Monday, December 21, 2009

party party party





before going to the george and cecil christmas party in alabang last wednesday, dumaan muna ako sa taping ng katorse sa dolphy theater. they were taping jojo and marissa's graduation.
dumirecho ako sa dressing room kung saan nagkukulitan si enchong at si charee. "kayo na naman magkasama sa eksena?" i asked.
one of them said nagkakasawaan na nga daw sila...
and then i told charee na may nagtatanong sa akin kung mamamatay ba si marissa. kasi kumalat ang balitang masasagasaan siya. she blamed enchong for it. kasi si enchong, niloloko si charee sa facebook at sinabing masasagasaan si marissa at mamamatay...
hindi po mamamatay si marissa. :)

***
the DTE unit christmas party at sm skydome last december 12 was a blast. galing ng performances ng may bukas pa at nagsimula sa puso team. and the kung tayo'y magkakalayo team brought the house down with their number. nakakaloka lang na kailangan pa takpan ni santino ang mata niya para di makita iyong hindi dapat makita.
***
the george n cecil christmas party was super happy din. sarap ng food. nilantakan ko lang naman iyong lechon baka saka hipon. salamat kay juday at ryan for the food :) aliw si cacai sa pag-host and uminit ang buong pool area when manuel, jommy and marion danced na naka-shorts lang :)
***
sumaglit lang ako sa abs cbn christmas party dahil sa may sakit ako at di ko feel makipag inuman :) kasama ko si julian who was teaching the ex-housemates for their dance number. mababait sila... sila pa lumapit sa akin para ipakilala nila mga sarili nila. or showbiz na rin sila? hmmm...
***
among the three parties, iba ang level ng enjoyment ko sa dte unit saka sa george n cecil. mas star studded ang dte pero mas intimate ang gnc. sa skydome, i chatted with xian, enchong and ejay. all asking me the same question -- ano mangyayari sa ending.
nakaupo lang si erich sa isang corner and ako lumapit sa kanya to greet her. we chatted about something din kasi i sent her a message sa fb about it. apparently, pumunta siya the day before kung saan ako nakatira and we talked about it for a while. sandali lang din iyong kuwentuhan namin ... mas matagal pa iyong kuwentuhan namin before sa enchanted kingdom.
enchong told me nalungkot daw siya when he read my fb status na last script na iyong nasulat namin. si ejay naman, nagtatanong kung ano mangyayari kay gabby sa ending. at si xian, nalaman niya na nakita ko ang tweet niya about katorse script.
noong pauwi na kami, nadaanan ko iyong isang stylist na kakilala ko, at katabi niya si maja. the stylist and i made beso and nakakatuwa lang si maja kasi she extended her lips, her way of saying i-beso ko rin siya. nakakatuwa lang kasi maja and i weren't formally introduced pero in a way, kapag nagkikita kami, parang magkakilala na kami.
sa george n cecil party, intimate dahil konti lang kami so mas may chance to make chika with the casts. si ms tessie tomas nakipagkuwentuhan sa amin and i mentioned magkasama lang kami sa table sa dte party and now magkasama na naman kami sa party. si gladys at si dimples, naki-chika din with us. and then photo op with juday, syempre :)
***
can't wait for more parties sa january -- kaso ang nakakalungkot lang, farewell party na yun ng katorse at gnc :(

1 comment:

BabyPink said...

I showed your photo with Judai to my mom. Sobrang love niya si Judai, eh. Gusto niya maging anak. Hehehe:)

Medyo nakakanood na ako ng Katorse kasi bakasyon na at inaabutan ko na siya. Maganda. :)