Saturday, March 7, 2009

halika, tikman ang langit...

just arrived from the eraserheads concert. didn't think i would be able to watch kasi thursday na, wala pa kaming ticket. walang time bumili and kahit mag-online at doon bumili, wala rin kami time. pero suwerte at nasa megamall si jan ng saturday ng tanghali... at may nakuha pa siyang ticket.

i wasn't able to watch their concert last august because i was in davao... suwerte ko na for this concert, wala akong deadline, walang lock in, walang meeting...

couldn't help being emotional while watching... mixed emotions -- the songs brought back lots of memories -- UP life, sunken garden, dorm life, tapos iyong first bf ko, na sobrang fan ng eraserhead. pero all in all, super sulit ng concert. ang saya. ang galing. sobrang nakaka-touch din iyong kumanta sila ng super proxy saka iyong kaleidoscope world para magbigay-pugay kay francis magalona.

ito na yata ang the best concert na napuntahan ko. as in. at sobrang minahal ko ng todo-todo si ely.

i remember when i saw ely sa book launch ni ricky lee noong november. i was with angelo that time, magpapa-picture sana kami ni angelo but he said huwag na lang kasi mukhang suplado si ely. ang dami nagpapa-picture sa kanya at hindi siya ngumingiti sa picture. parang ang yabang.

i saw ely again sa abs last december. galing ata sya sa guesting sa sharon nun. na-tempt uli ako magpa-picture pero nahiya ako kasi nagme-meeting ako that time. ang tagal nila nag-stay sa labas ng starbucks/cibo. he was with his son. and nakita ko, sobrang sweet ni ely sa anak niya. parang hindi ito ang supladong ely na nakita ko sa up noong book launch ni ricky lee. i saw a different side of ely.

sa concert, nakakatuwa siya... marunong na siya sumagot sa audience ngayon. kahit suplado pa rin, nakakaaliw. lalo na kapag inuutusan niya ang audience... "sing!" or "talon!" parang isang malawakang prayer meeting na lahat kami, alagad ni brother ely. gagawin lahat ng sabihin niya... kumanta. tumalon. sumayaw. pumalakpak.

tapos, noong akala namin tapos na, at lahat kami, naglalakad na sa exit, biglang meron pa pala...pang apat na set na ata nila iyun. three for the road, sabi ni ely. nakipag-interact pa siya sa audience. ewan pero sobrang nakaka-move iyong last words na sinabi niya, "we are the eraserheads..." sabay smile.

for a fan like me, nakakatuwang makita sila ulit together... baka hindi na maulit. baka wala ng next time. masaya ako na i was part of history. natatandaan ko pa noong unang pinatugtog ang single nila na ligaya sa radio. at inintroduce sila ng DJ na mga UP students. freshman lang ako that time. that was in 1993. sixteen years after -- i watched their final set concert. ibang klaseng experience ito. priceless.

1 comment:

blueskies said...

nakakainggit naman!

makikitingin na lang ako sa youtube at bibili ng cds ulit pag uwi ko. hehe