Thursday, February 4, 2010

exciting

ambilis ng panahon. parang kelan lang, frantic ang lahat sa pamimili ng regalo at sa kabi-kabilang christmas party. ngayon, february na... valentine's. tapos, summer... and then, pasko na uli...

exciting ang mga susunod na buwan. this feb, lalabas na ang bidang-kontrabida na si rubi. sa march, balik-your song ako. at nakaka-aliw ang mga bida... di ko kinaya! egzoyted!

george and cecil ends this sunday... mami-miss ko ang magsulat ng comedy pero hoping ako na magkakaroon ng part 2 ang gnc when habang may buhay ends. dami kasi nagka-clamor for part 2. sana ;)

pinaraket ako sa precious hearts... raket kasi mabilisan lang naman talaga. quickie. :) march na ata lalabas yung quikilig na yun.

the creative team of katorse will be doing another soap -- basta movie adaptation uli. pero with a twist. parang katorse lang ;)

last weekend, our unit/team went to bora for a 3-day planning. may mga concepts na dinevelop. exciting ang mga mangyayari. sa sobrang excitement, hindi ako makahinga. sana makasama ako doon sa soap ng aking favorite star na di ko pa nakaka-work.

last night, latin party ng rubi sa eastwood. bottomless margarita. party-ing with rubi stars. bisita pa mga ex-pbb housemates. aylavet.

nagugulantang ako sa mga balitang naririnig ko about lipatan, pirate-an, etc. mas nakakagulat na laman na pala ng tsimis ang mga writers. sa mga ganitong panahon, mas mabuting manahimik na lang. less talk, less mistake. mahirap na ma-quote. :)

basta. exciting ang taon na ito for me in terms of career. sa love life? saka na natin problemahin iyan.

song of the moment: vanilla twilight by owl city. narinig niyo na ba ito? i really really love the song.

quote for the day: "life is about rejection because it makes you stronger. what you don't get today, you get tomorrow," napulot ko lang sa twitter

what i learned recently: si jake cuenca pala ang lead model ng bench underwear. nakita niyo na ba billboard niya sa may magallanes? *drool* ahahahaha

check niyo www.maderbibs.com for the latest news, pictures and behind-the-scene scoops of your fave kapamilya stars and shows :) mag-leave kayo ng comment at sabihin nyo, ako nagbigay ng link. baka may prize ako. bwahahahaha

3 comments:

dontstareatmesweetie said...

pag talagang writer ang career na tinatahak mong buhay, kahit gutumin ka na kakasulat exciting pa din.
madami pa akong kakaining bigas at buhangin bago ako maging katulad mo lol.
abangan ko yun sa march! i love your song! :)))

noreen said...

dontstareatmesweetie...

uy wag ka kumain ng bigas. isaing mo muna. hahahaha

salamat. masaya ang your song sa march. kakaiba :)

dontstareatmesweetie said...

ayy oo nga. tama. kailangang isaing yun. wahahaha

aabangan ko iyan! :)