Thursday, July 23, 2009

happy birthday, Z!

birthday ni zanjoe ngayon. :) wala lang... greeted him sa facebook. pero with his schedule, i doubt kung may time pa siya maglog in sa fb.

***

watched cinemalaya with direk joey and barcy the other night. we chose engkwentro and sanglaan.

i didn't like engkwentro. maybe because am not into violence. but sanglaan was heartwarming. i enjoyed it. nakakatuwa lang kasi almost every scene, direk j would turn to me and say, "noreen na noreen!" parang he is saying that ina feleo's character reminds him of me. haha.

we were supposed to watch last supper no 3 and dinig sana kita tonight. but i got a text from my headwriter informing us that we'd be having our lock in tonight for week 7. alangan naman unahin ko pa panonood ng sine kesa sa trabaho? sayang kasi it would have been fun to watch with direk again. before this, the last movie we watched was... war of the worlds ata. a really horrid movie.

***

as much as possible, ayoko tumanggi sa grasya. last week, my former headwriter told me he wanted to get me sa new show niya. the other day, i got a text message from my former producer and asked me if i wanted to be a writer in another soap. sabi ko sa sarili ko noon, wala akong tatanggihang offer. kasi masamang tumanggi sa grasya. pero tambak lang kasi talaga ang labada... pero ayoko kasing patayin na rin sarili ko. at ayokong isipin ng mga tao na swapang ako... na mukhang pera or something. kaya... even if it breaks my heart, i had to turn them down... sana, kapag natapos na iyong mga shows na ginagawa ko ngayon, andyan pa sila to offer me a slot... iyun kasi ang hirap sa ganitong trabaho... when a show ends, di mo alam kung kelan ka susunod na magkaka-project.

song of the moment: i want nobody, nobody but you - wonder girls.

quote for the day: "sometimes, we are afraid of solitude because silence can be revealing. in silence, we learn things we don't know or don't want to know about ourselves," sermon ng pari last Sunday.

what i learned recently: C is now in a relationship. nakita ko sa FB. hehe

5 comments:

Anonymous said...

lintek, who is C?!
di ako updated. :(

misswah.

W

raissa said...

re: quote of the day..tumpak!

sana talaga ipalabas dito some of the entries sa Cinemalaya. "ang pagdadalaga.." was shown here kahit sa maliit na art theater ito pinalabas, my friend and I watched it.

Anonymous said...

pano ba magapply ng pagiging scriptwriter sa abs? noreen, im you're big fan, reader ako ng blog mo. and I think nakita na kita before sa robinson's galleria, sa Our Father's Coffee, a year ago na ata... have you been there? well, anyway, sana makapasok din ako sa abs para maexperience ko rin na ako naman ang tatanggi sa work :) hehe. Godbless you. keep inspiring people :)

noreen said...

@ W -- si C, iyong aking first love. since High School. hehehe

@ Raissa -- baka magrelease din sila ng DVD ng Last Supper no 3, so baka mapanood mo rin yun ;)

@ Anon -- tagal ko na di nag Rob Gale, siguro mga one year na nga... pero no, havent been to Our Father's Coffee. Pano pumasok sa ABS? nakapasok ako thru workshop. most of the writers there, galing din ng workshop... i guess kailangan mo lang makibalita kung kelan may workshop :) dont worry, kapag may nabalitaan din ako, iba-blog ko ;)

Anonymous said...

hi noreen! wow, i never thought na sasagot ka sa comment ko, it only goes to show that you are a good person. thank you in advance dahil magpopost ka ng entry if ever may workshop sa abs, pangarap ko rin kasi makapasok jan, kahit janitress ni ma'am charo, keri na yon :) pero first love ko rin ang magsulat :) thank you ulit ha, and Godbless. and wag sana bababa ang self esteem mo, tulad nung nakasulat sa new entry mo, kasi you're such a good writer, lahat ng show mo pinapanood ko :)