Thursday, February 25, 2010

lahat ng naka-relate, taas ang kamay!

so we're developing this new show... baka third or fourth quarter ng taon ilalabas... i just love one of the main characters... let's call her girl A.

ang tanging problema kay A, she always falls for the wrong guy. si guy 1, asshole. hindi siya mahal. pero dahil sa he knows she loves him, he stays with her -- for convenience. parang sila, pero hindi. ginagamit lang siya and she knows it pero kebs na. mahal niya eh. masokista sya. and hoping siya na one day, he will commit himself to her. ilang taon din siyang nagpaka-gaga.

and then she meets guy 2. mabait si guy 2. gentleman. maasikaso. maalaga. he cares about her. he worries about girl A. so natural, itong si girl A, napagod na sa gagong si guy 1, maiinlove siya kay guy 2. ideal man. as in wala ka ng mahihiling pa... ang problema? in love sa ibang babae si guy 2. so nagpapaka-masokista na naman si girl A. she still sticks around, hoping guy 2 will stop loving the other girl at ibaling kay girl A ang feelings niya. pero, you can't teach your heart...

maganda si girl A. smart. independent. strong woman. maabilidad. ang mali lang, iyong heart niya, pasaway -- laging nagmamahal sa maling lalake.

sino naka-relate kay girl A, taas ang kamay! :)

once upon a time, ako si girl A. may guy 1, may guy 2. pero... tapos na iyun. bawat babae ata, at one point in her life, nagiging girl A -- nagmamahal sa maling lalake. sa bad boy. sa taken. pero it's just a phase na kailangan pagdaanan ng bawat babae... character-building experience, kumbaga.

i love girl A! :)

9 comments:

nessie said...

if you could just teach your heart kung cnu dapat mahalin. hehe! mahirap, masakit.. pero di mo made.deny na masarap magmahal kahit mali. besides, once na.fall ka na, for mr. wrong or mr. right, wala ka nang magagawa.. hai.. buhay nga naman..

boinkee said...

nice! parang one of your articles lang sa peyups.

is this a teleserye? if so, this is an anne curtis role. =)

noreen said...

@ nessie -- haha. sana nga pwede maturuan ang heart. pero on a second thought, corni yun. walang challenge. at wala ng masasaktan. so walang lessons :)

@ boinkee -- waah. speaking of peyups, wala man lang akong na-save ni isa sa mga articles ko :(

nessie said...

korek. napaka bittesweet ng love. :>
pero kung d tayo madadapa, hnd natin malalaman pano bumangon ult. so somehow, we should be thankful dn for those heartbreaks. :)

ihcahieh said...

Feeling ko Memories of Bali na 'to, hehehe. Tagal bumalik ng Peyups. =(

Anyway if you miss us (kapal, hahaha) nasa evacuation center kami ngayon sa: peyups.lefora.com

noreen said...

ihcahieh... no comment ako :P

alam ko yung site na yan, may nag tweet sa akin... :) pero i still want peyups :( i want the real thing or nothing at all

Chip said...

Memories of Bali na nga ito. Sana sa Bali talaga i-shoot. O Memories of Bora as in Bora Bora Islands. Angel-Anne na ba to? Basta gawing meatier ang role nung rival ni Erika para parehong big stars ang dalawang girl.

Camille said...

ay I can relate kay Girl A. minsan sa buhay ko naging ganyan ako. gusto ko mang mainis sa puso ko, talo pa din ako. sobrang tigas ng ulo. may sariling isip talaga. haha.

aabangan ko ito. mukhang maganda. super silent fan mo ako na ngayon lang magpaparamdam. super nagustuhan ko ang MOH, Boystown, at siyempre ang Katorse. it's the best teleserye ever. dahil kila Jojo and Nene. di pa rin ako makaget over. wala ng tatalo pa sa story nila. sana maging scriptwriter ka ulit sa next teleserye nila. hinahanap ko kasi yung mga linya sa Katorse na di ko mahanap sa Tanging Yaman.

at ang ganda ng Rubi. sobrang nakakaaliw!

noreen said...

@ chip, bakit, ganoon ba kwento ng memories of bali? di ko kasi napanood yun eh...

@ camille... lahat tayo naging girl A. even the smartest of us, nagiging tanga din sa pag ibig. :) thanks for posting, camille :D