Monday, April 26, 2010

kahit ako nabo-bore na sa blog ko...

a couple of people pointed this out in formspring... boring na daw ang blog ko. hindi daw tulad ng dati... someone asked kung SB took away my wit and kakikayan daw ba sa pagsusulat. (haller? ano kinalaman ni sb dito? sb is so... 2006. haha) someone who has been reading my blog since blogcity days (2002 to 2006) commented na she liked my analogy daw of things, and how i wrote about carl (at talagang pinangalanan niya so papangalanan ko na rin!) and my niece maya...

ang sagot ko naman sa mga taong nagsasabing boring na ang blog ko -- kasi binubuhos ko na sa script ko lahat. noong kasagsagan kasi ng blog ko (kung saan sabi nung dalawang taga pbcom - na di ko kilala pero kinausap ako sa mrt - ay pinag-uusapan pa nila sa opisina nila kung may bagong entry ako), i was an editor in a big company and blogging was my only outlet. ngayon, full-time scriptwriter na ako. dun ko na lang ibubuhos ang writing skills ko sa kung saan binabayaran ako...

and besides, nagba-blog ako para sa sarili ko, hindi para sa ibang tao...

pero honestly, kahit ako, nabo-bore na rin sa blog ko. nakakasawa na kasi kung puro trabaho na lang sinusulat ko. plus, iba na rin kapag alam mong andaming nagbabasa ng blog mo na kakilala mo...

halimbawa, iyong isang director ko... itago natin siya sa pangalang direk D. napadpad daw siya sa blog ko dahil nung sinearch niya ang maderbibs.com ay blog ko ang lumabas. so binasa niya blog ko. kaya minsan, while we were in a meeting, he told me na kausapin ko iyong isang talent na doctor sa soap. "mukhang single pa iyun... para mapalitan mo na si C," sabi ni direk D. nalurkey talaga ako. kilala na rin niya si C.

ang awkward nun di ba? nagbabasa ng blog mo iyong director mo...

may secret blog ako, btw... feeling ko mas okay yung mga sinusulat ko dun. kasi walang may alam nun. at walang nakakakilala sa akin. iba na kasi kapag inhibited ka na magsulat... nagse-self edit ka na kung ano pwede mo sabihin at ano possibleng maka-incriminate sa iyo...

somebody also mentioned sa formspring na siguro kailangan ko maging sawi para hindi na so-so ang mga nasusulat ko...

weh?

sabagay... it has been three years since i last fell in love. two years since i last went out on a date. two years since i wrote about a guy... remember B? B and i havent seen each other for a year now... huling kita namin, i texted him lang to say i was near his workplace. and then he took a break from work to meet me sa isang resto. that was the last time i saw him...

ay i wrote about C pala. pero hello? alam naman natin na staple naman na talaga si C sa blog ko...

going back to B, i reconnected with him recently to greet him kasi nagbirthday siya. kumustahan konti. and then he invited me to attend his celebration. "punta ka sa sabado sa ______ (name of bar)." told him i'd try. hindi ako pumunta.

naisip ko kasi... what for? wala naman na patutunguhan yun. hanggang doon lang iyong kay B.

kailangan ba ng bagong lalake para maging exciting uli ang blog ko? kasi personally, masaya naman ako na wala. iyong isang ep ko nga, may gusto siyang ipa-blind date sa akin, tinanggihan ko... told her hindi na ako nagba-blind date. masyado na akong matanda for that.

pero minsan, nawawalan na kasi ako ng gana magblog kasi wala naman na ako maisusulat na bago... so kakagatin ko na ba ang offer ng ep ko?

***

went out with ilai last weekend... videoke and movie. and then i told her about something...

me: gago itong si melanie... sabi niya, bigla siyang nagkaroon ng discernment na ipagdasal kami ni ___ (name of guy).
ilai: bakit hindi?
me: *smirked*
ilai: ayaw mo ba sa kanya?

hindi na ako sumagot. a lot of people are telling me bakit nga ba hindi na lang kami ni ____ (name of guy). aside from melanie, iyun din ang sabi ni attorney che che. ilai said he will be good for me. bakit kaya nila nasabi yun eh wala naman kaming something nitong guy na ito.

ayoko rin naman magka-something para lang may maisulat ako sa blog ko no...

pero heto seryosong statement... miss ko na kiligin. miss ko na ma-in love.

pero sana, the next time i fall in love... hindi na ako magiging sawi. kaya siguro natatakot na ako. hindi biro maging brokenhearted. at hindi madaling maka-get over at makapag move on after a broken heart... kaya, mabuti na iyong maingat...

ayan, siguradong uulanin naman ako ng comments sa formspring... speaking of formspring, kailangan na mag log in para magtanong sa akin. may iba kasing daot eh. mga fans na nang-aaway sa akin just because i happen to like a certain celebrity at feeling nila hindi ko gusto iyong idol nila... anlakas ng loob nila mang-away, palibhasa, anonymous.... kaya ayan.

2 comments:

Ilai said...

hahahaha...nasa parehong lugar kayo ni Abbhy right now...there's a guy...pero dahil walang "spark" (ito ata yung pinag-aawayan ng mga Transformers...JEJEJEJEJE!--oo, original JEJEMON ako)so she's not doing anything about it. He sounds like a real possibility for you. Just because you got hurt once, doesn't mean you'll get hurt again. Yun lang..sometimes you've got to grab the chance when it's been staring at you for some time.

noreen said...

friend... hay sana ganun kadali yun hehe pero lagi ko nga sinasabi (at nagamit ko na sa script... ang love, walang switch na pwedeng mo i-on and off whenever you want to) jejejejejeje (jejemon na rin? haha)