Friday, February 27, 2009

may bagong career na ako...

niloloko ako ng mga kaibigan ko na may bagong career na ako -- bilang manghuhula.

matagal na kasi akong nagfe-fearless forecast sa mga tao. iyong out of the blue, may sasabihin ako. at nagkakatotoo naman...

last month, habang katabi ko ang co-writer kong lalake, i told him, "alam mo magiging tatay ka na..."

the other day, binalita niya sa amin... buntis ang girlfriend niya. sabi niya sa akin, magpatayo na daw ako ng puwesto, may bagong karir na ako.

for fun din, i read tarot cards. for fun. di ko sineseryoso. saka, di panghuhula ang tawag dun... "binabasa lang ang baraha." nagkakataon lang na lahat ng binasahan ko, sinasabi sa akin na nagkakatotoo daw...

joke ko nga sa kanila, sana pala naniningil na ako... eh di may kinikita pa ako...

***

kaka-submit ko lang ng script. di ko ine-expect na matatapos ko siya agad pero natapos din. my headwriter called me up and asked, "maganda ba ang script mo?" alangan naman sabihin kong hindi, di ba? so sinagot ko, "opo!" she asked, "naiyak ka ba?" "hindi..."

iyon ba ang batayan kung maganda ang script? kung naiyak ka habang sinusulat? sabagay, looking back, lahat ng mga sinulat kong scripts na nagustuhan ko, iyong mga iniyakan ko talaga... pero, anong magagawa ko, di talaga ako naiyak dito...

***

di ko pa napapanood ang you changed my life... kelan kaya? sobrang busy ako sa weekend. pati next week... hai, am sure, ma-e-extend naman iyan.

Sunday, February 22, 2009

he's just not that into you

i may dissect each little thing and put myself out there so much but at least that means that i still care... i may do a lot of stupid shit but i'm still a lot closer to love than you are - ginnifer goodwin as gigi.

angdaming pangit na reviews sa movie na he's just not that into you but i don't care... i loved the movie. kinilig ako. natuwa. natawa. naiyak. most of all, this movie gave me hope...

the movie's plot is simple. if you've read the book, you will have an idea what the movie is all about. several people sent me the content of this book via email in 2006. isa dun sa nagpadala sa akin, si claring, na inemail sa mismong araw na i was waiting for a sign for something. the book made me realize the guy i was seeing that time was just not that into me but nagpakatanga ako. i thought i was an exception. pero hindi. i was the rule. para akong si gigi sa movie...

kaya siguro nagustuhan ko ang movie. kasi naka-relate ako. mas nagustuhan ko ito kesa sa shopaholic.

"girls are taught a lot of stuff growing up: if a boy punches you he likes you, never try to trim your own bangs, and someday you will meet a wonderful guy and get your very own happy ending.

every movie we see, every story we're told implores us to wait for it: the third act twist, the unexpected declaration of love, the exception to the rule.

but sometimes we're so focused on finding our happy ending we don't learn how to read the signs. how to tell the ones who want us from the ones who don't, the ones who will stay and the ones who will leave.

and maybe a happy ending doesn't include a guy, maybe it's you, on your own, picking up the pieces and starting over, freeing yourself up for something better in the future. maybe the happy ending is just moving on.

or maybe the happy ending is this: knowing after all the unreturned phone calls and broken-hearts, through the blunders and misread signals, through all the pain and embarrassment... you never gave up hope."

Wednesday, February 18, 2009

salamat sa facebook...

... dahil nakita ko ang kakaklase ko noong grade two na nakasabunutan ko. never na kami nagkita uli. kasi lumipat siya ng school. pero a few years ago, i saw her sa TV -- isa na siyang newscaster sa ABS-CBN zamboanga. tapos, last week, nakita ko siya sa facebook. aliw lang :)

so nagpalitan kami ng messages, at na-bring up nga iyong away namin noon. natawa na lang kami. tapos na iyun. she's now married. with two kids.

***

i wasn't a good girl in assumption. ako iyong laging napapatawag sa office dahil may nakaaway, nasapak, nasipa, nasuntok, naka-wresting at nakasabunutan. grade six ata noong huli akong nakipagsabunutan. noreen din ang pangalan niya. dalawa kasi kaming noreen nun sa batch. grade 3 ako, i had hair and blouse-tugging fight with karen, dahil sa pambubuyo ng kaklase naming si maureen.

noong first year high school, muntik na kami mag-away ni lirio (SLN) as in pasugod na kami sa isa't isa, buti na lang naagapan. huling physical na away ko, second year. hindi naman talaga away iyun. nanampal lang ako ng kaklase... nakita ito ng best friend niya at galit na galit. sinabihan siya na gumanti. nagkasigawan nga sila kasi ayaw niya gumanti sa akin at tinawag siyang wimp or bakla or something. ayun, awa ng dyos, iyong lalakeng sinampal ko, he got even by breaking my heart for 17 years... nasa facebook ko din siya! and FYI, siya nag-add sa akin... heheheheh

***

may nagtanong sa akin bakit daw di na ako masyado nagba-blog. dumarating ka pala sa point na magsasawa ka din. gawd, ilang taon na ba ako nagba-blog -- eight years!!! siguro kailangan ko magkaroon ng bagong SB para araw-araw na uli ako magba-blog. hehehehe

kung dati, puro lovelife ang blog entry ko, last year, puro tungkol sa career. aside from lovelife and career, ano pa nga ba ang interesting na isulat? hindi na puwede ang tungkol sa career... i mean, di mo alam kung ano masabi mo at may ibang mali ang intindi or interpretation mahirap na...

***

"napaka-unfair ng mundo! ako na nga ang naloko pero sila itong masaya ngayon." sabi ni angelica panganiban sa your song episode nila ni derek ramsay. ARAYKONAMAN!!! episode ko iyun pero that certain line was written by my headwriter. as in tagos ang hirit na yun...

***

"wala ka bang boyfriend ngayon?" direk joey asked me yesterday... i shook my head... "baket?" he asked again... i shrugged, "direk... pano naman ako makakahanap sa abs?"

that reminded me of that one time na nagmemeeting kami sa may starbucks... my creative manager said, "walang writer na yumayaman... wala ring writer na nag-aasawa."

nag-react ako violently...sabi ko hindi totoo iyun. she said, "sige nga, magsabi ka ng babaeng writer na nag-asawa..." i mentioned a name. she said, "ang daming nilampasan... bihira lang nangyayari iyan.."

siyet. mali ba ako ng careerpath???

song of the moment: i got tired of waiting wondering if you were ever coming around. my faith in you is fading - love story, taylor swift

quote for the day: "napaka-unfair ng mundo! ako na nga ang naloko pero sila itong masaya ngayon"

what i learned recently: tulad ng lahat ng bagay, there are always two sides ... sa facebook, may advantages at disadvantages din...

Wednesday, February 04, 2009

25 things

Nauuso ito sa Facebook. Post ko na rin dito... Sayang naman :)

1. I was born in Maguindanao. Akala ng mga magulang ko, lalake ang magiging bunso nila. Hindi pa kasi uso ang ultra sound nun. Norman dapat ang pangalan ko. They thought of the name Norman for weeks. When they found out na babae pala ako, they had to come up with a girl's name that starts with letter N. Buti na lang, hindi ako naging Norma. O kaya Nora. Hindi ko ma-imagine how my elementary and high school days would be like had I been named Norma. Or Nora.

2. Iisang school lang ako mula Kinder hanggang High School kaya may loyalty award ako sa Assumption School of Davao, kung saan lahat kaming magkakapatid doon grumaduate. Exclusive for girls siya noong panahon ng mga ate ko pero noong ako na, naging coed na.

3. I have photographic memory. As in. My elementary and HS friends would ask me "Sino nga iyong kaklase natin na nahulog sa toilet bowl noong grade 2 tayo?" or "Sino nga iyong teacher na nambabato ng volleyball habang nag-pa-praktis tayo ng stageplay?" and I can say the answer na walang pag-aalinlangan -- kumpletong pangalan pa. My friend and housemate Clarissa thinks I'm weird kasi I'd say, "Alam mo ba what happened to me 19 years ago? First time ko nahawakan kamay ng crush kong si C kasi nag Our Father kami noon sa klase and we had to hold hands." Minsan naman, lumabas ako ng kuwarto, may hawak na lumang t-shirt and told her, "Alam mo ba na ito ang T-shirt na suot ko noong sinagot ko si J sa Subic noong April 19,1997?"

4. Mahilig ako kumanta. Prep pa lang ako, pinapakanta na ako sa harap ng klase. Tapos, noong elementary, vino-volunteer na ako ng mga kaklase ko. Noong lumaki na ako at naririnig ko na boses ko, nagtataka ako kung bakit ako pinapakanta eh sintunado naman ako. Baka mababaw lang talaga ang standards ng mga bata noon. O siguro gusto lang ako ipahiya ng mga kaklase ko kaya nila ako pinipilit kumanta. Ako naman si gaga, nagpapauto. Pero kahit sintunado ako, wala akong pakialam, gustong-gusto ko talaga kumanta. My high school friend Ilai and I can stay in Redbox for five fours na kaming dalawa lang...

5. In connection sa no 4, puwedeng-puwede ako sumali sa Singing Bee at siguradong mananalo ako ng 1 milyon. Hindi lang lyrics ang alam ko, pati sino kumanta at ano ang tamang title. Siguro dahil na rin sa photographic memory ko. "Iyang I miss you like crazy ni Natalie Cole, kinanta ko iyan noong October 1989, sa harap ng mga kaklase ko noong sine-celebrate namin ang feast ng patron saint ng class namin na Our Lady of Fatima.

6. Senti ako na tao. Nagsimula akong mag-diary noong grade 3 ako. Ang dami kong boxes of mementos -- mga sulat, ticket sa sinehan, chocolate wrappers, tissue paper ng mga restaurants, at kung anu-ano pa. May mga twelve boxes of mementos ako sa kuwarto, limang scrapbooks na di matapos-tapos at 40 na diary at journals.

7. Nire-record ko ang mga sinusuot ko araw-araw. Weird ba? Nagsimula ito noong pumasok ako sa UP. Ayoko kasi umulit-ulit iyong damit ko, kaya I keep a record. O kaya, para alam ko na sa susunod kung ano ang pinam-pair ko sa ganitong top or sa ganitong pants. Sample ng entry: Brown and white stripe Debenhams shirt. Peyups jacket. BR capri pants. Brown cartunista havs. Beige MNG bag.

8. May sarili akong mundo noong bata ako. May phase ako noon na hindi ako nakikipaglaro sa iba. Nagkukulong ako sa kuwarto at naglalaro ng “bote-bote.” Iniipon ko ang lahat ng bote ng alcohol, cologne pati na rin ang nail polish at lipstick at ginagawa ko silang tao-tao. Binibigyan ko ng pangalan at personality bawat bote. Tapos, ilalagay ko silang lahat sa isang table at kunwari ay community na nila yun. At gagawan ko na sila ng kuwento.

9. Sa elementary, I was notorious in school for being "palaaway." Lagi akong napapatawag sa office dahil nakikipag-away ako kahit kanino. Marami akong napaiyak, nasuntok, sinabunutan, sinikmuraan, sinipa na kaklase.

10. My friends always kid that I have schizophrenia. It all started when we were having a meeting in my former office. My boss asked me something and I answered, “Meron. Meron nga ba? Ay, wala yata… Teka, meron. Ay wala nga.” Natawa na silang lahat sa meeting kasi para daw akong nakikipag-away sa sarili ko. Pagkatapos noon, sa tuwing may meeting kami, sinasabi sa akin ng boss ko na patulugin ko daw muna iyong ibang sarili ko.

11. One of the boys ako. Lalo na sa inuman. Sabi sa akin ni Dandee, okay daw ako na kabarkada. Kaya ko sakyan ang humor ng mga guys. Kaya ko makipagsabayan sa inuman with them. Cowboy ako. One of the boys.

12. Noong 2001, nanalo ako sa beer-drinking contest sa Christmas party ng office namin. In less than 15 seconds, naubos ko ang isang bote ng San Mig light.

13. Iyakin ako. Marami akong movies at TV shows na iniiyakan. Minsan, kahit nagsusulat lang ako ng script, naiiyak ako habang ginagawa ang dialogue. Tapos, naiiyak din ako kapag napapanood ko na ang eksena sa TV.

14. My earliest dream involed NiƱo Muhlach, who was my first celebrity crush. Five years old lang ako noon. Greatest celebrity crushes sa local ay sina Jomari Yllana, John Lloyd Cruz and Zanjoe Marudo :)

15. Isa akong Maricel-ian. Kahit na Sharonian ang Nanay ko.

16. When I was in grade 1, nagbigay ako ng loveletter sa crush ko pero I didn't want him to think na ako nagbigay so nilagay ko ang name ng best friend ko, si Mary Joy. My crush knew it was from me dahil I had a distinct penmanship kaya he showed it to our teacher, who read the letter in front of the class. Buti na lang that guy no longer remembers what I did lalo na ngayon na madalas kaming magkita.

17. Anim na beses na akong naging abay sa kasal. Naging Maid of Honor ako last month. Seven times na ako nagiging part ng entourage. Kung isasama mo ang pag-flower girl ko, eight times na.

18. My all-time favorite movie is When Harry Met Sally. Sa local, I love May Minamahal and Got to Believe.

19. I started writing fiction when I was 9 and began composing poems at 13. High school pa lang ako, taga-gawa na ako ng script, skit, drama at stage play.

20. Bago ako naging TV writer, I was a senior writer sa magazine, magazine editor, technical writer, editor-in-chief and web content editor.

21. My greatest dream is to write my own book and to win a scriptwriting award.

22. Mahilig ako kay Garfield. I have 30 garfield comic books at isandaang gamit na may garfield design (mug, unan, bedsheet, kalendaryo, organizer, relo, ballpen, wallet, bag, basta!)

23. I also collect playing cards. Ibat ibang klase. Pinaka-favorite ko iyong galing China from Cheryll and galing Australia from Dan and Jan.

24. I have forgiven SB. Sabi nga nila, when you can't remember why you were hurt, that's the time you're already healed. It's been two years since we last saw each other... I am finally healed.

25. My life is an open book. Siguro dahil sa column ko sa Peyups saka sa blogs ko, kahit mga hindi ko kilala, alam nila ang pinagdadaanan ko. Parang kilala na rin nila ang mga taong kinukuwento ko sa blog ko.