Tuesday, December 2, 2008

smiley in the sky, twilight and that thing called love...

last night, while i was out smoking with my headwriter and creative manager sa new show ko, i saw the smiley in the sky. sabi ko, "kakaiba ang moon ngayon. parang smiley..."

after a few minutes, my friend lhen texted me about it. "my smiley sa sky!" sabi ko oo, nakita ko din... kaso wala ako dalang camera so di ko nakunan...

nabasa ko from other people's blogs, na moon, jupiter and venus daw pala iyung nasa sky kagabi... and it will only happen once in 48 years.

napaisip ako ngayon... buti na lang lumabas ako kagabi at nakita ako iyun. kasi, hindi lahat nakakita nung rare sighting na un...

***

kanina, habang nagme-meeting kami sa utoy, may nasabi sa akin si sir jake, iyong cm namin. "ano sa tingin mo, noreen? ikaw ang expert sa love stories..."

hindi ako nakasagot agad. ako? expert sa love stories? kalowka... oo, magta-tatlong taon na ako nagsusulat sa your song (gawd. three years!!!) at oo, lahat na ata ng klaseng pampakilig, pampepechay, pamatay na linya, kasentihang eksena ay nadaanan ko na at nagamit sa mga scripts ko pero hindi pa rin ako expert pagdating sa love...

kasi ang totoo, wala naman talagang pwedeng mag-claim na expert sila pagdating sa love. ive had failed relationships, three major heartbreaks and several mini-heartaches pero kahit siguro 20 times ka na nai-inlove, kapag na in love ka uli, para kang batang ngayon lang natutong maglakad...nangangapa, nadadapa. lahat bago...

***

napag-uusapan na rin lang ang love... nagustuhan ko ang novel ni ricky lee na para kay B (or kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin). ang daming linyang swak sa akin. at syempre, nakaka-relate ako sa unang character, kay irene. na prisoner ng isang memory na nangyari 14 years ago. kaya hanggang ngayon, di nakaka-move on. she's in love not with the person, but with the memory of that person...

ang sabi sa libro, may quota daw ang love. sa limang taong umiibig, isa lang daw ang magiging masaya.

si piolo ang nagsabi nito habang binabasa excerpts ng libro sa book launch, nagkatinginan kami ni angelo and then he said, "friend, kasama tayo doon sa mga magiging masaya..."

naniniwala ako dun. ang komontra, mapapasama sa apat na hindi magiging masaya!!!

***

umaga pa lang noong first showing day ng twilight ay pumila na kami ni ilai sa trinoma. maraming di magandang reviews. iyong headwriter kong si john, na-disappoint daw. pero ako, i enjoyed it. kinilig ako. at oo, gusto ko ng edward cullen.kebs na kung bampira siya. magpapa-sipsip ako sa kanya anytime...

***

nag-enjoy din ako sa christopher cross concert last saturday. lalo na noong kinanta ang swept away... siyet. brings back memories.

salamat sa mga kaibigang sina jan, dan at allen na pinagtiyagaan na naman ang kasentihan ko... napa-vodka tuloy ako after... and looking forward na ako sa peter cetera concert sa valentine's day.

isa na namang walang kwentang blog entry... sinusulit ko lang habang hindi pa masyado busy...

song of the moment: the very first time you said my name, i knew it would never sound the same. something about me has changed forever - christopher cross, swept away.

quote for the day: "ang mga writer talaga, masokista," sabi ng isang character sa libro ni ricky lee...

what i learned recently: sa january na daw kami??? huwat.

1 comment:

Anonymous said...

siguro happy pa rin naman ang 4 out 5 ppl. siguro yung one eh true love ang nahanap pero isipin mo na lang eh yung 4 eh sobrang chorva to the max ang blessing nila. oh ikaw miss noreen, true love o super chorva? you choose.

-kalan porter