Thursday, October 15, 2009

visiting gabby and jojo




right after our creative meeting last night, yam, monj and i decided to go to katorse's taping. medyo bumabagal na kasi kami and kailangan namin ng inspirasyon (haha) kaya dinayo namin ang farview para maki-epal sa taping.



enchong was on his way home when we arrived before 12 midnight. tapos na daw siya sa mga eksena niya kaya aalis na daw siya. sayang at bakit daw ngayon lang kami dumating. konting chikahan. konting photo op. at konting tsismisan. we talked about his status with this young actress he is dating (no it's not erich), his movie with erich, and his next soap. we informed him about the ratings of katose.




"no 1 tayo sa mindanao. mga 50% ata tayo doon," i told him.

"wow. kalahati ng mindanao nanonood sa atin, iyong kalahati, nagi-gyera," he said.




maya-maya pa, he left na rin at pumasok na kami sa loob ng bahay, where we saw ejay na pinag-aaralan ang script.



he stood up and greeted us tapos, talagang seryoso siya sa work niya, he went to a corner para memoryahin iyong dialogue. sabi ko nga, huwag namin guluhin, baka nagi-internalize.



when he was getting ready for the next scene at minemake up-an at binibihisan na, doon siya naki-chika sa amin. he said he loved his role. nabasa na kasi niya iyong latest script at tuwang-tuwa siya sa character niya. "grabe, ang sama-sama ko... pero cute na masama," he told us. tapos nagpapasalamat siya sa amin. "o di ba, bad boy ka pero lovable naman," i told him.



noong nag midnight snack na kami, si yam at si monj, panay ang tingin kay ejay.




yam told me, "ang gwapo ni ejay no?"

i answered, "oo, grabe..."

she said, "mas gwapo pa siya kay enchong..."

"oo..."



nanlaki mata ni yam. di makapaniwala na ina-acknowledge ko na mas gwapo si ejay kay enchong. ano ba!



maagang natapos ang taping. past 1am lang ata, pack up na. kasama namin si ejay sa sasakyan. habang nagkukuwentuhan kami sa likod, bigla siyang sumingit. bakit daw nawala iyong eksenang ganito. may nabasa daw kasi siyang kinaladkad niya si nene sa simbahan, bakit daw wala na. kami naman, we were like, "ha? sigurado ka?" grabe. kabisado lahat ng eksena.



aminado ako, mas close ako kay enchong kasi mas matagal na kami nagkasama (my only hope, boystown) pero nakita ko last night na genuine na mabait si ejay. magkaiba sila ng bait ni enchong. si enchong yung makulit na madaldal. si ejay iyong shy pero nagre-reach out. nakita ko kasi how he mingles with the production people tapos ang simple lang niya.



"sana hindi sila magbago, no?" yam said. "ito iyong mga artista na wini-wish mo maging successful dahil mabuti silang tao."



ayun, hopefully na-inspired naman kami. ako kay enchong. si yam at si monj kay ejay. haha



still hoping for a 40 rating. or sana, matuloy iyong location sa *toot* tapos kasama kami. grabe, that would be so much fun!

7 comments:

Tristan Tan said...

Aha! You write pala for Katorse? Im in the States and I watch it through TFC. I love the lines - galing galing. :)

noreen said...

Tristan,

thanks thanks... :)

what time ang Katorse pinapalabas diyan? Sa Canada kasi, mga midnight daw -- sobrang late na! Salamat naman and people still watch despite the late time slot :)

raissa said...

hahaha natatawa ako sa mga hirit ni enchong. ang witty.

Nung sa PBB Teen mabait na talaga si Ejay pero yun nga shy.

Congratulations sa Katorse. Me TFC na nga kami I am still not able to watch it kasi sa hapon ang sked niya. Good thing I have TFC Now pa rin. ang ganda-ganda. kaka-adik LOL

noreen said...

raissa. salamat salamat :)

ang witty nga ni enchong. :) at si ejay naman, very unassuming ;)

Anonymous said...

A friend told me about this blog. Katorse is so addicting as in sobra! Big Kudos to the writers, actors/actresses and the production team.

Nakakakilig yung mga Gabby-Nene scenes talagang may chemistry sila.

I just wanna quote this post from PEX Katorse thread cause this poster said exactly what I wanted to say:

Erich and Ejay look good together and mas may depth or lalim yung chemistry nila. Even their physical features complement each other- erich's asian-morena features and ejay's tisoy features, erich's frail physique and ejay's macho physique. Even the proportion of Ejay's height sa height ni Erich make them look good together. Pagpinagtabi mo sila, gumaganda lalo yung babae at gumaguwapo lalo yung lalaki which is important in a visual medium like television. Minsan lang ako nakakakita ng ganyang chemistry sa television. In terms of their acting, they have both delivered in this show.

Congrats sa ratings tumaas ulit ang ratings for Oct. 21st.

I hope you will achieve the 40% goal cause you all deserve a nice and relaxing vacay:)

allissag said...

hi,
thank you so much sa katorse...nice ang story tapos bagay na bagay pa sila ni nene and jojo....we watch both TFC and abs cbn now....paulit ulit naming pinapanood ng mga friends ko dito sa NJ, USA. Super kilig sila nene and jojo...

please naman huwag niyo silang paghiwalayin...sila dapat ang magkatuluyan....

pinayako121 said...

the young actress that enchong is dating is obviously maja, i LOVE them. I hope that they have a project together and that your one of the writers for them bc i love your script for the enchanted kingdom scene.