Thursday, May 20, 2010

hindi titigil ang mundo para sa iyo...

kahit namatayan ka. kahit may pinagdadaanan ka na mabigat. kahit na broken-hearted ka o nasisante o nasunugan o nanakawan o napalayas sa bahay... kahit nagdedeliryo ka na at malapit ng mamatay... kahit ano pa ang pinagdadaanan mo ... hindi titigil ang mundo para sa iyo... it goes on turning. life goes on. the people around you keep moving on. and so should you.

at iyun ang ginagawa ko ngayon... moving on.

mahirap pa rin pero kinakaya. masakit pa rin pero iniisip ko na lang, my tatay is in a better place now. life goes on. it's been more than two weeks...

hindi ko man kayo mabanggit lahat, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng tao -- friends or acquaintances or strangers -- who left their words of sympathy in my FB, twitter and blog. those who texted and called, and those who went to the wake. i wanna thank my high school batchmates and my friends, especially to jan and my bestfriend bim, who flew in from manila to be with me on my tatay's interment. and to ilai and claring, na wala man sa tabi ko physically but they were always supportive of me.

i am now back in manila. back to work. mas gusto ko na ganitong busy ako at maraming projects, at least di ako nalulungkot. walang time maging malungkot kasi may hinahabol na deadline.

life goes on. dapat tayo rin. we should keep on going lest we will be overtaken by events. baka mahirapan makabangon at humabol. kaya heto...

this is me, moving on...

No comments: