Wednesday, March 10, 2010

eksena sa airport

while i was waiting for my flight to davao last night, i got my bottle of water and drank when the guy beside me talked to me...

"excuse me, ikaw ba si noreen capili?"

i froze as i looked at him, still holding the bottle on my mouth. this guy knew me... sino siya???

and then he said his name and said we were classmates in high school... and then we chatted. how long has it been since we last saw each other? tagal na... as in more than 10 years. 15 even.

i texted claring about it to which she replied (sayang, i deleted the text, di ko nakuha exact lines) na malas ang mga lalakeng name-meet ko sa airport.

kung close friend kita malamang alam mo kung ano (or sino) tinutukoy ni claring. or kung nagbabasa ka ng blog ko noong 2006, malamang gets mo na sinetch itetch.

***

last year, when ilai and i went to kadayawan, i encountered another guy in the manila airport sa terminal 2. as i was on my way to ilai, may nakasalubong akong guy sa pre-departure area and he nodded and smiled at me. automatic reaction kasi sa akin ang ngumiti kapag nginitian ako kasi baka kakilala ko iyun at aminado akong di na ako matandain sa mga mukha. although i didn't know who he was...

and he said, "ganina ra ka? (kanina ka pa?)" lumingon pa ako sa likod ko to check who he was talking to -- ako! hindi ko siya kilala. pero binibisaya niya ako. so malamang, kilala niya ako! tumango lang ako. then he said, "kaon sa ko ha" (kain muna ako ha) and tumango na naman ako...

i told ilai about it... naintriga din siya.

noong nasa davao airport na kami, sinundo kami ni atty cheryll and noong pasakay na kami sa sasakyan, nalaman ko na sa tabi ng sasakyan namin, nandoon iyong sundo nung guy na kumausap sa akin. i told ilai about it, "siya un!" ilai said kaya pala tinitingnan kami noong guy...

hindi ko na alam kung sino iyun. somebody said baka yun na pala soulmate ko at pinalampas ko... sabi ni claring baka na-trauma ako sa airport kaya di ko na kinausap iyong guy...

***

it's almost 4am. am here in davao, working habang binabantayan at inaalagaan ang tatay ko. sana makasubmit ako ng script due ng friday. full-time caregiver ako ngayon...

ang daming meetings at presentation this week na di ko ma-attend-an. nanganganib ang work dahil di ko alam kelan ako balik pero family first muna... iyun naman talaga mas mahalaga, di ba?

2 comments:

Ilai said...

i remember that incident...hehehe! You met the guy who broke your heart sa airport....and yet meet the guy who will keep it whole sa airport din...MALAY MO!!!! Go go go!

Halu sa tatay at nanay mo...at kung magawi ka dun sa amin, i-hello mo na lang ako sa parents ko rin...:-)

XYXY said...

get well soon sa tatay mo...