Thursday, April 1, 2010

bawal magpauto :)

today is april fool's day... bawal magpauto...

i remember na sa tuwing april fool's, lagi akong may april fool's day text sa mga kaibigan ko... at laging kumakagat sila... until finally, after three years of texting every april 1 ng kung anu-ano, they finally learned their lessons and stopped believing and making patol to my texts-- except clarissa. :)

si claring na kahit housemate ko na for 9 years ay naniniwala pa rin at kumakagat sa mga kuwento ko...

minsan, i said "april 1 ngayon, ano naman kaya maitext sa mga tao?" and she said, "hayup!" a few hours later, noong di na kami magkasama sa bahay, i texted her something and she believed me naman. she made patol at ang haba-haba ng text niya. so when i said "happy april fool's!" ayun, inulan ako ng mura...

last year, i texted claring about bumping into Zanjoe and talking to him... patol naman si claring sa text ko pero may bawi sa dulo na "teka, april fool's joke ba iyan?"

wala na... natuto na rin siya... kahit believable naman ang kuwento ko, ayaw na paniwalaan...

so ayan, dahil wala na ako maisip na maitext sa mga tao... gumawa na lang ako ng entry... warning lang...

kung may kaibigan kayong nagsabing buntis siya, o ikakasal na, o break na sila ng dyowa, o sila na noong long-time crush niya, or nangako sa iyong ililibre ka, o magpa-plano kayo ng trip to singapore... bago kayo maniwala o magreact, tandaan niyo lang na april fool's day ngayon...

at kung may nagsabi ng i love you sa iyo... kung type mo.... sige, paniwalaan mo lang. i-enjoy mo... pero bukas, back to reality ka na ha. kung hindi mo type, pwede mo lokohin at sabihan ng "i love you, too..." sabay bawi ng "happy april fool's..."

pero may mga lakakeng araw-araw yata ay april fool's para sa kanila... walang ginawa kundi mang-uto, magsinungaling at manloko ng babae.... wala ka na magagawa dun... marami lang talagang assholes ngayon...

lumalabas na naman pagiging bitter ocampo ko... dahil kasi sa quote na ito na nabasa ko sa twitter, "out of all your lies, i love you was my favorite..."

o di ba may konek pa rin sa april fool's :)

(pahabol: thank you kay kat and angelynn... ambilis mag-inform na meron silang copies ng artiks ko... salamat ha... email ko kayo within the day...)

3 comments:

Ilai said...

waaaaaahhh...at nakahabol ka talaga sa akin ha!

noreen said...

haha. i texted you and claring... si claring, alam na talaga na april fools un. tapos ikaw, waaahhahahaha... although wish ko sana nga totoo na lang un :)

BabyPink said...

Naalaala ko tuloy noong isang beses some years back na na-April Fool's kami ng isa naming kaibigan. I-text ba naman na ipinapakasal na daw siya ng sapilitan ng mga magulang niya sa isang lalaki. Siempre, kasama ko 'yung boypren niya noong mga oras na 'yun dahil may project kami, at nagwala ang lolo! Hehe:)