Wednesday, December 10, 2008

pumepechay

una ko siyang nakita noong tinuro siya sa akin ng headwriter kong si john noong minsang nasa starbucks kami. "ayun o, iyong naka-cap, type mo ba iyun?"

itong si john, ang gustong regalo ata sa akin sa pasko ay mahanap ako ng dyowa kaya kung sinu-sino ang tinuturo. one time, tinext niya ako ng, "punta ka dito sa starbucks, may irereto ako sa iyo." tapos iyong barista pala dun ang irereto niya sa akin. minsan naman, noong naglalakad kami, tinuro niya ang tricycle driver, "iyan, puwede na ba sa iyo, iyan?" o kaya iyong guard, "ayan si kuya, gusto mo?" marami pa siyang tinuturo -- iyong waiter, iyong mga naka-itim na mama sa studio tours, iyong nagtitinda ng crocs, iyong mukhang macho dancer na nakasandal sa tapat ng grams.

kaya noong isang biyernes ng gabi na nanonood kami ng acoustic sa may starbucks at may tinuro siya sa akin, hindi ko sineryoso. pero lumingon pa rin ako... at sa lahat ng lalakeng tinuro ni john sa akin, doon lang ako naging interesado. hindi naman siya kaguwapuhan pero he reminds me of C. maangas. suplado. brooding. eh alam ng mga kaibigan ko, mahilig talaga ako sa bad boy...

ewan kung bakit nagco-conspire ang buong universe dahil whenever nagkakape ako sa starbucks, nagkakataon na andoon din siya. madalas nagkakape lang siya sa sulok o nagyoyosi sa labas at minsan, nakatambay lang at nakikinig sa kanyang ipod.

noong isang gabing si beegee ang kasama ko at nag-a-angst sya sa trabaho, hindi ko siya masyado narinig kasi paglingon ko -- andoon si mr starbucks. i wasn't expecting to see him kaya medyo natigalgal ako. may eye contact na involved pa.

kaya tuloy mula noon, mas madalas na ako magkape. umaasang maaabutan ko siya dun. usually, sa gabi or sa hapon. may isang beses, madaling araw.

nakakahiya, ilang taon na ba ako pero heto, pumepechay pa rin. hindi ko alam kung nakikita niya ako although sabi ni john, mukhang may hope kasi napapatingin siya sa amin. pero baka naman si john ang tinitingnan niya at hindi ako. haha.

i will never get to know him pero right now, enough na sa akin na kapag gusto ko na sumuko sa work at nababaliw na ako dahil sa deadline, pwede akong mag-starbucks, at masaya na uli ako...

at least dito, sigurado akong may mapapala ako... bukod sa dalawang planner ng starbucks, mukhang magkakaroon na rin ako ng diabetes.

ampechay! :)

2 comments:

BabyPink said...

happy holidays, miss noringai! :)

piao liang said...

hi,,,
natawa ako sa entry na toh!
ganyan din ang ginagawa ng barkada ko sakin..."touch the color..."
hehe