Tuesday, April 13, 2010

lupaypay...

hindi pa ako tapos sa script. may two days pa. kahapon ang deadline. di ko kinaya. ang hirap kasing talaga... humingi ako ng extension. sabi ko tuesday morning. paano ko maisusulat ang two days na script before 10 am? gusto ko rin sana matulog, kahit two hours lang.

lupaypay. ito iyong panahong pagod ka na, pero go lang, sulat pa rin. hindi puwedeng tumigil. kasi nakasalalay sa iyo ang buong production. kung wala kang maibigay na script, lahat sila apektado -- di lang artista at director. lahat ng staff.

ang mga nasa production, magpahinga lang, matulog lang ng 12 hours, bawi na ang pagod nila. pero ang nagsusulat, kahit anong tulog mo, pagod ka pa rin. hirap makabawi ang utak...

hindi ako nagko-complain, lord... nagkukuwento lang... salamat po talaga sa blessings.

last week lang, ambilis ko sa script. tapos, wala pa silang masyadong comment. nagustuhan ng mga directors. minor lang ang revision.

pero this week, grabe... ginagapang ko... sadyang mahirap lang talaga ang week na ito.

sana maintindihan ng mga lumalait sa show namin na anghirap magsulat ng script. sa mga nagiiwan sa formspring ko ng comment na chaka ang show, malamya at kung anu-ano pa -- IKAW KAYA MAGSULAT. lakas ng loob mo magcomment kasi anonymous ka. magpakilala ka... suntukan na lang.

nagbreak lang ako sandali... nahihilo na ako sa pagsusulat. kaya heto, blog muna... baka kapag naayos ko na buong three days, idlip muna ako.

binitawan ko na ang love me again. hindi na kaya ng sked. pero okay lang... alam ko di naman ako pababayaan ni lord. may ibang shows pa naman siya na ibibigay sa akin :) sa wednesday nga, storycon ng new show. excited :)

after tomorrow... magsha-shopping ako. deserve ko to!!!

1 comment:

Ilai said...

sama ako shopping!!!! hehehe...