Friday, June 12, 2009

remake

ang challenge sa pag-gawa ng remake ay ang pressure na pantayan o higitan ang original na palabas.

at kung ang original na palabas ay maraming fans na alam ang talagang kuwento nito, asahan mong mapipintasan nila bawat pagbabagong gagawin mo sa kuwento...

ngayon pa lang, sinasabi ko na, may mga pagbabagong mangyayari, may mga papalitan, may mga mawawalang character at may mga madadagdag...

pero gagawin namin ang lahat na siya pa rin ang bidang mamahalin at kakainisan nyo...

starting tonight, i need to think like a bida-kontrabida... this is it!

***

last night, i was writing nene's story. sa meeting pa lang, i volunteered to write day two na. sabi ko, bagay sa akin iyun.... binigay naman sa akin...

and true enough, finished day two immediately... tumigil lang ako sandali para umiyak. ang weird ko... umiiyak while writing a script. siguro dahil na rin sa mga songs na pinapatugtog ko while writing it -- i can't make you love me. the art of letting go. someday. i don't wanna be your friend. i didn't mean to make you mine. until i get over you. broken-hearted me. sino ba naman hindi maiiyak diyan?

habang tumigil ako sa pagsulat para umiyak, i realized... today is june 12. three years na... happy independence day... to me!

4 comments:

BabyPink said...

re: remakes. doble pa siguro ang pressure kasi likas na pintasero/a talaga ang mga pinoy. hay.

Anonymous said...

three years na after ni sisig boy?

--kalan porter

tintin said...

haller,
matagal n akong stalker ng blog mo, nakidalamhati ako s yo when you were having your SB moments, at katulad ng ibang nagbabasa nito, i shouted "cheers" the day you declared your 'independence'.
i envy you, kasi ako, 3years after, ganito pa din...di ko pa din mabati ang sarili ko ng happy independence day...
soaring ang career, pero ang lovelife, parang coke: ZERO!

well, cheers pa din for us!
-tintin

noreen said...

@ BabyPink... tama ka! SObrang manlait ang mga Pinoy! hahaha

@ Kalan -- nope. something else :)

@ Tintin... actually, 2 years and 3 months pa lang since i ended my SB moment. iyong three years na yun, it was something else but SB-related pa rin :D