyong buhay-weekend. iyong wala ka gagawin buong araw kundi humilata at magbasa o mag dvd marathon ng grey's anatomy or csi.

at ngayon, sabado, naramdaman ko uli ang weekend... woke up at 12:30 noon, nanood lang ng mindless shows (wowowee, mad tv, mtv) at nag-internet. walang deadlines o script na iniisip. tonight, i will be watching christoper cross' concert in araneta with my friends, and maybe, go to the bar to have a few drinks after.

***

kalahati na lang ang kulang sa christmas list ko. halos kumpleto na sa mga taga-abs. saka mga inaanak ko... family and close friends na lang ang wala pa...

several people have asked me na what i want for christmas. last year kasi, gumawa ako ng christmas wish na blog entry kung saan inenumerate ko mga gusto ko na gifts. at 70% sa listahan na iyun, binigay ng mga friends ko... ngayon, ayoko na gumawa ng list... bahala na iyong mga friends ko... saka, madali lang naman ako pasayahin...

may phase nun na puro body wash/shower gels ang gift sa kin ng mga tao dahil alam nilang mahilig ako sa mga shower gels. may isang pasko na lima ang nagbigay sa akin ng bag kasi i LOVE bags.

pero hindi ako mapili sa gifts... bigyan mo lang ako ng garfield or betty boop, pandagdag sa mga collections ko, ayos na sa akin yun :)

***

it's almost 4pm. i have to get ready na for the concert. tomorrow, sunday, i will go to the gym and then attend ricky lee's book launching. might hear mass after with angelo.

ang sarap ng ganitong feeling -- iyong walang ginagawa ng weekend kundi mag-relax, mag-enjoy, mag-unwind...

kasi. pa-december na... aside sa ngaragan sa work, ngaragan na rin sa christmas parties, sa reunion, sa kung anu-ano pang chorva. :)

No comments: