Sunday, October 25, 2009

kung bakit ako naiyak sa 500 days of summer

this is a blog entry about 500 days of summer.
kung di mo pa napapanood, huwag mo na ituloy ang pagbabasa. ang daming spoiler. balikan mo na lang kung nakanood ka na...

pero kung napanood mo na, keri lang, tuloy mo lang...

ang akala ko, typical romance movie lang siya. pero nababasa ko sa twitter at sa facebook na people were raving about it. so i told ilai manood kami sa sabado. hindi kami natuloy kasi nag videoke na lang kami. and then i got a text message from direk joey. "tangina. ang ganda ganda ganda ng (500) days of summer." kaya ayun, the next day, nanood na kami ni ilai.

the movie is about tom and summer. tom was in love with summer. summer didn't believe in love and relationships. pero they became friends, and they started hanging out... habang pinapakita ang mga nangyayari sa buhay nila (day 1, day 87, day 114, etc), unti-unti kong nakikita ang sarili ko -- kay tom. especially when he confronted summer to ask ano ba talaga sila? sabi ni summer, "we're friends." nagalit si tom. hindi daw kasi ganoon ang magkaibigan kasi they've been dating for months, they have sex, they tell each other stories they havent told anyone...

ang sabi ni summer, di naman nila kailangan ng label sa kung anong meron sila. basta masaya sila with each other. okay na iyun... eh si tom, ayaw daw niya irock yung boat. kaya kahit undefined ang relationship nila, umayon na lang siya. kesa mawala sa kanya si summer.

hanggang sa seven or eight months after (pati ako nagbibilang din ng buwan sa utak ko while watching), nagsisimula na sila magkaroon ng conflict. lagi na silang nag a-argue. parang nagkakaron na ng lamat iyong "friendship" nila. iyong mga things na they used to do together that they found amusing, hindi na nakakatuwa. kasi nga lagi na lang silang nag-tatalo.

until finally, summer said they should stop seeing each other. "you're still my best friend," she told him.

sobrang na-depress si tom, di niya kinaya. apektado ang trabaho niya. people were telling him to get over her. "i dont wanna get over her, i want to win her back."

pero hindi nangyari iyon. sinabihan siya, kaya siya hindi maka move on kasi puro magagandang memories lang ni summer nakikita niya. maybe he should look back and think of the painful things that summer gave him.

and then, a few weeks after they stopped seeing each other, he found out (sobrang spoiler na talaga ito) -- she was getting married to another guy. ganoon lang iyun. ilang weeks lang sila naghiwalay, she was getting married na.

sobrang na-depress si tom. di siya lumalabas ng bahay. naging bitter siya about love. pero eventually, he managed to crawl back from the pits of depression... dahil kay summer, he did what he always wanted to do... he followed his dream.

and then, nagkita sila uli. he asked her, bakit ganoon? parang, she didn't want to be his girlfriend pero now, she's someone else's wife. and she answered, "it just happened."

doon na ako sobrang naiyak. naiiyak na ako sa mga previous scene pero doon sa sinabi ni summer, doon talaga ako cry ng cry. kasi it happened to me... if you've been reading my blog especially two to three years ago -- you'd know why. kasi ako nga si tom. and i had my summer. ganoon-ganoon ang nangyari.

when i found out he has a new girlfriend and i asked him, "bakit ganoon?" his reply was, "di ko nga alam eh. basta nangyari na lang..."

ang ganda ng movie. hindi dahil sa naka-relate ako. kundi ang galing lang ng message na sinabi nito. and the movie gave me hope.

nagroroll na ang credits. nagtatayuan na ang mga tao at umaalis ng sinehan, iyak pa rin ako ng iyak...

i'm done with my summer. tagal na noon. naka-move on na ako. i am just waiting for my autumn...

6 comments:

ihcahieh said...

Ang ganda ganda nito. Parang gusto ko ma in love bigla, hahaha. Of the three movies I saw tonight (Julie & Julia/Red Cliff) ito lang binigyan ko ng 5 stars, hehehe. Galing ng story telling, I like the film techniques used. =)

Dianne said...

Sadyang meron nga talagang ganyang mga pangyayari sa mga buhay-buhay natin. Sad kung ikaw ang nasa katayuan ni Tom. Puchang Summer, pinaglaruan ang storya ng buhay mo!

raissa said...

I love this film too! Sa dinami-dami ng quotable quotes mula dito, yung pinaka-sapul sakin was the gist of it all "there's nothing wrong with you, its just not you!" LOL

Sarap ulit-ulitin. I will definitely buy the DVD.

noreen said...

@ Ihcahieh -- kumusta ang Julie and Julia? bet ko din sana panoorin eh...

@ Dianne -- keri lang naman kasi napagkakitaan ko rin naman yung "summer" ko. haha ilang beses ko na naisulat sa script ko yun :)

@ Raissa -- True! Ang daming quotable quotes... di ko kinaya. haha

Ilai said...

At ako naman medyo tinamaan coz ako si Summer...yun lang. I'm just waiting to know. In the meantime, friends tayong lahat. =)

meann said...

hi ate noreen, just watched the film yesterday.. naiyak din ako. hehe. ganun yata pag nakaka-relate ka e.. and ako din, i'm waiting for my autumn. :D