Saturday, December 12, 2009

hindi ito mababaw na blog entry, pramis...

sunod-sunod na christmas party ang kailangan ko puntahan starting today, saturday, at wala akong maisuot. kaya siningit ko mag-shangri-la kahit na may deadline ako ng script para bumili ng mga bagong damit.

sa isang store ng shangri-la, may nakita kami ni claring na blouse na suot ng mannequin. noong humingi ako ng size sa saleslady, sabi niya last stock na daw iyun. "anong size iyan?" i asked. "ma'am, small po..."

hindi na ako kumibo. naghanap na lang ako ng ibang blouse. after a few trips to the fitting room, nakapili ako ng ng tatlong blouses pero i still can't get over the blouse na nasa mannequin. ang ganda niya kasi talaga...

kinausap ko uli ang saleslady...

me: miss, kasya kaya iyan sa akin?
saleslady: maliit yan ma'am... saka ninipis iyan kapag na-stretch.

walanghiyang saleslady na ito... mapang-husga. parang inassume na niya na hindi kasya sa akin ang blouse. pero gustong-gusto ko talaga iyong blouse eh... nagpumilit ako...

me: puwede bang isukat ko lang? try lang ... malay mo...
saleslady: o-kaaaay. ( na medyo pang-asar na okay.)

she got the mannequin at hinubaran ito pero nase-sense ko na ang iniisip niya -- so i told her, "hindi naman masamang umasa di ba?" ngumiti lang siya...

pumunta ako sa fitting room -- it fits!!!

lumabas ako ng fitting room at pinakita ko sa saleslady... "tingnan mo, kasya!!! kasya sa akin!!!"

and then i paid for it na... kebs na kahit 1,200 siya! for a blouse! ang pinag-uusapan dito -- paninindigan!!!

what i learned recently: hindi masamang umasa... akalain mo iyun... kumasya sa akin!!! isa pang lesson... huwag basta susuko... kahit na sinabi na ng iba na hindi puwede, kung talagang gusto mo... go! malay mo.... makuha mo nga... ayush.

sabi ko sa inyo hindi mababaw ang blog entry na ito... may moral lesson. :)

No comments: