Sunday, January 25, 2009

kung eksena lang ito sa script...

he said, "do you want me to pack your tonno salad?"
kung eksena lang ito sa sine o tv, ang isasagot ko ay "can you also pack me?"

nakakaloka. may mga bagay pala na sa script lang pwede mag-work. sa tunay na buhay. di mo kayang panindigan.

pero kung sa script, kailangan laging may twist and turn, sa tunay na buhay, iba talaga ang impact kapag something unexpected happened. and masaya ako noong thursday ... sobrang unexpected. and it came at the right time. kung kelan sobrang pagod na pagod ako at naiiyak na ako dahil sa work, and then... it happened. ahahahahaha. alas sais ng gabi, thursday. ang saya talaga kapag may isang bagay ka na di inaasahan tapos biglang dumating. as in out of nowhere... *swoon*

i had fun last friday night. cyma for dinner. starbucks coffee. brothers burger sa bonifacio high street. at ang maganda, lahat iyun... libre. ;)

i also had fun last night with claring, ilai and mira at the premier night of direk joey's new movie, "status: single."

okay lang iyong pelikula. masaya siyang panoorin with your friends, ke single sila or may asawa. natawa ako. muntik na maiyak. naka-relate sa maraming bagay. kinilig at nag-swoon kay jon avila. habang pinapalabas ang movie, tine-text ko si direk joey. "san ba nakakabili ng ganun?" i asked him.

predictable ang mangyayari. pero if you wanna have a few laughs with your friends, watch this movie. magaling si paolo contis. sa kanya ako pinakanatawa as ruffa mae's gay best friend. effective din si rafael rosel at nakakatawa si mark bautista bilang call center agent na may twang pero lumalabas ang pagiging bisaya kapag di nag-e-english dahil taga malaybalay, siya. si ruffa mae naman, matatawa ka sa kanya sa umpisa pero two hours of that kind of acting, magsasawa ka rin. si jon avila, ang gwafo. wala akong ibang sinabi kapag nakikita ko siya sa screen kundi ang gwapo!

sabi sa akin ni mira, gawa daw ako ng ganoong kwento sa your song. sagot ko, "ummm, parang ganun ang next episode namin... " sa next your song ep. angelica is looking for mr right. successful siya sa career pero single pa rin siya. kung kani-kanino siya sine-set up. and then she meets derek. :)

iyun lang, excited lang akong magblog dahil ilang gabing puro script ginawa ko... masaya.

1 comment:

michiepie said...

hi Ms. N, michiepie here, pag nasa High Street ka, text mo naman ako... dun ako nag wo-work e, ill treat you to dinner.