Sunday, December 6, 2009

all i want for christmas is...

kung seryosong wish, alam na ni bro iyun. gabi-gabi dinadasal ko. kahit hindi pasko. basta it has something to do with my parents.

kung mababaw na wish, ano nga ba? hmmm... marami akong wishes eh -- bagong soap. bagong digicam. bagong cell phone. us visa (kahit di ko pa inaasikaso).

patapos na ang taon. matatapos na ang katorse. matatapos na din ang george and cecil. kaya nagwi-wish ako ng bagong soap. sige kahit huwag na soap, bagong show na lang... sige na naman, bro... or santa... or kung sino man dapat kong hingan nito :)

***

almost done with christmas shopping. konti na lang at matatapos na -- then comes the hardest part -- pagbabalot ng mga regalo. haha sana may makina na puwedeng bilhin na naggi-giftwrap no? kailangang-kailangan ko iyan ngayon...

***

ssssh. secret lang. uuwi ako ng davao uli... for my parents' anniversary. surprise ito. (buti na lang wala akong family members na nagbabasa ng blog ko). this year, nakaka-tatlong surprise na ako na uwi. tapos dalawang planado at alam ng parents ko... limang trip to davao.

para na rin akong nag US sa pamasahe na iyun! ay, hindi pala. one way to US lang pala. pero kung isasama mo ang mga gastos ko sa davao, iyun, round trip to US na. plus pocket money.

***

magkakaroon na naman kami ng high school reunion! sabi ni clarissa, di na daw dapat reunion ang tawag dito. get-together na. kasi almost every year na...

pero excited ako para sa reunion... di ko lang alam kung darating si C. pero sana. tagal na rin namin di nagkita... hmmm... five years ago! shet. ang tagal na nga... pero huling usap naman namin, last week lang... keri na.

***

last year, kumpleto ang buong family noong pasko. this year, kumpleto na naman. my ate arrived from the US and she's in davao now, taking care of my sick tatay. sayang nga eh. when i was in davao noong november, two days lang kami magkasama ng ate ko. pag uwi ko, two days uli kami magkasama. and then sa christmas, one week lang. pero okay na iyun. nagwiwish ako na makapunta ako US so i get to spend more time with her...

***

what's with my obsession sa US? hindi ko rin alam. basta noong start of 2009, gumawa ako ng goals for this year, nandoon iyong travel to US. hindi natuloy. sige next year na lang.

may sampung goals ako na sinulat. iyong iba doon, nakuha ko naman. tulad ng magkaroon ng primetime show na hindi fantaserye. at magkaroon ng certain amount na savings. at magbawas ng credit cards.

may mga hindi natupad -- like ang mag travel abroad. mag travel sa US. pumayat ng 20 pounds.

di bale, kakaririn ko iyan sa 2010... pumayat ng 20 lbs! mag travel sa US. at sumali at manaloo sa palanca! na every year na lang, pinapangarap ko pero di naman ako sumasali dahil tinatamad ako :)

***

last week, may anim na taga miriam college na nag interview sa akin. para daw sa class nila. they asked paano ako napunta sa tv, kung pangarap ko ba talaga ito, kung ano daw mga problemang nae-encounter ko, at kung ano ang advice na mabibigay ko sa mga gustong mag tv.

napaisip ako...

oo, pangarap ko talaga ito. sabi ko nga, dati, gusto ko lang makita iyong name ko sa tv. gusto kong makita din ito ng mga tao and they would say, "uy, si noreen capili, kilala ko iyan! i went to high school with her." ganoon lang ang pangarap ko :) bonus na iyong mga magagandang bagay na nangyayari sa akin ngayon...

problema? marami. lahat naman, kahit nasan ka man, may problema talaga. pero sabi ko rin, kung mahal mo, magtitiis ka, kakayanin mo -- kasi gusto mo naman eh. mahal mo trabaho mo.

advice? di ko na matandaan kung ano sinagot ko sa kanila. pero, tiyaga lang talaga. saka sakripisyo. at saka gawin ng maayos ang trabaho. kasi there will always be better and younger writers na naghihintay at handang palitan ka sa puwesto mo. this is only temporary...

***

last two scripts ng katorse. i am starting to feel separation anxiety. :(

1 comment:

Anonymous said...

okay... nagkaroon ako ng dumb blonde moment nung nabasa ko na gusto mong magkaroon ng bagong soap, at ang una kong naisip, bakit gusto ni norin ng bagong soap, e may ilang piraso pa siya galing sa Soap Factory na hindi pa niya nagagamit? ngeee.

ang malungkot dito, i am not kidding, yun talaga ang naisip ko.

as for the #1 item on the list ke bro, nakikisawsaw kaming friends mo, wish din namin yun para sa 'yo.

Claringringring