Wednesday, September 23, 2009

kumusta lovelife?

a high school friend i haven't seen for three years asked me in YM, "kumusta lovelife?" and i answered, "parang coke... zero!"

***

one time, madaling araw na iyun at pauwi na kami ng mga co-writers ko galing sa meeting. i was telling them na nanaginip ako ng ahas. "may ahas na pumasok sa kuwarto ko... tapos biglang may pusa. kinain iyong ahas. ano kaya ibig sabihin noon?"

i think it was my cowriter philip who said it had something to do with sex life or lack thereof. "kinain ng pussy ang ahas." and everyone in the car laughed.

***

direk j asked me last week kung ilang taon na ako and then he said, "bilis-bilisan mo na..." sabi ko, hindi naman ako nagmamadali. keri lang talaga.

***

sa taping ng katorse, i was chatting with direk malu na nagkukuwento tungkol sa kanyang crush. kinikilig pa siya at nagtu-twinkle twinkle pa ang kanyang mata. she said iyong pagkakaroon ng crush, iyon daw ang pinakamasayang stage na dapat ine-enjoy.

shet. wala akong crush. pero kinikilig ako... hindi para sa akin kundi para sa ibang tao. okay na kaya yun? pero seriously, nakakamiss din pala ang ma in love.

sabi ng headwriter ko sa rubi, dapat daw, hindi coke zero ang lovelife ko -- dapat pepsi max. or royal... tru!

pero for now, okay na ako kung may pop. :)

No comments: