Thursday, May 7, 2009

the boys are coming to town...


among the seven, i love enchong dee the most. maybe because he starred in one of my most favorite your song episodes (tulak ng bibig, kabig ng dibdib with empress schuck directed by joyce bernal), or maybe because he made me cry several times in his scenes as jhun in my only hope, or maybe because in one of the parties that i attended and he was there, he approached me and kissed me and he remembered that a couple of months before, i presented the story of my only hope to the cast.
or siguro dahil na-impress na rin ako noong nagkuwento siya tungkol sa buhay niya... he has always been a good boy. a follower of rules. taga-sunod sa mga tao who make decisions for him -- his parents, his coach, his manager...
he's an actor. a champion swimmer. an honor student. may social awareness. magalang na bata. eager to learn. magaling umarte.
yes, i love enchong the most. sana huwag siyang magbago. sana poreber siyang maging mabait.
this will be his third your song episode. and sabi ko, sa lahat ng episodes niya, ako ang writer. sabi niya, lahat daw ng your song episode niya, pinapahirapan siya... pero enjoy naman siya.
third time ko na rin magsulat for dino imperial and for aj perez. kasama si dino sa enchong-empress episode. tapos iyong "imposible" with aj, lauren and empress. si aj naman, sa imposible, tapos sa underage. and then here. sabi nya sana daw after boystown kunin siya uli para back-to-back-to-back na your song siya. your song presents aj perez na iyun.
makulit si dino. siya ang kuya ng group. maingay kaya akala mo mayabang. i got to know dino personally during the audition for george and cecil. sobrang traffic and he came from school (csb) and guess what... nag lrt at mrt sya papuntang abs. heto ang mas matindi, noong tinatawagan na siya to ask where he was -- nasa tricycle daw! dino imperial taking the tricycle to abs!!! wow.
love ni direk joey si dino. kaya nga he was auditioning for a role, ang binigay sa kanya, iyong bigger role. kasi, magaling siya.
si aj naman, he takes his craft seriously. sa underage storycon, tahimik lang siya pero sa boystown storycon, lumapit pa siya sa akin to ask more questions about his character. "anong movie kaya ang dapat ko panoorin para peg ng character ko?" he asked.
earlier this year, pinakilala sa akin ng isang friend si robi domingo. nag-mano sa akin ang mokong. mao-offend sana ako pero he does that to everyone pala as a joke... nagmamano. he was supposed to be in underage pero his schedules wouldn't allow him.
sa storycon ng boystown, he listened intently... ina-absorb ang character niya. and during tapings, he'd ask me kung ano feedback ni direk or ng mga tao sa acting niya.
malambing si robi. he loves to hug. pero ilang beses ko na siya sinisita dahil lagi niya pinag-iinitan ang bilbil ko. noong bumisita kami sa taping, pinipisil niya ang bilbil ko and called them "love handles." sabi ko nga para naman akong buddha na hinihimas ang tiyan para suwertehin.
sa tuwing magkikita kami sa abs, he'd talk to me using the lines from his scripts, lines that i wrote for him. todo emote pa!
this is my first script for arron villaflor, chris gutierrez and sam concepcion. first meeting namin ni arron, na-imbyerna ako dahil he called me "tita!" sina enchong nga, "ate noreen" ang tawag sa akin tapos si arron, "tita!" bakit, ilang taon ba siya, 10 years old? pero inisip ko na lang, likas lang talaga siguro siyang magalang... wala akong personal encounter with him pero sabi ng isang staff, siya daw ang pinakamabait sa gigger boys.
during the storycon, sa kanilang lahat, si chris lang ang lumapit to say "thank you... i love my role." he said he'd want to do something like that. he loves his character daw and excited na siyang mag-taping. grasyoso siyang bata.
pansin ko din na sobrang close niya with aj and dino. so close na he was so honest to say na dino is like is and dino is like that, sa harap ni dino at ng ibang tao.
wala si sam sa storycon. wala din siya sa immersion/workshop. kaya sa kanilang pito, siya ng "hindi ko super kilala." pero during the presscon, noong sinasabihan ng staff na pumasok na ang gigger boys sa loob, si sam ang unang sumunod. nakaupo na siya sa loob while the rest, nasa labas pa, nagkukulitan. kaya noong pumasok ako sa holding area, siya pa lang ang nandoon. "hello po" he told me. kahit hindi niya ako kilala. kahit hindi niya alam na isa ako sa writers, he still greeted me. i smiled at him and said, "wala ka sa storycon saka sa workshop" and then i told him na isa nga ako sa writers ng show.
among the seven, i love enchong the most. but i love them all....
this may 10, catch enchong dee as arnel, the champion swimmer and "kuya" ng boystown; robi domingo as arkin, the rich boy who doesn't appreciate what he has; aj perez as ricky, the one who ran away from home because he was abused; arron villaflor as raul, the siga ng todo na napadpad sa boystown; dino imperial as chad, the delinquent bully and chris gutierrez as brent, the silent but dangerous guy who is actually insecure.
one time, direk lino heard me saying na ang pinaka-favorite your song episode ko ay iyong kay angelica panganiban at zanjoe marudo. he asked, "ang boystown, di mo paborito?" i told him, "hindi ko pa nakikita eh..."
kahit hindi ko pa napapanood ang boystown... masasabi ko, this has become a personal favorite... because of the gigger boys. :)
watch kayo ha....

3 comments:

Rocky said...

one time, direk lino heard me saying na ang pinaka-favorite your song episode ko ay iyong kay angelica panganiban at zanjoe marudo. he asked, "ang boystown, di mo paborito?" i told him, "hindi ko pa nakikita eh..."Ha ha ha affected sha? Ha ha ha sige will watch boystown. Let's see kung ano ang ibubuga ni direk...kung may naitulong si Ms. Rockett sa kanya bilang inspirasyon, he he he

Anonymous said...

galing mo talaga idol! me and my family watched Boystown..super kilig si angela ..surely, will never fail to watch it lagi lagi :) congrats ulit! - sallybabes

noreen said...

@gmai@ Rocky... hehe, he just loves his craft so much kaya may gusto patunayan ;)

@ Sally... uy, salamat. si angela lang ba? baka pati mommy niya, kinilig din... hehehehe thanks, sis!