Saturday, August 29, 2009

love is a four-letter word that spells OUCH...


we had our thanksgiving party last friday. sayang wala si enchong kasi may sakit kaya si erich, ejay at xian lang nakasama ko sa picture na ito. ang saya-saya lang ng gabing iyun...
***
weird. ako nagsulat noong episode noong huwebes pero when i saw it again on TV, naiyak ako... ang galing lang kasi ni erich as nene. and you can't blame her -- kapag na in love ka talaga at 14, nagiging tanga ka. i was. i'm sure, iyong mga nagmahal na at 14, siguradong tanga din kayo sa pag-ibig. saka, sakit daw ng mga matatalinong babae ang maging tanga sa pag-ibig. hihi

"iyong nangyari sa atin, wala lang din ba sa iyo iyun? kung sa iyo laro lang iyon, sa akin, totoo lahat iyun... " sabi ni nene.

"kung ano mang iyong nangyari sa atin, hindi kita pinilit... ginusto mo rin iyun,"sagot ni gabby.
"mahal na mahal kita kaya ako pumayag sa lahat ng gusto mo," sabi ni nene.
***

sa ganoong timeslot, we were expecting 22 to 25 na rating. we got 27 to 28. salamat sa lahat ng nanood. naging 25 noong huwebes. sabi sa akin noong friend kong taga adprom: "ikaw kasi nagsulat kaya bumaba ang ratings." buwiset. hehehe sana umabot man lang kami ng 30. wala pa ata nakaka-30 sa ganoong timeslot... oh well.

song of the moment: lahat ay malilimot mo, ngunit hindi, ngunit hindi ang iyong unang halik - tamis ng unang halik, mymp

quote for the day: love is a four-letter word that spells OUCH.

what i learned recently: baka mapaaga ang airing noong isa kong show. baka lang. hindi pa sure. narinig ko lang.

4 comments:

Anonymous said...

Lurker here. Mapapaaga ang Rubi? Wala naman kasing buzz at all sa Lovers In Paris. Magwala na si Mega, but KC was totally miscast. Anyway, I couldn't imagine na originally Your Song ang Katorse. Wala bang reshoot na nangyari after na-updrade. The quality of the picture is very glossy (like Pangako Sa Yo during the early parts, Maging Sino Ka Man and Lobo to name a few). Parang pina-color grade minsan. Hindi naman ganun ang mga Your Song shows. Even other primetime shows the picture quality loks just a notch above personal video camera quality. Hindi rich and vibrant ang colors. Parang May Bukas Pa, Betty and many teleseryes and fantaseryes (Dyosa, I'm looking at you). Baka maganda lang mag-ilaw si Direk Malu? Anong balita mo? Hindi ba pwedeng ganun ang quality sa lahat ng soaps ng ABS? Hindi ba pwede ipa-color grade kahit mga short canned soaps or is it too expensive?

noreen said...

@ anonymous lurker (wala ka kasi name na iniwan, hehe): walang reshoot na nangyari. maybe that's the reason why they decided to put it sa primetime as a daily soap -- nakita nila ang ganda ng quality ng scenes.

about the ilaw and the color grade... wala ako alam dyan. haha sorry ;)

Anonymous said...

woah! too technical (nosebleed)

noreen said...

^ ahahahaa. di ko nga rin masyado na-gets.