Monday, July 13, 2009

buti na lang may MPD ako...

that's multiple personality disorder. madalas kasi nila ako biruin noon, na ang dami ko personalities. nakikipag-away pa nga ako sa sarili ko. oo, inaamin ko... i have different personalities... madalas ko kausapin sarili ko, at sinasagot ko naman. baliw nga ata ako. pero this comes in handy whenever im writing a script. kasi di maiiwasan magkasabay ang dalawang script. so pagkatapos ko maging 14-year-old girl na tanga sa pag-ibig, magiging astig na babaeng pulis ako o kaya hitad na mang-aagaw ng dyowa ng best friend. syempre magkakaiba ng ugali ang mga iyun...

***

hindi ako nagrereklamo, nagkukuwento lang... pero last week, slept only for one hour, tapos 35 hours akong gising at nagsusulat... siyet. mahilo-hilo na ako... hindi ako naliligo, hindi kumakain ng matino... kasi kailangan mag-submit. kailangan magsulat. kailangan tapusin ang script na madaliang pina-revise. at nagkasabay-sabay pa...

again, di ako nagrereklamo... nagkukuwento lang.

song of the moment: again by lenny kravitz -- sana pumayag silang ito ang gamiting song noong dalawang bida na nagkakilala sa internet.

question of the day: what did you have to give up to be where you are now? --> facebook status ni direk joey last week. ang dami nag-react. mga artista iyong iba. nakakalungkot ang mga sagot nila. napaisip ako... ano ginive up ko to be where i am now? times with my family. andito parents ko from the US pero di ko masyado na-enjoy kasi busy ako sa pagsusulat. alis na uli sila bukas pabalik davao... hai... trade-offs. kayo, what did you have to give up to be where you are now?

what i learned recently: may kapalit ang lahat ng bagay.

3 comments:

raissa said...

ang daming magandang shows di na ako makahabol hahaha

I love that Lenny Kravitz song.

what I gave up to be where I am? security, family and at some instances peace of mine *sigh*

nga pala na LSS ako sa "Tamis ng unang halik" after watching the trailer hahaha and yes Enchong! I was able to get a good picture of him during the Star Magic World Tour but its still with my aunt's camera =)

michiepie said...

napaisip ako sa question mo... at first naisip ko... time for myself... pero naisip ko, mas tamang isagot Love Life, kasi nawalan ako ng time makipag landian (lol)

noreen said...

Raissa... nakaka-LSS nga ang tamis ng unang halik. wahahaha Tina Paner version. Magka-henerasyon nga tayo :)

you gave up security? bakit naman? pano un?

Michie...namen! di dapat nawawala ang kalandian ahahahaha baka pwede pa humabol ;)