Tuesday, September 1, 2009

it felt so good, i wanna do it again...

after our katorse feedback meeting that ended past midnight last night, nagyaya ang headwriter namin na si ms mari na kumain. kaya ako, si ms mari at dalawa pang co-writers ay nakarating sa morato sa paghahanap ng masarap na makakainan ng ala una ng madaling araw.

nauwi kami sa i republik, sa tabi ng kalye juan. sarap ng bagnet. sarap ng papaitan. sarap ng pork belly. tapos, inuman na rin. kuwentuhan. inuman. kuwentuhan. inuman. hanggang sa inabot na kami ng 5 am!

pauwi na kami ng 5am when my drunk co-writer turned to me, "sumama ka sa akin, noreen. may gagawin tayo!!!"

thought bubble ko: huwag, magkaibigan tayo...

pero pumayag na rin ako... siguro dahil, curious din akong subukan iyun...

***

dinala niya ako sa isang makasalanang lugar sa pasig, kung saan on the way pa lang, kinakabahan na ako... first time ko kasi...

"huwag kang mag-alala, ako bahala sa iyo.... aalalayan kita," he told me... na-sense niya ata na kinakabahan ako...

gusto ko na mag-back out. what was i thinking? ano ginagawa namin dito? sigurado ba ako na gagawin ko ito? baka lasing lang ako kaya malakas ang loob ko... pero it's too late, napark na niya ang kotse nya at heto na, naglalakad na kami papasok...

the attendants greeted him... and he knew everyone by name. suki na kasi siya doon... i looked around and saw people just like us -- nandoon to have a good time. isang makasalanang good time. napayuko ako, fearing na may kakilala akong makakita sa akin doon -- nakakahiya.

and then he left me for a while kasi daw magwi-withdraw lang siya. umupo muna ako, and then, kahit wala pa iyong kasama ko, i started on my own...

and then he came back. simula na ng good time. sa simula, nakaka-kaba nga. hindi mo alam kung ano gagawin mo. kasi titingnan mo rin kung paano gumalaw iyong kasama mo. dapat alam mo kung kelan ka susugod o kelan ka titigil. pero iba iyong dagundong sa dibdib... kakaiba iyong rush. di ko ma-explain.

after one hour. it was over.

"nag-enjoy ka ba?" he asked noong nasa kotse na kami. "oo! sobra."
"baka maadik ka ha?"
"huwag naman sana..."

pero gusto ko bumalik...
sa metrowalk para mag-poker.
nanalo ako!
beginner's luck?

***

mag-a-alas siete na noong nakarating ako sa bahay. di ako makatulog dahil sa euphoric rush noong huling round kung saan nag-all in ako at nanalo ng 3,000 na pot. kasi natatalo na ako noon eh. 1,500 na iyong nalalabas ko. pero sinuwerte. ang ganda noong hawak ko na cards, tapos nag all in iyong dalawang kalaban so call agad ako....

iyun lang... when was the last time you did something for the first time?

ako kanina... first time ko maglaro ng poker na totoong tao ang mga kalaban ko... at gusto ko siya ulitin! weeeeeeh!

2 comments:

Apple said...

wahahaha!ate noreen! akala ko kung ano ginawa mo. i have to read your post twice para ma-gets! hahaha. :D

on katorse, very effective sya ah. pinagkukwentuhan namin ng mom ko sa kotse kanina.. inis na inis kame kay Nene kase sobrang magmahal, sarado utak. At si Gab, sarap tirisin! :D

noreen said...

@ apple... haha. kasalananan pa rin yun, di ba? haha

thanks for watching Katorse...abangan ang role ni Jojo sa week 4. haha