Monday, April 20, 2009

it's the lover not the love...

a friend broke up with his girlfriend of four and a half years. and every now and then, he sends me text messages about how he's struggling to survive. sabi niya lagi siyang lasing, hindi siya umuuwi sa kanila, nakikipag-inuman siya sa strangers. and syempre, iyong mga text nya na umiiyak siya, nalulungkot, nade-depress. hindi niya matanggap na iyong ex niya, nag move on na.

iyun naman talaga ang pinakamasakit when a relationship ends, iyong ikaw, miserable, while the other party has moved on, ikaw, umaasang magkakabalikan pa kayo while iyong isa, masaya na sa buhay niya without you. kaya the more na umaasa kang babalik siya, the more na masasaktan ka...

whenever someone is brokenhearted and nagtatanong sa akin ano gagawin, isa lang naman ang sinasabi ko eh -- take it one day at a time. survive on a daily basis. oo, masakit. oo, mahirap. pero ganyan talaga eh. nandyan na, ano pa ba magagawa mo kundi harapin?

noong nagkukuwentuhan kami ng mga co-writers ko sa your song, i recalled the times na sobrang depressed ko, wala akong pakialam while tumatawid ako sa edsa kaya muntik na ako masagasaan ng bus. or iyong time na nakatayo ako sa mrt at di ko alam na pinagtitinginan na pala ako ng mga tao dahil umiiyak ako. naalala ko rin iyong mga panahong nasa taxi ako, may narinig lang akong song na wala naman kinalaman sa akin pero tinamaan ako kaya napahagulgol ako. iyong mga araw na ayaw ko bumangon, gusto ko nakahiga lang ako. or natutulog. kasi kapag tulog ako, i don't feel any pain.

lahat naman tayo, im sure, naranasan na ang ma-broken heart. pero lahat tayo -- heto pa rin. wala naman namamatay sa broken heart eh. pwera na lang kung magpakamatay ka. ibang kuwento na iyun. kapag ginawa mo iyun, tinanggalan mo na ang sarili mo ng chance na maging masaya uli and to love again.

anong point ng blog entry na ito? to remind everyone na kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, lilipas din iyan. as i read my journals when i was at the lowest point of my life, akala ko noon di ko makakaya eh. but i managed to survive. and bounced back from the pits of depression. napapa-cringe nga ako tuwing binabalikan ko ang mga blog entries ko around march and april of 2007. iyong mga times na iyak lang ako ng iyak. parang nakakahiya na ganoon pala ako dati...

okay lang umiyak. okay lang mag-wallow sa pain. okay lang magsenti at magmukmok at alalahanin ang lahat ng magagandang memories nyo together. pero dapat may conscious effort ka na kalimutan siya at mag-move on. at dapat, kung anuman iyong paraan na ginagawa mo to cope with the pain ay hindi nakakasira sa iyo. sa akin, it was shopping. and videoke with friends. and blogging.

pero kapag nahanap mo ang way to survive on a daily basis. okay ka na. magigising ka na lang one day, time has passed, at kasama na nitong nawala iyong pain...
and kasabay ng pag-pass ng time, ang pag-realize na okay ka na uli to love again...

bakit all of a sudden ay napa-blog ako about being heartbroken? kasi iyong kakatapos ko lang na script, andun iyong part na nagbreak na iyong dalawang bida. at iyong girl, nahihirapan mag move on kasi sobrang mahal niya iyong guy -- kahit na asshole ito, kahit na he doesn't treat her well kasi may iba itong mahal.

your song presents katorse... malapit na :)

song of the moment: it's the lover not the love, who broke your heart last night. it's the lover not the dream that didn't work out right -- hindi ko alam sino kumanta, di ko matandaan. pero ito ang kinakanta namin during the katorse lock in, along with tina paner's tamis ng unang halik.

quote for the day: "time passes. even when it seems impossible. even when each tick of the second hand aches like the pulse of a blood behind a bruise, it passes unevenly, in strange lurches and dragging lulls, but passes it does. even for me," stephenie meyer in new moon.

what i learned recently: cliche but true... time heals all wounds.

4 comments:

Raquel said...

si tiffany yata ... :) miss na kita girlalu!

BabyPink said...

tama, tama. lagi lang sigurong tandaan ng mga broken hearted ang: "this, too, shall pass."

:)

Anonymous said...

tama, its the lover not the love. ^_^

-kareen

noreen said...

si tifanny nga... thanks, bats :)

yes, babypink... this too shall pass talaga :)

K... naka-relate? hehe