Wednesday, February 18, 2009

salamat sa facebook...

... dahil nakita ko ang kakaklase ko noong grade two na nakasabunutan ko. never na kami nagkita uli. kasi lumipat siya ng school. pero a few years ago, i saw her sa TV -- isa na siyang newscaster sa ABS-CBN zamboanga. tapos, last week, nakita ko siya sa facebook. aliw lang :)

so nagpalitan kami ng messages, at na-bring up nga iyong away namin noon. natawa na lang kami. tapos na iyun. she's now married. with two kids.

***

i wasn't a good girl in assumption. ako iyong laging napapatawag sa office dahil may nakaaway, nasapak, nasipa, nasuntok, naka-wresting at nakasabunutan. grade six ata noong huli akong nakipagsabunutan. noreen din ang pangalan niya. dalawa kasi kaming noreen nun sa batch. grade 3 ako, i had hair and blouse-tugging fight with karen, dahil sa pambubuyo ng kaklase naming si maureen.

noong first year high school, muntik na kami mag-away ni lirio (SLN) as in pasugod na kami sa isa't isa, buti na lang naagapan. huling physical na away ko, second year. hindi naman talaga away iyun. nanampal lang ako ng kaklase... nakita ito ng best friend niya at galit na galit. sinabihan siya na gumanti. nagkasigawan nga sila kasi ayaw niya gumanti sa akin at tinawag siyang wimp or bakla or something. ayun, awa ng dyos, iyong lalakeng sinampal ko, he got even by breaking my heart for 17 years... nasa facebook ko din siya! and FYI, siya nag-add sa akin... heheheheh

***

may nagtanong sa akin bakit daw di na ako masyado nagba-blog. dumarating ka pala sa point na magsasawa ka din. gawd, ilang taon na ba ako nagba-blog -- eight years!!! siguro kailangan ko magkaroon ng bagong SB para araw-araw na uli ako magba-blog. hehehehe

kung dati, puro lovelife ang blog entry ko, last year, puro tungkol sa career. aside from lovelife and career, ano pa nga ba ang interesting na isulat? hindi na puwede ang tungkol sa career... i mean, di mo alam kung ano masabi mo at may ibang mali ang intindi or interpretation mahirap na...

***

"napaka-unfair ng mundo! ako na nga ang naloko pero sila itong masaya ngayon." sabi ni angelica panganiban sa your song episode nila ni derek ramsay. ARAYKONAMAN!!! episode ko iyun pero that certain line was written by my headwriter. as in tagos ang hirit na yun...

***

"wala ka bang boyfriend ngayon?" direk joey asked me yesterday... i shook my head... "baket?" he asked again... i shrugged, "direk... pano naman ako makakahanap sa abs?"

that reminded me of that one time na nagmemeeting kami sa may starbucks... my creative manager said, "walang writer na yumayaman... wala ring writer na nag-aasawa."

nag-react ako violently...sabi ko hindi totoo iyun. she said, "sige nga, magsabi ka ng babaeng writer na nag-asawa..." i mentioned a name. she said, "ang daming nilampasan... bihira lang nangyayari iyan.."

siyet. mali ba ako ng careerpath???

song of the moment: i got tired of waiting wondering if you were ever coming around. my faith in you is fading - love story, taylor swift

quote for the day: "napaka-unfair ng mundo! ako na nga ang naloko pero sila itong masaya ngayon"

what i learned recently: tulad ng lahat ng bagay, there are always two sides ... sa facebook, may advantages at disadvantages din...

4 comments:

Anonymous said...

mas gusto ko yung line sa episode nila rachel ann at gabs valenciano. something like "pag sinabi ko bang mahal kita, mahal mo na rin ako?".

kalansay said...

out of topic.

kasalukuyan po akong nagtatype ng aking research ngayon... at nakita ko ang inyong blog, nabasa ko ang entry na ito:http://noringai.blogspot.com/2008/06/isang-mahabang-entry-tungkol-sa.html

isa po akong researcher trainee sa upcoming nurserye ni juday at sobrang pangarap ko pong magsulat ng teleserye/pelikula someday! medyo nakakainspire lang po ang post. i really want to pursue my dream! ;)

ayun.

kalansay
kalansaysaaparador.blogspot.com

kalansaycollector said...

out of topic.

kasalukuyan po akong nagtatype ng aking research ngayon... at nakita ko ang inyong blog, nabasa ko ang entry na ito:http://noringai.blogspot.com/2008/06/isang-mahabang-entry-tungkol-sa.html

isa po akong researcher trainee sa upcoming nurserye ni juday at sobrang pangarap ko pong magsulat ng teleserye/pelikula someday! medyo nakakainspire lang po ang post. i really want to pursue my dream! ;)

ayun.

kalansay
kalansaysaaparador.blogspot.com

noreen said...

kalansay,

just don't give up on your passion and principle...

good luck! bihira ang nabibigyan ng chance to do what they love doing... kapag nakuha mo ito, wag mong sayangin. :)