Saturday, October 3, 2009

mamamatay ba si gabby?

iyan ang madalas na itanong sa akin ng mga tao: mamamatay ba si gabby?

tinext ako ng mga friends ko. mine-message sa facebook. wina-ym. kahit iyong high school classmate ko na nasa canada ngayon, kinukulit ako. tinatanong daw kasi ng nanay niya...

kahit nga dito sa blog, may nagtatanong din...

siyempre hindi ko sasagutin iyan.

kapag sinabi kong oo, mamamatay si gabby. eh di tapos ang kuwento. kapag sinabi kong, hindi, hindi mamamatay si gabby. eh di spoiler naman iyun. so sa mga nagtatanong kung mamamatay si gabby -- abangan!

kapag di nila nakuha ang sagot na gusto nila, iba naman ang tinatanong ng mga tao : malapit na ba matapos ang katorse?

kapag sinabi kong oo, malapit na matapos, so may idea na mga tao how it will end... kapag sinabi kong matagal pa... ay, baka mawalan ng interest at sabihing, "matagal pa pala."

kaya sa mga nagtatanong kung malapit na matapos ang katorse... no comment :)

***

gusto ko lang i-clap clap si ejay. improving siya, huh! anlaki ng improvement. kudos kay direk malu. nagawa niya yun kay ejay. mas proud pa si direk malu

at siyempre, gusto ko i-clap clap si erich at si enchong... they look good together. dahil diyan, may next project na silang dalawa... nalaman ko dahil nabanggit sa akin ni enchong sa text na magkasama sila ni erich para sa workshop. i think last monday iyun... noong kinongratulate ko siya dahil nag all-time high ang rating ng katorse. at tinanong ko rin kung kumusta uaap nya.

si xian naman... mukhang may bagong primetime soap na siya. di ko pa sure pero yun ang dinig ko...

nag 38.4 ang katorse last week... iyong nanganak si nene at nasagasaan si gabby.

sabi sa amin ng EP namin noong nag 33 ang ratings namin, kapag umabot daw kami ng 40 -- magbo-bora kami!!!

waaaah. sana mag 40!!! :))

***

pinag-uusapan ang "i love you" "thank you" scene sa katorse... totoong nangyari kasi iyon sa friend ko... tapos nangyari din sa akin. pero iyong sa akin, it was like, "alam mo, love kita..." "thank you."

ahahahah

tuwang-tuwa din ang CM namin sa eksenang iyun. kakaiba daw kasi. gusto ko sabihin. "sir, true story po iyun."

***

while writing the latest script (na di ko sasabihin anong week haha), umiyak na naman ako... pinatugtog ko muna iyong i love you, goodbye ni celine dion. tapos nag internalize ako, inisip ko ano magiging dialogue. kahit writer, nagi-internalize din... hehe and then, while writing the scene, background ko ang my love is here ni erik santos... ayun, iyak na ako ng iyak while writing it... ang sakit. as in grabe iyong iyak ko... kasi awang-awa ako kay jojo. hai...

sana lang ma-sustain iyong ratings... medyo nag 29 lang kami noong tuesday and wednesday... sana tumaas uli... kailangan namin mag 40!!! boracay!!!

15 comments:

Anonymous said...

hmmm, naawa ka kay jojo, as in awang awa...that means broken hearted si jojo in the end...waaaaah! noooooooo!!!! plsssssss nooooooooooo!!!!

sorry, im in to katorse THAT much...:)

noreen said...

umm... no comment pa rin ako. :))

thanks for watching katorse :D

Anonymous said...

i always read ur posts po...can i add u sa fb???

if not ok lng po...

noreen said...

hi, anon :) sensya na ha... may policy kasi ako sa FB na ang mga ina-add ko, mga kakilala ko lang. nagdelete na nga ako ng mga online friends ko from peyups na di ko nakakausap ng personal or nakikita ng live.

kahit nga taga abs, kahit familiar mukha ng mga nag-a-add sa akin at kahit meron kaming 25 common friends, kung di ko sila kilala, di ko sila ina-add. sensya na talaga ha.

sana di nyo isipin na snabera ako pero ganoon lang talaga policy ko sa FB :D

you can follow me sa twitter :) basically, mga status ko sa FB, status ko din sa twitter hehehehe

Anonymous said...

ok lng po yon...

i understand...

kalansay said...

gosh ang dami ng naadik sa katorse.. sad hindi ko napapanood dahil sa work. ;( pero may friend akong hobby niyang manood at dahil hindi niya naumpisahan pinanood niya sa net past episodes at siya ang aming tagakuwento... hehe.

congrats po!

Anonymous said...

quastion lang ms. noreen...bading ba si enchong??? dami ko kasi naririnig na yun nga...:)

noreen said...

@ kalansay -- haha. salamat, sana ikaw din, makanood. would love to hear comments from a fellow kapamilya :)

@ anon -- hindi bading si enchong. wishful thinking lang iyan ng mga bading na gusto siya. haha malamya lang siya kumilos kasi likas siyang malambing na bata pero HINDI SIYA BADING! :)

Chip said...

Lahat ng mga tao nanonood ng Katorse. Bata, matanda, babae o lalake. Mga kakilala ko sa Baguio, mga kapitbahay ko sa Manila, mga kamag-anak sa Pangasinan, KATORSE! Aaalamin ko nga sa mga relatives from Chicago and Canada. I'm so happy may project ulit and EnRich! Si Direk Malu din pala ang direktor nung kay Maja. Those Tabing Ilog days with Rovic and Eds. Hindi mamamatay si Gabby. Wala nang kontrabida. The show needs an ahole. Haha. At hindi magkakatuluyan si Nene at Jojo dahil tututol si Carmi. At laging hindi nagwawagi ang unrequited love. Unrequited love yan forever. You just have to live with it and hopefully get over it even for a tiny bit. So si Albert ang naiwan, which is fine. Pero mas gusto ko pa rin ang Nene-Nena-Tom. What's up with gabby na gusto lang niya magalit si Nene? He is not that selfless and in love with Nene to think about such a plan. May galit talaga? Haha. Nene and Jojo at the beach is screaming Katorse sequel, "Kinse". Haha.

Chip said...

It would be incredible kung maka-40 sa national ang Katorse, pero masyado kasi maaga ang timeslot. But hey, hindi rin naman nag-30's consistently ang mga shows sa 6 pm timeslot but Katorse did it. Nag29 ang Katorse kasi nasira ang ibang peoplemeter. Mag-mall show kasi sila sa Metro Manila para tumaas pa sa Mega at mall show din sa VisMin para todo landslide at mag60's dun.

Chip said...

May mp3 ba kayo ng Tamis Ng Unang Halik ng MYMP? Ang meron sa internet merong sumisingit na boses sa umpisa, gitna at dulo. Ginawa ko nang ring tone yung in-edit kong mp3 para yung last chorus lang. Wala pa rin akong makitang full clean mp3 nito besides Kristina Paner's version.

denise said...

i started watching katorse because i always believe in the acting prowess of erich..pero since enchong entered the show,mas nilolook forward ko na ang scenes nila together..sana,there's really a chance na JOJO-NENE sa ending..coz,if hindi si albert ang makakatuluyan ni nene just like sa original then i believe may chance din si JOJO-NENE.hehe

denise said...

i love how how the story goes.walang day na mabobore ka.you'll always get excited kung ano mangyayari the next day and it's definitely full of twist and surprises..kudos to the writers..galing nyo super..

noreen said...

CHIP, check mo sa teamkapamilya.multiply.com, i think meron silang MYMP version ng tamis ng unang halik doon... Tina paner lang din kasi meron ako eh :) salamat sa panonood ng katorse ha... walang sawa. pakisabi na rin sa mga kakilala at kamaganak mo -- THANK YOU. THANK YOU. THANK YOU.

DENISE, salamat. tingnan natin how the story develops and how it will end ... keep on supporting katorse. thanks thanks :)

Anonymous said...

Hay naku nakaka bad trip ang mga Jojo-Nene scenes. I feel as if the writers are forcing the Jojo-Nene loveteam down people's throat.

It just seems so unfair, here I thought he was just an extra tapos sina Ejay at Xian yung magaagawan kay Nene, so bakit yata sobrang pinapaboran yung role niya kaysa sa two major leads? Kung gusto ng mga writers and Jojo-Nene tandem e di gawan nalang nila ng sariling show, or just continue their loveteam on that Indie film, bakit pa kailangan siyang umepal sa Katorse? Sobra naman strong ang connections at kapit niya sa ABS-CBN staff at writers. Masyado nang halata na pinapaboran.

And the story is getting off track nagmumukhang cheapangga si Nene, how did she fall for Jojo so quickly, hasn't she learned from her mistakes? Sino yung susunod niyang biktimahin si Albert, Dilbert or si Gardo Verzosa? It doesnt make Nene look good that she's jumping from one guy to another. Baka pati ang magkakapatid ay tutuhugin niya rin?

Mariss is another cheapie. Parang nagtutuhugan lang ang drama, it's starting to get quite disgusting. Pati yung Nanay ko and sabi..."ay bakit ganun?"