Wednesday, January 14, 2009

davao daily digest

ito yata ang pinakamatagal kong trip sa davao. usually ten days max lang ako doon. this time, naka 15 days ako. 18 days sana kung di ako pinabalik agad...

dec 23 - arrival

arrived in davao around 4pm. maya's first words when she saw me: akala ko ba nagy-gym ka? ganyan pala ang katawan ng nag-gy-gym? madaherang bata! kanino nga ba nagmana ang hitad na iyun? that night, nag-grocery with my nanay and maya.

dec 24 - reunion

habang nagbabalot pa ako ng mga regalo, my ate vanj and her husband dave arrived. the last time they visited the country was in 1996, noong nag-church wedding sila. my sisters and i went to duty free para mag-shopping. had dinner together on christmas eve, went to church at 10pm and then had noche buena at 12. nagbigayan at nagbukasan din ng regalo. best christmas ever!

dec 25 - family day

this is the first christmas na magkakasama kami na buo -- with the pamangkins. kasi the last time we were complete on christmas, single pa kaming lahat na magkakapatid. so we went to lito sy studio in sm para magpa-family portrait. and then we had dinner at jack's loft. parang antipolo ito sa davao kasi overlooking ang buong city.

dec 26 - paradise

went to paradise beach resort that morning. ang maganda kasi sa davao, ang lapit lang ng beach... ilang minuto lang ang lalakbayin namin, tapos sasakay lang ng bangka, nasa ibang island ka na. mga bata lang naman ang nag-swimming (saka ako, ehhehee) kaya basically, andun lang kami para mag brunch. kasi mga 2pm, pabalik na kami ng davao.

that night, went to assumption to help my batch with the set up for golden jubilee celebration the next day. then we had dinner at sm and had coffee at karl's.

dec 27 - high school life oh my high school life

golden jubilee celebration ng assumption davao. our batch was in charge of the mass and isa ako sa na-assign sa offertory. after the mass, we joined the motorcade at sumakay sa kotse ni odick. then we went back sa school to meet up with other batchmates. had lunch at mandarin tea house. then bumalik sa school. the programs were starting to bore us, and some of our batchmates tried to sneak in fundador sa school, so us, girls, went to sm to watch movie and had dinner. we watched one night only. and then our male batchmates are pestering us to join them kasi lumipat sila sa blue post bar. lasing na silang lahat. pero still, we went there to join them. then, nagkayayaan na mag-videoke sa korokan.

dec 28 - buwaya at harana

went to crocodile farm with the whole family. and then capped the night with a dinner sa harana. walang-kamatayang harana kung saan more than 30 years na kami kumakain doon.

dec 29 - a day of fun and laughter

went to gaisano mall and sm davao with my nieces and nephew. nag-arcade kami, kumain ng pizza and watched ang tanging ina nyong lahat. had dinner with my sisters and their hubbies at roadhouse in sm.

dec 30 - bowl and balls

today, i learned na kailangan ako bumalik ng manila ng maaaga para sa utoy. went to the airport para kumuha ng bagong ticket. that afternoon, the whole family had dinner at gerry's in gmall. and then, we went to nccc mall para mag-bowling. before going home, we passed by this park sa may queensland kung saan may giant statue of david. as in anglaki... ng statwa at ng toot ni david. hehehe

dec 31 - last day of 2008

new year's eve. ilang taon ng walang paputok sa davao. bawal. as in sumusunod talaga ang mga tao. walang paputok. pasaway kami. after dinner, we traveled to the nearby city, sa panabo city, para magpaputok. aliw naman. and then we went back to davao around 11 pm. we welcomed the new year with party poppers, confetti and the ever-reliable torotot. when the clock struck twelve, pumunta kaming lahat sa kalsada at nagtatatalon. it was fun!

jan 1 - goodbyes

my ate vanj and kuya dave left for the US. that afternoon, my hs friend atty che che picked me up. we went to sm to stroll and had coffee at bo's in torres street.

jan 2 - at home ka dito

for the first time since i arrived in davao, di ako umalis ng bahay. i stayed with my nieces and nephew. we watched my your song episodes on dvd.

jan 3 - friends, movie, coffee

met up with che che and jenny in bistro rosario for lunch. had coffee at bo's (again!) and then watched baler in sm. che che and i had dinner in pirata, sa may insular hotel. ang ganda sa resto na iyun kasi nasa gitna siya ng dagat. and then we ended the night with coffee sa blugre. ang sarap talaga ng durian coffee.

jan 4 - one last hurrah

after watching your song, we went to sm again (sm at nccc mall lang kasi ang magandang mall sa ngayon. ginagawa pa lang kasi ang ayala mall) and played sa worlds of fun with the kids.

jan 5 - feeling nanay

woke up at 530 para ihanda si maya sa first day of school niya this year. ako nagbihis sa kanya ang prepared her baon. ako nagluto ng lunch niya. nag-grocery uli that night with my nanay and maya.

jan 6 - back to work

flight ko pabalik ng manila. nung umaga lang na iyun ako nag-empake (hehe) kakarating ko lang sa manila, derecho ako sa abs para mag-meeting. ka-lurkey.

iyan ang aking davao adventures. balak ko umuwi ng april for my father's 75th birthday. at sa august for my niece ilay's 18th birthday. :) angsaya!

No comments: