Monday, July 27, 2009

walang kwentang entry na naman...

congrats sa last supper no 3 for winning the best picture in cinemalaya... watched it last saturday... masaya siya. i was supposed to watch this last thursday with direk joey pero bigla akong nagkaroon ng lock in. he watched it and texted me, "tangina. ang ganda ng last supper!" kaya na-enganyo ako manood. di nga ako nagsisi kahit dinayo ko uli ang ccp. maganda sya. ipapalabas ata sa up diliman... catch it!

nanalo si ina feleo as best actress for sanglaan. ang galing din naman kasi nya doon. nakakaaliw ang role nya. nakarelate ako. hihihi

***

"trenta na ako... malapit na akong mag-expire," says judy ann as george sa george and cecil. episode ko iyong pinalabas... tama bang laitin ko sarili ko? ahihihihi

***

took a break from writing to meet up with angelo. nagsimba kami, had dinner and capped the evening with tsokolate and bibingka sa tsoko-nut. now am back to writing... kailangan matapos ko today dahil bukas, ibang script naman ang aking haharapin...

basta may balance lang sa writing and rest and meeting friends... keri ko ang pressure at pagod at puyat...

***

lahat na ng kaibigan ko, nakanood na ng harry potter. looks like am going to watch it... alone! waaaah. the last time i watched a movie na ako lang magisa, free willy... college pa ako noon. sa sm north. waaaah.

***

nakakaaliw na forwarded text message: hindi lahat ng lasenggo, gustong tikman ang lasa ng alak... iyong iba, gustong tikman ang lasa ng kainuman....

No comments: