Thursday, January 1, 2009

not so great ang aking 2008

the new year gives us the chance to start anew, forget past hurts and disappointments, set new goals and live life with renewed hope and enthusiasm. iyan ang text message ko sa mga tao noong new year. and as i welcome 2009, i look back at the previous year and reflect on what happened in my life. at dahil every year ay gumagawa talaga ako ng yearender entry tulad noong 2007, heto na ang aking 2008....

january - almost

almost kasi muntik-muntikan lang. ang daming di natuloy sa month na ito. naudlot? siguro.

muntik na maipalabas ang utoy. di natuloy. kung kelan na ipapalabas? only god knows

supposedly ay gagawa ng musical soap. be my lady ang title. ano na nangyari? only god knows pa rin...

was dating a new guy. one movie. three dinners. two inuman. several coffees. and then... wala. bakit? kasi gaya ng blog enty ko noong january, "you may be what i want. but you're not what i need. mabuti na iyong i will be remembering you with a smile, than i'll be thinking of you with an aching heart..."

february - arrow

"an arrow can be shot only by pulling it back. so when life is dragging you back with challenges, it means that it's going to launch you into something big."

hindi na matutuloy ang book two ng super inggo. di na rin matutuloy ang be my lady. also learned na tuloy ang claudine soap, pero hindi na ako kasama. okay lang kasi aside from your song, i started writing for love spell, tapos i was tapped to be part of dyosa. salamat, john, sa pagpasok sa akin.

march - endings

this month, it has been one year since i ended a chapter in my life. one year. i survived... dito rin natapos ang kuwento ni B sa buhay ko.

a colleague passed away this month at pinagluksa siya ng lahat ng writers ng abs-cbn.

"it's good to be scared. it means, you still have something to lose," sabi ni chief webber sa grey's anatomy...

april - time out

in the midst of the kangaragan, i was able to take a break and spend time with my family and friends. my nieces ilay and maya spent their summer vacation with me. dumating din ang parents ko from the US.

toto concert with bats and allen. pda concert with ilai and che che. peyups ONO. lakwatsa with ilai and che. ark avilon with nieces. malling everyday.

sa career, hindi man naging kulas si zanjoe, kasama pa rin siya sa dyosa bilang mars... at... nakilala ko siya noong april 30!

may - Zuper

this is zanjoe month. ilang beses kaming nagkasama sa taping. nagkausap. nag-inuman. sa merville. sa mall of asia. sa sucat. sa tagaytay/batangas. ang saya-saya!

iyun lang...

june- ngarag

pinalabas ang i'll take care of you, my favorite your song episode. siguro biased lang ako dahil si zanjoe ang bida. nagsimulang magsulat ng dyosa script kaya ngarag. i remember, nasa taping ako ng dyosa, tapos direcho sa bahay to write a your song episode.

july - news

learned ikakasal na ang best friend ko... at maid of honor ako. napa-enrol bigla sa ff.

learned na iyong dalawang drafts na sinulat ko for dyosa ay mababalewala lang. at hindi na ako ang magsusulat ng week four.

learned about manong gilbert's death while i was in saigon.

august - extreme

dyosa aired sa tv.

the day before my birthday, i learned something that made me depressed. tried to forget about it noong nag-party na ako. sobrang saya ng birthday celebration ko that night. only to find out on the day of my birthday that my father was rushed sa icu. napauwi ako bigla ng davao.

september - delubyo

the result of my father's biopsy came out on the same day i lost a show (dyosa). nakaka-windang lang. that was the worst day of my year.

october - hopeful

my only hope was aired. nag lock in ng one week sa imperial with moh's creative team -- rose, julian and jayson. sobrang saya. grabe ang bonding. one week ba naman kaming magkasama. one week mo nakikita bago matulog at pagka-gising ang nga mukha nila...

this month, i also became a part of this new show na pambata.

november - balance

araw-araw na meeting. umaga na umuuwi. sunod-sunod na lock-in. presentation. script deadlines and revisions. ang kapalit? six figure na TF for this month...

but wait, there's more... ang pagbabalik ng episode ni C sa buhay ko.

december - swamped

nag-resign sa bagong show. nagkaroon ng revamp sa creative team ng utoy.

umuwi ng davao. muling nakumpleto ang family. golden jubilee ng assumption davao. was reunited with high school friends. supposedly nakabakasyon pero sinabihan ng EP na i-cut short ang vacation dahil kailangan na daw ako sa utoy. dapat jan 9 pa uuwi, naging jan 6.

basically, iyan ang aking 2008. maganda siya sa career at sa pera, pero sobrang test of character. na-challenge ako... emotionally. mentally. spiritually. pero, with my family and friends around me, i managed to pull through. sa lahat ng nakasama ko noong 2008, sa lahat ng mga bago kong nakilala at naging kaibigan, at mga kaibigang nakaaway at nakabati (hi, zum! :P ), at mga taong nagbigay sa akin ng saya, sama ng loob, frustrations at kung anu-ano pang emosyon -- salamat!

at sa aking mga tunay na kaibigan -- kikays (claring, jan, ibiang, cel), sa aking best friend na si bim, sa high school friends kong sina ilai, cheche, at gaga, sa mga abs friends ko at iba pang kaibigan -- salamat!!!

3 comments:

Anonymous said...

naaddict ako sa dyosa sa last three weeks of airing nito. ang ganda ng opening epidose ha. reklamo ko lang, medyo bitin yung scene na na-hit ng powers ni tadaklan si amang suga. medyo magulo kasi di mo alam kung buhay pa siya, na-explain na lang after. then nung trinansform ni tadaklan si huling, miong and bacchus. napakaselective naman ng tungkod niya at merong mind of it's own at alam na ang gagawin sa kanila. sana man lang merong line na "isinusumpa kitang maging kambing chuva". dito kasi sa states pag ni-hit mo ang someone with your powers eh understable na dead na sila. buti na lang, di ka na part ng dyosa. i would just say na the writers are not doing a good job hiding the whereabouts of kulas right now. oo nasa US siya with vilma and angel, pero sana man lang gumawa ng sidestory kung nasaan siya. nung kinoronahan ang takda, wala siya eh dapat andun kasi mga friends sila since bata. hayun. anyway, hope may new year chorva ka na miss n. :-)
-Kalan Porter

noreen said...

ahahaha. kaloka ka naman, KP! wala na ako sa dyosa... wag ako tanungin mo nyan ahahahahahaha

Anonymous said...

pwede bang pakisabi sa abs-cbn, na naaalibadbaran na ang mga taga-states sa pagmumukha ni dj durano. pangit siya ha! isingit pa ba siya sa dyosa?! sana kung ikaw pa rin ang writer nun, dapat sa last episode special appearance si marina... siya tutulong para magapi sina magayon, pyra at tadaklan since dyosa agua + marina = super daming tubig. mas maganda ang ending kung si anne chooses not to be the takda anymore and instead choose to live as a mortal with adonis and parentals both biological and adoptive. then si marina ang magiging takda... eh di ba ang ending ni marina eh bitin kasi she swan to the open sea. so hayun ang ganda nun at box-office ang rating niyo... pero di ka na writer... sayang!!!! and whoever coined the greeting "namishka"... ang ganda niya ha!

-kalan porter