Sunday, August 2, 2009

memories of cory

no i haven't met her personally. i didn't even have the chance to be in the same room with her nor see her in person.

but there are certain memories that i associate with her...

i was in grade four when she decided to run against ferdinand marcos. we had this mock election in our class as part of our social studies subject. my friend, atty cheche, was our cory while another classmate, james, was our marcos. nagkaroon ng mock campaign, where cory and marcos prepared their speeches. and then we all cast our votes. our "cory" won the mock election. 40 votes against less than 10 for marcos. landslide. the nuns and teachers in assumption were also for cory.

sa batang isip ko, lahat ng tao noon ay suportadao si cory. abnormal ang tingin ko sa mga loyalists ni marcos. i was young. all i knew then was that marcos did a lot of bad things, our country was at its darkest and cory was our only salvation, our only light.

and then the real election came and went. ang sabi ng comelec, si marcos nanalo. ang sabi ng namfrel, si cory daw.

i was too young to understand what happened after. basta sabi nila, nagkakagulo na daw sa manila. may giyera! we were in davao, far from all the actions in edsa. ang natatandaan ko, ilang araw na nakikinig sa radyo ang mga parents ko. and then one night, binalita na umalis na daw ng bansa ang mga marcos. tumatalon sa tuwa ang tatay ko. sumilip ako sa kuwarto ng parents ko and saw that my mother was crying in front of the altar, saying a prayer of thanks.

and then cory became the 11th president of the country, kasabay ng paulit-ulit na pagpapatugtog ng magkaisa and handog ng pilipino sa mundo. ang alam ko, because of cory, the philippines was recognized all over the world.

that was my earliest memory of cory.

my next memory of cory aquino involved her daughter kris, who appeared for the first time on tv as inday badiday's guest in her showbiz talk show, see true. sabi kasi ni kris, ayaw ng nanay niya na magshowbiz siya pero still, hinayaan siyang umappear sa tv. that was the time i saw another facet of cory -- nanay na suportado ang gusto ng anak.

oo, inaamin ko -- like ko si kris... NOON. siguro may novelty kasi she was the youngest daughter of the president. i followed her in all her tv guestings -- sa gma supershow, sa mother studio presents, pati ang show niya na love ko si kris! ay sinubaybayan ko. at oo, pinanood ko sa sinehan ang pido dida 1 and 2 at kinakanta ang theme song nila (ang gusto ko mahal, sana'y laging sabay tayo...) that was more than 20 years ago. patawarin nyo na ako bata ako...

i admit, hindi ako masyadong updated noon tungkol sa political situation sa bansa. pero ang alam ko, noong december 1989, nagkaroon ng matinding coup d'etat sa bansa. wala kaming pasok that time (hindi ko alam kung bakit eh ang layo naman namin sa nagco-coup) kaya naglakwatsa kami ng mga barkada ko. that lakwatsa was memorable because of C, my high school crush.

nagkakagulo na sa bansa, ang dami na namatay sa coup, pero ang nasa isip ko that time, buong araw ko kasama ang crush ko. nanood kami ng wolly bolly. tumambay sa bahay ng isang kabarkada. nanood at nagcheer while he and his friends played soccer. and i remember that time na tumigil kami sa isang sari sari store at may mga tambay na nakatutok sa tv at pinapanood ang report tungkol sa "giyera" sa manila at lahat sila naa-agit na. pero i was never a bit worried.

kapag kasama mo pala ang taong mahal mo, wala kang pakialam kung nagkakagiyera na sa bansa mo.

yesterday morning, i woke up finding text messages from ilai and jan about cory's death. and the whole day, as i watched the tributes and special features about the former president, naiiyak din ako. an icon just died. another end of an era. i was in elementary and high school when she ruled the country. siya nga ang pinaka-malinis na president. walang isyu ng corruption.

pero kahapon ko lang din na-realize, kung wala si cory, wala ang abs-cbn. wala ang kapamilya network.

nakakalungkot ang nangyari but then, she's in a happier place now... kasama niya si ninoy. now they can pray together for our country... para maliwanagan ang mga nagpapatakbo sa ating bansa ngayon. there's still hope for all of us.

salamat, president cory. kayo na ni ninoy ang bahalang magdasal sa bansa dyan sa langit...

No comments: