Sunday, January 10, 2010

katorse eulogy

last friday, my 6 o'clock habit ended.

since katorse started on august 24 (birthday ko!), every 6 o'clock, nakatutok na ako sa TV. mabibilang mo sa kamay ang mga episodes na na-miss ko sa tv at sa net ko lang pinanood. kapag may meeting ako sa abs, i'd make sure na pagpatak ng 6, nakikinood ako sa adprom, or sa pantry, or sa gram's restaurant or sa wicked. kapag makikipagkita ako sa mga kaibigan, sasabihin kong oras, 7pm, para puwede pa akong manood ng katorse sa bahay. kapag may katorse lock in kami sa bahay ng headwriter namin, 5pm ang call time para doon na kami manonood ng katorse ng sabay-sabay. kapag may katorse creative meeting naman, usually, 7 or 8pm nagpapatawag...

oo, my world revolves around katorse...

who would have thought that my life would be greatly affected by katorse?

the beginning
isa lang itong episode sa your song dati. nagsimula nga silang buuin ito ng wala ako -- kasi i was in davao. pagbalik ko, gulat na lang ako kasi sabay namin itong gagawin with boystown. nagsusulat kami ng boystown. nagsusulat din ng katorse. supposedly 8 episodes lang ito... story conference ng katorse, naka-lock in kami para sa boystown. those were fun times -- with my co-writers mariami (yam), bing and sigfreid (sig).

habang naka lock in kami at pinag-uusapan ang tatakbuhin ng kuwento, we were looking for a song. i remember a song na sobrang gustong-gusto ko noong elementary pa lang ako -- tamis ng unang halik. and while our headwriter was listening to the song, she had an epiphany... alam na niya kung tungkol saan ang kuwento: tungkol sa unrequited love ni nene for gabby. and nene's wrong decisions dahil sa pagmamahal na iyun...

and then they shot the first four episodes of katorse... nag-preview ang management. nagustuhan nila. and in may 2009, we learned that they wanted to make katorse a daily soap -- afternoon pa nga dapat ang target nito eh...

the first four episodes of katorse (na dapat ay four sundays of your song) became katorse's pilot week.

the soap
it was supposed to be an afternoon soap. tapos sinabi ilalagay daw sa primetime, pre-TV patrol. kapalit ng boys over flower. ang unang sabi sa amin, 10 weeks lang kami... sinama sa writing team si philip, siguro dagdag male perspective. at nabuo ang creative team ng katorse -- limang writers, isang headwriter.

looking back, ibang-iba pa ang kuwento ng katorse... same iyong nene loves gabby who loves marissa who loves albert. pero eventually, matatauhan si nene kay gabby. magkakaroon ng nene-albert moment. magiging kontrabida si marissa. connivance with gabby. mamamatay si nena. at ang ending -- nene as single mom.

ganoon ka-simple.

andoon iyong mga supporting characters -- the parents. si nenita. mga kaibigan ni nene na sina lala at doray. at ang best friend ni gabby na si jojo.

pero sa isang meeting namin, naisip ng headwriter namin, magkaroon ng subplot kay jojo at nene. gusto niya, mainlove si jojo kay nene, not knowing na ito ang nabuntis ni gabby. gusto niya, someone will make nene feel what gabby has never made her feel. parang na-inspire siya sa kanta ng parokya ni edgar na halaga. "binabasura ng iba ang pinapangarap ko..."

i have to admit hindi kami agree noong una. lalo na ako. hehe. kasi sabi ko, panggulo lang. parang anglandi na ni nene kung tatlong lalake na ang ma-iinvolve sa kanya.

that time, nakapag-shoot na sila ng jojo-gabby scenes at ibang artista ang gumanap na jojo...

by week four script, idedevelop ang jojo character. dito sila magkikita ni nene. iyong poker scene. week four din iyong hinanap-hanap niya ang girl of his dreams. and nalaman niyang ito pala iyong girl na nabuntis ng best friend niya.

nagustuhan nila ang jojo character that's why they decided to put a bigger actor -- and enchong dee was included in katorse.

pilot
katorse was aired on august 24. sa ganoong time slot. we were expecting 18 na ratings sa TNS. kasi iyun ata ang highest ng bof. nag-pilot kami ng nasa 20s. di ko matandaan kung ano pero mataas ang pilot than what we expected. at tumaas pa ng tumaas. nag 30s. nag 34. at ang highest ever -- 38.2!

sobra lang ang impact ng katorse. di ko alam ang dami pala nanonood na kakilala ko. di ko alam, andami palang sumusubaybay... lalo na mga taga ibang bansa.

sabi sa amin, kami lang daw ang soap na walang kidnapan. walang search for nawawalang anak. walang pinapasabog. walang mga sindikato. at walang kontrabida na all-out masama.

kaya siguro kinagat ng tao. kasi daw, hindi kami plot-driven. character-driven. lahat ng nangyayari, nagsimula dahil sa mga decisions ng characters.

at sinabi sa amin, extended kami to 20 weeks. ayun...

favorites
marami akong scenes na paborito. memorable kasi sa akin noong sinusulat ko... halimbawa, iyong nalaman ni nene na mahal ni gabby si marissa, iyak ako ng iyak noong sinusulat ko iyun... ang pinapakinggan ko, i can't make you love me saka until i get over you.

iyong sinabi ng headwriter na papaliguan ni jojo si nene sa dagat "to wash away her misery," na-weirduhan ako. naisip ko, wala ito sa character ni jojo. hirap akong isulat iyun. paano ko itatawid? ginawa ko na lang comedy ang approach. ayun. maganda naman ang kinalabasan...

iyong inamin ni jojo kay nene na mahal niya ito, iyong binasted siya at saka iyong sinabi niyang "i'd rather have you in my life as a friend than not to have you in my life at all," sinulat ko ang mga eksenang iyun habang nasa eroplano ako papuntang davao. pinapakinggan ko ang the man who can't be moved na kanta.

iyong nakipag-break si nene kay jojo sa hospital, kailangan ko pa makinig sa i love you, goobye saka art of letting go. tapos, iyak din ako ng iyak noong sinusulat ko...

at iyong enchanted kingdom scene... shet. pinaghandaan ko iyun. i unearthed old blog entries. tapos, todo sa pakikinig sa mga nakakaiyak na songs like the art of letting go saka i love you goodbye ulit... iyun.

***

nakikita niyo ang katorse. pinapanood. natutuwa sa mga eksena. nilalagay sa twitter at fb ang mga memorable quotes. nagrereklamo iyong iba bakit ganito, bakit ganoon. tinatawag na bobo ang mga writers. bias. di nag-iisip. may favoritism. di nyo lang alam kung ano pinagdadaanan ng creative team sa bawat eksenang napapanood niyo...

iyong isang linggo niyong napapanood... almost two weeks na pinaghihirapan iyan ng creative team. two to three days na brainstorming/lock in. ang bawat eksena, pinagtatalunan. dapat ba ganito gawin niya? ano reaction? ano mangyayari? binubuo iyung lahat. tapos, kapag nabuo na ang buong week, two to three days na writing. tapos feedback meeting na inaabot ng madaling araw. tapos one week na final revision.

iyan ang nangyayari ng nine months. nine months namin binuo ang katorse. sa kalagitnaan ng series, may nawala sa creative team. may pumalit. may umalis. pero kami nina yam at bing, mula umpisa hanggang dulo, kasama na ni nene at gabby at jojo.

at sa pagtatapos ng katorse, para kaming namatayan. nine months kaming magkakasama. natutulog sa iisang kama. hindi na umuuwi ng bahay. iyong lock in naman na kadalasan, nagkakaroon na ng arguments. iyong pagtatarayan namin (ay ako lang ba iyun?). iyong kuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin -- "iyong first kiss ko, ganito..." "iyong first heartache ko ganito..." "noong bata ako, ganito nangyari..." iyong inuman at kapehan. iyong mcdo delivery ng alas tres ng madaling araw. iyong foodtrip sa umaga bago umuwi galing lock in.

ang mga pagdalaw sa taping. nakarating kami ng marikina. ng fairview. ng laguna. and yes even batangas. ang kulitan and bonding with the directors, the production staff and the artists.

although your song ang longest show ko (three years ako doon bago ako nag-resign), iba ang bonding ng katorse kasi halos every week, magkasama kami.

wala na nga ang katorse. tapos na. pero kahit tapos na ito at di na pinapalabas sa TV, kahit wala na akong inaabangan ng 6pm at hinihintay comments ng mga tao sa peyups, hinding hindi ko makakalimutan ang katorse.

sa katorse, sabay-sabay naming binalikan ang aming first love. ang aming first heartache. ilang beses akong umiyak habang nagsusulat dahil sa binalikan ko mga heartaches ko. pero sa pagtatapos ng katorse, nagkaroon ako ng hope na someone will come to heal your broken heart. at natutunan ko na indeed, everything will fall into place -- when the right time comes. :)

paalam, katorse. salamat.

at sa lahat ng nanood... sa lahat ng sumubaybay. sa lahat ng nakitawa, naiyak, kinilig, nagalit habang pinapanood ang katorse. sa lahat na binuksan ang kanilang tahanan para kay nene... salamat :)

thank you ng sobra sobra sobra sobra...

12 comments:

Anonymous said...

you did a great job!

judz said...

hay noringai...nakakaiyak tong post mo..parang kahit hindi ako staff dyan, nafeel ko ang pagmamahal mo sa show..sana by season ang katorse noh? hanggang magseason 6..hay..huhuhuhuhuh...gusto ko talaga ng dvd.

at tama ka, kaya talaga siguro pumatok. kasi hindi OA ang mga eksena, walang holdapan, barilan, etc. at higit sa lahat, walang kontrabidang maituturing. well, except for gabby..char! pero seryoso, ang ganda talaga ng katorse..hay..

sana talaga may dvd..

salamat sainyong lahat noringai sa paggawa ng katorse.

:)

Ilai said...

Baha ang luha ko that final day...alam mo yun...pumasok ako sa office na mugto ang mga mata and everybody understood why...Katorse...LOL...wala na akong 6pm habit...hmmm....sabi mo meron namang Tanging Yaman...pero iba pa rin, kasi di ka kasali sa pagsusulat nun e...Yun lang....letting go is bittersweet...more power and Congratulations. Good Job!!!

Chip said...

"sabi sa amin, kami lang daw ang soap na walang kidnapan. walang search for nawawalang anak. walang pinapasabog. walang mga sindikato. at walang kontrabida na all-out masama." aagre ako sa yo noreen at judz. even great abs soaps like Pangako, Kay Tagal etc. may mga elements nun. Katorse talagang wala. Kaya masasabing groundbreaking and a milestone in it's own right. Di pa kasama dun ang napakataas na ratings for a 6 pm show mapa-national o mega with untested stars.

nessie said...

grabe. i'll totally miss katorse. super bilib po ako sa inyong mga scriptwriters. npkaganda ng story. nafeel ko ult kung gano kasarap ma-inlove. super da best! love ko ung mga characters (though i'm a HUGE fan of enchong na.)love it tlga. perfect! :P :)

Anonymous said...

hello po..pwede po ba makahingi ng copy ng script of jojo and nene?fan po ako nila...love their charac...if pwede po..pwede po dito na lang?sara_imperial@yahoo.com...thank you po..sana mapagbigyan niyo po request ko:)..thanks

Anonymous said...

hi i'm a tfc subscriber and i'm one of the avid follower of katorse. i'm still have hangover on the show i still watch my favorite scenes online over and over. i became a fan of erich coz of your show she's promising she can act really well even ejay he improved a lot. your show made me happy, inlove and cry at the same time. and i love the lines/quotes. yea i love jojo's line in EK and nene's lines during the wedding. thank you for making a show like this. i barely watch filipino soaps coz i find it boring i'm a kdrama addict but with katorse i watched it ffrom start till the end. when you see erich pls tell her to keep up the good work and stay humble. thank you and congratulations.

noreen said...

salamat, Anonymous :)

Judz -- salamat din Judz sa pagsuporta. Nakaka-miss basahin ang posts nyo ni purpledwarf sa Peyups :) sana nga may DVD talaga... gusto ko rin ng sariling kopya... at panregalo sa pasko. hahaha

@ Ilai -- friend. Grabeee. Walang nagbago, ikaw talaga ang no 1 supporter ng shows ko... as in! At sobrang iyakin! ahaha daig mo pa si Nene sa dami ng nailuha sa Katorse :) thanks a lot friend. loveyou mwah. :)

CHIP -- mami-miss ko din ang comments mo sa blog ko about katorse :) kahit di kita kilala, feeling ko ang dami mo na suggest at nacomment sa show :)

Nessie -- salamat :) tanggal ung pagod at hirap namin knowing na nagugustuhan ng tao ang aming ginawa :)

Anonymous -- sorry ha... I cant do that. I can't send you the entire scripts. :)

noreen said...

TFC subscriber -- salamat po ng marami for appreciating our show. will tell Erich when i see her na ang dami niyang fans na TFC subs. salamat talaga ng marami and hope u watch other kapamilya shows, too :)

Bu said...

i'm a fan! super! sa katorse lang ako na-hook ng grabe! ito ang dahilan kung bakit nabawasan ang paglalakwacha ko after review classes..makikipagpatayan pa ako sa kahit sinong maingay habang umeeksena si gabby, jojo at nene. i just can't miss even a word of the amazingly written scipt. i must admit, kung hindi si enchong ang jojo, marahil hindi ko natikman ang first dose of my katorse (di ko kc nasimulan, xenxa na..)..pasabog talga ang katorse..gusto ko pagkakagawa sa pagkamatay ni gabby sa picnic..tama! iba tlga ang katorse sa tanging yaman..no offense pero i like katorse a whole lot more..TY kasi mejo may feel na parang Boys Over Flowers..(but that's just me..)..secretly desiring na sana may DVD release ito para matranscribe ko mga fave lines ko..sana meron tlga..kung wala, syang naman..pa-send na lang ng katorse script ng scenes ni jojo, nene at gabby??hehe.. realy_towers2@yahoo.com...thanks for making katorse!!

Camille said...

Hi noringai. Alam ko matagal ng tapos ang Katorse pero gusto ko pa rin iexpress na ang ganda ganda ng show na yun. It's my favorite teleserye. ang tanging teleserye na walang switched at birth storyline, kidnapan, barilan. ang galing lang. at yung mga scenes na sinulat mo ang favorites ko. Jojo and Nene will forever be remembered. kalebel na nila Angelo-Yna, Yuri-Kat, at JB-Celine. Astig talaga. hanggang ngayon inuulit ulit pa rin namin ng officemates ko yung ilang lines nila Jojo at Nene. Lalo na yung sampung hakbang line.lol. tamang kurot sa puso kasi. kaya clap clap sa inyo.

sana maging script writer ka ulit sa next serye nila Enchong at Erich. sana.Sana Dahil Mahal na Mahal Kita remake.

at sana may dvd ang Katorse. one true love ko yata kasi si Jojo. Panis lahat ng lead guys ng Kdrama sa kanya.

at natutuwa ako sa mga kwento mo kay Enchong. He's really worth idolizing. sana mas maging successful pa siya in the years to come. As a fan, I always pray for him and wish him all the best in life. At nagwowonder lang ako kung pano nakakapagtimpi si Erich pag kasama siya. sa guwapo niyang yun? nakakasira ng bait.haha.

I'll watch Rubi kasi I heard isa ka sa script writers dun. astig ka noringai.

Anonymous said...

Hello po! Ngayon ko lang po nabasa to.. I played lala po sa show. Favorite line ko po yung "ikaw ang palay na lumapit kay gabby kaya ka nya tinuka hindi dahil maganda ka.."