Thursday, March 4, 2010

day two...

when starting or quitting something, the first three days are usually the hardest... and the most crucial. kasi doon sa three days na iyun, doon ka magde-decide kung aayaw ka na, or kung ipagpapatuloy mo pa... hindi madali kasi bago nga ito for you so ang daming hirap na mararanasan. tapos, since bago pa nga lang, may temptation to stop. pero kung nalampasan mo na iyong three days at gusto mo pa, then you'll be okay...

day two now of my south beach diet. isang araw na lang... and i'm gonna make it ;)

i've tried sb before. pero yung sarili ko lang. this time, nagbayad na ako para may mag-prepare ng meals ko and dini-deliver na lang sa bahay. kailangan ko kayanin...

oo, mahal siya pero naisip ko, kesa naman gumastos ako bumili ng new clothes (dahil di na magkasya mga damit ko), might as well go on a diet, di ba? i'll be healthier pa.

and now is the best time to go on a diet dahil halos lahat ng tao sa abs, nagda-diet. iyong headwriter ko sa rubi, pareho kaming naka-enrol sa sb diet. kaya ayun, nagte-textan kami tungkol sa meals for the day. tapos kapag meeting, pareho kami ng food.

pero for someone na mahilig sa chocolates, sa cake, sa pizza at sa cookies, ang hirap ng sb diet. bakit ito ang kinuha ko? kasi masokista ako... mas gusto ko iyong nahihirapan ako... pero kakayanin ko! one step at a time. one day at a time :D

***

shameless plugging lang: please watch precious hearts romances: you're mine only mine araw-araw, before tanging yaman; rubi, gabi-gabi sa primetime bida... and malapit na... your song presents... this march na iyun!

No comments: