Monday, November 16, 2009

these are just few of my favorite scenes...

every week, meron akong favorite episode sa katorse. or favorite scene. or favorite dialogue. bias lang siguro ako at mostly ang mga favorite ko ay iyong mga naisulat ko... pero kaya ko naman nagugustuhan ang mga scenes na ito, kasi somehow, nakaka-relate ako. or the scene reminds me about something that happened in the past, or something about my experience,


sa week na ito... pinalabas na ang eksenang gustong-gusto ko... ang theme park scene. had to check previous blog entries para ma-inspire. had to listen to sad songs like i love you goodbye and didn't we almost have it all para makapag-internalize. and when i wrote the last scene, i was crying... as in kebs ko na sa housemate kong si claring na kasama ko sa sala noong tina-type ko ito. umaagos na lang talaga ang luha ko while writing the script...


kaya gusto ko i-share sa mga nanonood ng katorse kung ano talaga ang hitsura ng script... ito po iyun. (credits to our headwriter ms mari, na talaga naman every week ay nakakaisip ng magagandang eksena para sa katorse at napapaganda niya at naayos ang script na sinusulat naming mga writers. at sa mga directors namin na sina direk malu at direk darnel -- kita nyo naman kung ano lang ang nakalagay sa script at kung anu ang na-e-execute nila. *galeng* )



para na rin ito sa mga chEries na nagbabasa ng blog ko, at nagtu-tweet sa akin sa twitter... sorry, di ko kayo madalaw sa pex, iniiwasan ko na kasi talaga magbasa ng pex at peyups lang talaga pinupuntahan ko...

kaya heto na lang pabaon ko sa inyo...

11. EXT. THEME PARK ENTRANCE – SAME DAY

Papasok si NENE at si JOJO sa theme park. This is the first time na makakapunta si NENE sa ganitong lugar.

She looks around, amazed and amused by the rides around her. Naglalakihan, nagagandahan. Para siyang nasa ibang bansa.

JOJO sees na tuwang-tuwa si Nene sa paligid niya.

NENE
Ang ganda naman dito.

JOJO
Nandito yung dedication na hindi ko
naisulat sa birthday card mo.

NENE
Nandito? Nasaan?


12. EXT. CAROUSEL RIDE, THEME PARK – SAME DAY

Habang nakasakay sila sa carousel, maririnig ang VO ni JOJO.

JOJO (VOICE OVER)
Dear Nene…Happy Happy 16th Birthday.
I miss you so much…it hurts.
Pero naniniwala ako na our life together is like a carousel.
Paikot-ikot lang ito. Hindi natatapos.
At kahit anong mangyari,
kahit gaano man katagal o gaano man kahirap,
I will always come back to you…
and you will always come back to me,


13. EXT. ROLLER COASTER RIDE, THEME PARK – SAME DAY

This time, nakasakay naman sila sa Roller coaster. Habang maririnig ang VO ni JOJO, series of dissolves lang kung paano magreact si NENE at si JOJO habang nakasakay sa roller coaster.

JOJO (VOICE OVER)
Recently…my life with you has been a roller coaster ride.
Exciting. Nakakagulat.
Hindi mo alam kung kelan aakyat at babagsak,
kung kelan babagal at kelan bibilis.
Akala mo okay na, biglang hindi pa pala.
Hindi mo alam kung sisigaw ka o matatawa o iiyak o masusuka
kasi iba’t ibang emosyon ang hatid
because of its unpredictable twists and turns.

14. EXT.SWAN LAKE RIDE, THEME DAY – SAME DAY

This time, makikitang nakasakay sila sa Swan lake ride. Tranquil. Tahimik. Iisa lang ang takbo. JOJO turns to Nene and talks to her.

JOJO (VOICE OVER)
Kung ako lang,
kaya ko to be in a roller coaster ride with you.
If I’d use my heart, itatakas kita ngayon din
at magpapakalayo tayo.
Away from everyone else.
Kaya ko kahit anuman ang dumating sa atin…
Pero dahil alam kong mahal mo si Tomi,
hahayaan kitang ayusin ang buhay mo…
That’s why in the meantime…
I promise to give you peace.
Let’s gather our strength para pagdating ng araw…
I can take care of you and Tomi..

And then in silence, they continue to enjoy the calm ride.



15. EXT. PARK OR BREAKWATER – SUNSET (KUNG PWEDE LANG :) )

As JOJO fastens the HEART NECKLACE around NENE’S neck…

JOJO (VOICE OVER)
Kahit hindi na tayo masyadong magkikita…
Please keep me in your heart as
I will always keep you in mine.
And always remember…I love you so.

Silently, they cry, not facing each other dahil alam nila, lalo lang silang maiiyak kung kaharap nila ang isa’t isa.

And then, Jojo can’t take it anymore. He turns to Nene, tuluyan ng maiiyak as he hugs her. She hugs him back.

Words are not enough to say what they want to say to each other. They just hug each other tightly – dito man lang mapadama nila sa isa’t isa how they love each other. Kung pwede lang sana forever na silang magkasama. Kung puwede lang sana, they stop the time at hindi na nila kailangan maghiwalay.

But all good things must come to an end. And Jojo is the first to realize this. Alam niya if he stays longer, baka magbago ang isip niya. Baka ayaw na niya maghiwalay sila ni Nene. So he pulls away.

JOJO
I am letting go of you…
but that doesn’t mean I am giving up on you…
Kasi one day, babalikan kita…
Bye, Ne…
Be happy always.

And then, with heavy feet and heavy heart, they walk on opposite directions. Parehong umiiyak, parehong ayaw umalis pero kailangan. As they walk away from each other, tuluyan ng lumubog ang araw as darkness engulfs the sky.

END

6 comments:

nikh said...

awww.. ms. noreen.. just reading this.. naiiyak na naman ako! pero very well written.. sabi nga ng iba.. tagos sa puso!! kudos to u!!

denise said...

first of all THANK YOU...
:handsdown: to all the staff and crew of katorse for making every episode beautiful...

grabe kahit napanuod ko na..but while reading it,nakakaantig parin ng puso,nakakaiyak..

lahat ng lines..totoo..

hai miss noreen..Cheries loves you soo much..hehe..thank you

Ilai said...

Hay naku! And I'm reading this while at work...at teary-eyed! Nakatinging pa sa akin agents ko...Toink! Love this, love this, LOVE THIS!!!

raissa said...

Grabe tagos na tagos talaga yung scene na ito. I am not surprised na super iyak ka kasi ako rin. My heart ached for them.

I felt Jojo's and even Nene's pain as they were parting.

Congratulations to you and to the rest that makes up Katorse.

Julie said...

huhuhuhu..grabe, umagang-umaga, naiiyak ako..bakit ko ba kasi binasa tong pinost mo...huhuhhu..hay ms. noreen, sana lang maglabas kayo ng dvd ng katorse, kahit limited lang, pls? pakisabi sa mga nakakataas, heheh

-judz

extreme said...

Aaaaw this is one of my fave Katorse kilig scenes kahit na di ginamit yung roller coaster na dapat sana hehe

Keep on writing more kilig moments not only Katorse but as well as for your future tv series dahil you are one of the very few writers who has the heart what "real" romance is all about