Thursday, January 8, 2009

di ko kinaya ito...

sa birthday party ni danica kagabi, nasa iisang table lang ang mga writers. lasing na halos ang lahat ng tao

male writer 1: pare, kum@nt*t tayo ngayong gabi...
male writer 2: (nag-isip sandali bago sumagot) pare, may meeting tayo bukas eh, baka wala tayong mai-present.

naloka kaming lahat. iyong isa gusto ng sex, iyong isa, trabaho pa rin ang iniisip. ngayon lang ako nakakita ng lalake who chooses work over sex.

***

my flight back to manila was supposed to be on january 9. kailangan ko agahan kasi kailangan daw ako sa utoy, need na daw nila ng script kasi magte-taping na. dapat nga january 2 ako kailangan. pero wala na talagang ticket na makuha ng ganoon. earliest na nakuha ko, jan 6. dumating ako ng 11pm ng jan 6. derecho ako sa ABS para sa meeting. nag-resign kasi ang headwriter kong si john. basta ang dami na nangyari. nakakaloka, di ko kinaya.

nakakahiyang masigawan sa harap ng ibang writers pero okay lang kung ang dahilan naman ay nanindigan ka para sa kaibigan, para sa prinsipyo mo. at the end of the day, mahalaga pa rin iyong nakakatulog ka ng maayos dahil alam mo tama ang ginawa mo...

***

next week, kasal na ng best friend ko. one week to go. mamartsa na ako bilang maid of honor. leche. i am at my fattest and yet dun pa ako magiging maid of honor. di umobra ang pagfitness first ko at paghire ng personal trainer at nutritionist. sa halip na sabihing i lost 10 lbs or 15 lbs, ang sinasab ko ngayon, "i lost 40,000 pesos." langhiya!!!

***

nakakaloka ang nangyayari ngayon sa paligid ko. sa career. sa personal life. sa lahat. ang saya lang talaga ng mundo!

No comments: