Thursday, October 1, 2009

nasan ka nung humagupit si ondoy?

ako, i came from katorse lock in that saturday morning. kumain kami sa abs. i wrote gnc script. and then, we decided to go home around 7. slept around 10 and i had no idea, binahaba na pala ang ibang lugar.



nagising ako ng 2pm dahil sa init. brown out na pala. i texted jan and sylvia kung trip nila mag-hotel kasi sobrang init. then jan called me up. "hindi mo pa ba nababalitaan?" she asked. "ang alin?"



and then i heard from danica, hanggang bewang na daw ang baha sa edsa. i checked the internet, doon ko na-realize, shet... grabe pala ang ginawa ni Ondoy sa Pinas.



***



last tuesday, while i was in the middle of writing a script, i got a call from ivan, taga-adprom ng unit namin. baka daw gusto ko mag-volunteer sa SAGIP kaUNIT para sa mga staff and crew ng shows sa unit namin. so go agad ako at nagulat ako sa nakita ko -- nandoon si enchong at si xian, tumutulong mag-pack at magbuhat ng karton karton na relief goods na may lamang delata at bigas. hindi ko alam sino pa artista nandoon earlier pero sila iyong naabutan ko.

the operation ended at 8pm and lumipat naman kami sa SAGIP KAPAMILYA sa abs-cbn. and then i went back to writing my script.

sabi ko nga, it's comforting to know na there are a lot of people who are ready to help sa mga ganitong situation. touched talaga ako sa unit namin who made sure everyone is okay. noong monday night nga, ivan was checking kung kumpleto ang katorse team -- may binaha ba, may nangangailangan ba ng tulong, etc.

***

sino nga ba iyong nagsabi na ang ondoy ay the great equalizer. kasi apektado di lang mga mahihirap, kundi pati mga artista at kilalang tao. kasama sa mga relief goods na binigyan namin ay isang director at dalawang sikat na artista na binaha.

and nakakatuwa din mabalitaan na famous celebrities like gerald anderson, angel locsin and jericho rosales reached out to help. si gerald, ayaw na pag-usapan iyong ginawa niyang heroic deed. that made him a hero more. si juday at si ryan, sumugod pa sa marikina to save gladys reyes and her family na nasa bubong. si angel din daw, she went to marikina to help kasi hummer ang kanyang sasakyan and keri lang lumusong sa baha.

***

may parating na naman na bagyo. sana lang hindi kasinglakas ni ondoy ang epekto sa atin... pero there's a lesson in this ondoy experience for all of us. whatever that lesson is, iba-iba sa bawat tao. sa mga sinuwerte na di naapektuhan ni ondoy, let us be grateful and to show this gratitude, tumulong tayo. sa mga di sinuwerte na nawalan ng bahay, it could have been worse... times like this one, iyun na lang ang isipin natin... it could have been worse.

1 comment:

Anonymous said...

nasa shoot ako with director nico

-jeyow