Sunday, April 5, 2009

thank god, it was a good-hair day...

hindi ko alam kung san galing ang mga pics na ito na nakalagay sa pinoyexchange. pero nagulat na lang ako na meron palang ganito.... buti na lang, naka-blower ang buhok ko that day... talagang kailangan ko na magpa-rebond!

and looking at the pictures, may na-realize ako - shet. ang taba-taba-taba ko na. kailangan ko na bumalik sa gym! sayang ang binabayad ko every month, di naman ako nagpupupunta...

another reason to go back to the gym: health.

before i left for davao, sunod-sunod na deadline thus sunod-sunod na puyat din. walang fruits. walang veggies. puro karne. when i arrived sa davao, nilantakan ko ang alimango... ang nangyari... last night, i got sick... nahihilo. masakit ang katawan. masakit ang ulo. sumusuka. konti na lang, magpapahatid na ako sa hospital. pero ayoko ma-stress ang nanay ko. kaya nanahimik na lang ako.

ok na ako ngayon. pero that was a warning... kelangan ko na talaga ng healthy living.

nasa davao ako now... sinurprise ko ang parents ko. gulat sila, siyempre. havent met up with my friends yet. kasi, kahit dito na ako sa davao, may deadline pa rin na tinatapos... na-submit ko naman kanina. okay na... kelangan ko nga lang manood ng dvd ng isang mexicanovela na ire-remake namin. so habang nandito ako, iyun ang gagawin ko... dvd marathon...

ganito pala ang pakiramdam ng nagba-blog. nakalimutan ko na sa tagal kong walang entry...

1 comment:

BabyPink said...

hello, miss noringai!:)

hehe:) nakaktuwa naman at biglang nakita mo ang sarili mo sa hindi mo inaasahang "lugar."

by the way, ang nanay ko, fan ni judai! :)