Monday, February 15, 2010

post-valentine entry

valentine's day came and went and i didn't post any entry... ayaw ko magpa-apekto! :P

last friday, i was having dinner with my writer friend john. he asked me, "hindi ka ba nalulungkot?" i asked, "bakit?" "wala kang boyfriend. wala kang ka-valentine's." and i said, "honestly? hindi... "

oo three years na akong walang love life pero hindi ako malungkot. mas malungkot pa ako na maliit lang suswelduhin ko next payday... mas nalulungkot pa ako na wala pang linaw kung anong kasunod ko na soap after rubi. pero naniniwala ako na darating din yun... iyong next show, hindi iyong dyowa.

***

watched valentine's day with ilai. it's like love actually on valentine's day. nag-enjoy ako sa movie. although some plots are predictable, may mga iba naman na hindi ko nahulaan. and as a writer, alam ko ang hirap isulat noon. and ang galing lang... as in!

sa mga hindi nagustuhan ang movie na ito... magtigil nga kayo! ang hirap isulat nun ha! kudos sa writer.

***

was in big night last saturday. voted for paul jake. even asked my housemate clarissa and my nanay to vote for paul jake. pero i guess it's melai's destiny talaga to be the big winner. okay na rin. i like melai. nakaaliw siya. and sabi nga nila, she owned this season... kaya sige, okay na rin na siya na ang big winner.

***

okay, here's a secret... ay dapat ko bang sabihin? hmmm. wag na lang dami kasi nagbabasa dito na hindi ko kilala.... ganito na lang. it's a nice feeling na someone from another network believes in your talent and wants you to be part of their team. sobrang flattering iyun pero i had to say no. happy ako maging kapamilya. happy ako sa unit ko. and although it's good to have options, sa ngayon, i have decided... i'm staying...

today, i took a risk. i wanted to leave doon sa isang show, kebs na kahit wala akong ibang project. sinabi ko na sa headwriter ko na di na ako sasama sa next soap. for health reasons. sabi baka we can fix the schedule pa. mahirap tumanggi sa project lalo na kung wala ka naman ibang work. honestly, i need money kasi eh. not for me. but for my family in davao. kung close friend kita na nagbabasa nito, alam mo kung san napupunta ang pera ko... kaya malaking risk iyong gagawin ko...

and then i got a call tonight. tama nga iyong sabi ng program sa fb na message from god. "On this day, God wants you to know... that all is well. All is going according to plan. Trust that there is a bigger picture. Trust that life is unfolding as it should."

salamat, bro for an answered prayer :)

quote for the day: "for some people love doesn't exist unless you acknolwedge it publicly," - from valentine's day the movie.

song of the moment: don't stop believin' hold on to the feelin'

what i learned recently: cliche but true, if it's meant for you, it will be yours...

5 comments:

Chip said...

You can refuse to answer my questions or you can just nod. Malaki ba ang offer? Hehe. So if you are happy sa ABS, so grossly exaggerated ba yung mga reports na lumabas weeks ago na sobrang pangit ng working conditions sa Dos kaya may mga nageexodus na writers like Ricky and Michiko and nagkakasakit na nagcause indirectly ng death ng isang TV director? Again, you can just nod if your answer is yes or wiggle your nose if your answer is no.

noreen said...

sa mga tanong mo sa chatbox... una, about the credit, sabi nung EP (executive producer), andun daw ako sa CBB, pero di ko nakita name ko. di na ako nakipag-argue. ayoko naman isipin nila na masyado akong atat sa credit :) ok lang yun. :D

pangalawa, di ko alam why they have two versions ng la descarada. production concern kasi yun, creative lang kami :)

iyong tanong mo dito, i wasnt able to ask how much the offer was/is kasi di na ako nakipag-meet but am assuming, kapag kinukuha ka, mas malaki ang ibabayad sa iyo than what you're presently getting, di ba?

about dun sa article sa stir, wala naman perfect na work condition eh. medyo exagg lang yung ibang nakasulat dun pero kahit saan naman, kahit nasa network ka or corporate world, lagi kang may reklamo sa work mo and di maiiwasan na mapalaki ito ng mga tsismoso ;) basta im speaking for myself, masaya ako where i am. masaya ako how our immediate bosses treat us and care for us.

Chip said...

Great to hear ok ang immediate bosses mo. Ipaglaban ang credits. Hindi na nga masyadong pinapahalagahan writers dito, except if you are Ricky Lee or Michiko. Bakit nga ba sa dami ng useless categories dito ng mga award giving bodies for TV, walang award for writers, at pati na rin musical scorers, editors etc? The Emmys have them. On a side note, kilala mo ba si Ara Badayos, writer din sa ABS at sa Star?

noreen said...

ayan ha, Chip, nasa credit na ako... CBB :) kinulit ko ang EP ko heheeh nakakahiya nga eh :)

yeah, i know arah.... by name. ilang beses na rin siya napakilala sa akin. headwriter sya ng friend ko ;)

Chip said...

Someone from peyups found the name of the singer. It's just puzzling na ginamit na ng maraming beses ang orig version sa trailers, tapos napalitan sa series mismo. Nagkaroon kaya ng issue sa copyright ng singer and not the song? Oh well, napansin ko rin na pinalitan ang order ng billing sa OBB. Nung pilot, una sina Cherry Pie tapos "with" lang sina Diet, Jake at Jelai. Kahapon nauna na sina Dit, Jake, and Jelai. "With" na sina Cherry Pie. So far I love the episodes. Tapos maganda ang treatment din lalo na sa mga montages/transitions na naririnig na ang dialogue ng next scene. May tawag dun e. Wasn't attentive in Film class. Gusto ko rin na nagkaroon ng konting backstory pero mabilis at hindi masyadong nagdwell dun. Usually three days at least ang mga bata scenes. I hope the Mega and national ratings pick up. Maganda e. Sana palit na sila ng timeslot ng Magkakalayo. Hehe.