Thursday, November 12, 2009

usapang party uli

since i attended sir deo's party in 2007, parang every year, my abs friends and i look forward to it. ito na ang most-anticipated event of the year. kasi bukod sa star-studded siguradong super fun iyun... bago ako naging writer, isa akong fan, kaya kahit nakikita ko sila madalas, iba pa rin kapag nakasama mo mag-party ang mga artista...


the 2007 party was held in embassy sa the fort. while last year was at moksha.


we thought there would be no party this year. pero we got a text message inviting us for an intimate dinner party lang... sobrang short-notice. as in the day before the party lang sinabi. pero keri na. magrereklamo pa ba kami?


it was really intimate. unlike the two previous parties, kokonti lang ang imbitado this year. tapos walang loud music or sayawan. open bar pa rin. buffet pa rin. star-studded pa rin.


masaya to mingle with directors and artists, with big bosses and production people... iyung isang gabi na time out muna sa trabaho at makipag-party muna with the people na usually ay stressed or high-strung dahil sa work.


kung ang highlight ng party last year ay ang pagkalasing ko at pagkatumba sa harap ni zanjoe kung saan nasalo niya ako to prevent me from falling, siya pa rin ang highlight ng party this year. when he saw me sa table na nasa corner, lumapit siya sa akin to make beso and say, "hi, noreen." gulat ako that he still remembers my name... when i kidded him na "uy, kilala mo pa ako," he said, "siyempre. kasama tayo sa pinakamagandang your song episode ko."


unlike the previous parties, hindi ako nalasing this year -- isang boteng sanmig light at limang basong baileys lang naman ang nainom ko. and for the first time, hindi ako nag-picture-taking with the stars. hindi na ako ganoon ka-jologs. ahahahah


and unlike the previous parties, hindi ako naglabas ng digicam para mag-photo op with the stars. siguro, kasi nakakahiya na magpaka-fan kasi nga you get to talk to them and mingle with them and they treat you as colleagues.

pero yun... as always, masaya pa rin. siguro dahil sa people i was with. yun naman talaga ang nagma-matter eh. wala iyun sa lugar, sa pagkain, o sa alcohol na nasa party -- nasa mga taong kasama mo na nagpaparty naka-depend ang page-enjoy mo :)


No comments: