Saturday, January 17, 2009

my best friend's wedding

when my best friend bim told me she was getting married and that i would be her maid of honor, natakot ako... kilala ko ang sarili ko. hindi ako organized na tao. at alam naman natin kung gaano kalaki ang role ng maid of honor hindi lang during the wedding kundi sa preparation ng weddings. baka pumalpak. baka sumabit. baka may gawin ako na ikakasira ng wedding...

two days before the wedding, binigyan ako ng script assignment sa your song. at ang deadline -- sa mismong araw ng kasal. nakakaloka.

pagkatapos kong ma-stress (at gumastos) sa bridal shower, triple ang stress ng wedding mismo...

napakahirap pala maging maid of honor. i stayed with the bride the eve of her wedding sa hotel. woke up when the bride woke up at 6am. and noong few hours before the wedding -- nakakaloka. ang dami kailangan gawin at asikasuhin. nandiyang habang mine-make-up-an ako, fina-finalize ko ang script ng programme saka iyong story ng couple, tapos kailangan ko makipag-usap sa videographer, tapos nakikipag-coordinate pa ako sa groom, sa choir, sa wedding coordinator, sa designer, at sa ibang kasama sa entourage.

sa reception, naging emcee ako. inaliw ang mga bisita for three hours. naglead ng games. nagbigay ng maid of honor toast.

at habang ginagawa ko ang lahat ng to, iniisip ko ang script ko. ano kaya mangyayari sa mga bida? ano kaya dialogue. ano kaya ang gap-ender.

para kay bim -- okay lang. sulit ang lahat ng pagod. sulit ang lahat ng hirap. sulit ang lahat ng ginastos ko para sa kasal niya.

it was her day. at lahat gagawin ko, para maging perfect ang araw na iyun for her.

bim has been my best friend for 14 years. sobrang selfless niya. sobrang generous. sobrang supportive. takbuhan ko kapag nagipit ako sa pera, unang tinatawagan ko kapag something bad or good happens to me, isa sa pinaka influential na tao sa buhay ko.

hindi man niya napapanood mga sinusulat ko sa tv ngayon, she was the first friend who knew what my dreams were even before i could realize them. who believed i would be a tv writer someday, kahit di ko sinasabi sa kanya na iyun talaga ang gusto ko gawin. kaya nga noong 2003, pinautang niya ako so i could buy my own computer. para magamit ko sa pagsusulat ko ng script. the following year, abs-cbn opened its door for me. kaya sabi ko kay bim, kapag yumaman ako, reregaluhan ko siya ng kotse, para sa lahat ng nagawa niya sa akin.

hindi man kotse ang naregalo ko sa kanya noong kasal niya, i gave her something more valuable -- my friendship. my loyalty. my service. and although i am not a perfect friend, at madalas nadi-disappoint ko siya especally when she expects more from me tapos di ako nakaka-deliver, i'd like to think na she thinks im a good friend, kaya she sticks with me through the years.

sabi nila, ang pagiging best of friends daw, dapat mutual. i mean, hindi pwedeng i-claim mo na best friend mo ang isang tao, tapos sa kanya, iba pala ang best friend niya. bim and i started out as roommates sa UP. tapos naging friends. tapos, naging semi-best friend kami until finally, we told each other, "promoted ka na..... best friend na kita."

minsan tinanong ni cel si bim what made us the best of friends. hindi ko na matandaan ano sinagot ni bim noon. kapag ako tinanong bakit siya ang best friend ko, mahihirapan din ako sagutin iyan... pero isa lang ang masasabi ko. sa friendship, tulad din ng love, you will get what you deserve...

aminado akong hindi ako mabait na tao. pero having a best friend like bim, siguro i must have done something right to be blessed with her friendship.

and oh... binigyan ako ng one-day extension sa script deadline. na-submit ko na kanina pa. ang tanong, magustuhan kaya ng headwriter ko? :)

3 comments:

Anonymous said...

miss noreen, kung ikaw pa rin sana ang writer ng dyosa, what would have been your ending for the story?

lamest part lang, eh walang masyadong power si sinukuan. sobrang weakling ng character. i was hoping na sana may showdown sila ni magayon.

-kalan porter

noreen said...

ay ano ba ending? di ko napanood eh... nasa kasal ako. ang alam ko, original ending namn, walang makatuluyan ang takda. ganun pa rin ba?

Anonymous said...

yeah, wala nga siyang nakatuluyan although obvious na love talaga niya si adonis. since original writer ka, di ko talaga magets kung bakit pangit ang mga kasamian. sumpa ba talaga iyon dahil sa mga warfreak sila? o talagang ganun na ang hitsura nila. kasi sa opening di ba pangit na si tadaklan na nagpakaguwapo lang for the wedding with sinukuan tapos pangit uli nung na-hit niya si amang suga? tapos akala ko ba the takda will bring peace between the kabanwas and the kasamians eh nung ending eh namatay lahat ng kasamians nung naging dyosa na ang takda. tapos parang useless din if ever nabuhay si adonis kasi he's gonna be dead din naman pag nakoronahan na ang takda. another flaw, if ever nakoronahan si diana bilang takda, ang claim nila eh magiging guwapo at maganda uli ang kasamians which doesn't make sense kasi nga judging from the ending eh mamatay no matter what ang mga kasamians. suggestion sa abs, dapat gawing canned lahat ng shows para from start to finish eh walang flaw ang storyline gaya dito sa US. they shoot it for a couple of months then sell it to networks kaya continuous ang storyline... at para wala nang madagdag na maraming characters. yun yung pumapatay kasi sa mga shows sa pinas, super dagdag ng mga pampasirang characters kaya nagiging convoluted and story.

-kalan porter