Tuesday, July 20, 2010

deserve ko to...

"bakit ko ba pinili maging writer? ang hirap..."

yan ang text ko sa aking executive producer ngayon lang, it's 6am. kakasubmit ko lang ng script. kahapon, 6am din ako natulong, nagsubmit din ng script.

ang sagot niya sa akin: "deserve mo iyan."


***

maraming beses na habang nagsusulat ako, at di ko maitawid-tawid yung eksena or hindi siya malinaw sa utak ko or di ko masulosyunan ang problema o kaya ambagal-bagal ko... gusto ko na tumalon ng bintana para wala ng problema. o kaya magtetext ako ng "saksakin mo na lang ako... di ko pa tapos script ko."

pero lagi ko naman siya natatapos. nasu-submit ko naman siya on time. at nagugustuhan naman siya ng mga kinauukulan...

tulad na lang noong isang soap na binigyan ako two days to write... musical. light. masaya. pero noong sinusulat ko, nahirapan ako. gusto ko na tumalon sa bintana noong ginagawa ko... pero noong nabasa ng headwriter ko kahapon, sabi niya, "cute!" weird comment for a script... hindi "maganda." or "pangit" kundi "cute." i can live with cute...

sabi ko nga sa sarili ko, kakaibang fulfillment ang nararamdaman ko sa tuwing nakakatapos ako ng script. kasi kapag binabasa ko na sya, napapatanong ako, "paano ko nairaos ito? hirap na hirap ako gawin ito..."

parang iyong rubi na umeere ngayon. noong napanood ko iyong mine-make upan ni rubi ang nanay niya, naisip ko, "anghirap isulat nun ha! iyung madrama pero puma-punchline. iyong mabigat pero may bawi..." paano ko nagawa iyun?

kahit ilang beses na ako nagsusulat ng script... it's always a mystery kung paano ako nakakatapos ng kuwento...

***

kagabi, habang nagsusulat ako at naghahabol sa deadline, tumunog ang cellphone ko... muntik na akong mahulog sa upuan ko when i saw kung sino ang caller... someone i never expected to call me... a high school crush!

"hi, reen. busy ka?" he asked.
"bakit?"
"andito ako sa manila eh..."
"talaga? kelan pa?"
"kanina lang..."
"san ka?"
"makati. ikaw?"
"nasa qc ako eh, nagsusulat..."
"malayo ba yan?"
"from makati, oo... saka may deadline ako..."
"ay sayang..."
" kelan ba balik mo sa _____"
"bukas..."

at nalungkot nalang ako. alam mo tong crush ko na ito... never ko na nakita since high school. as in... tapos now he's in manila. pero di rin kami magkikita. kasi may deadline ako. kasi busy ako. kasi ito ang nature ng trabaho ko...

deserve ko to!!!


"bukas..."

2 comments:

cheryll said...

waaahhh, ms noreen. gusto kong sabihin na puntahan mo na. apasa na lang ang nawala na oras hahaha. :)

- follower na gikan pa peyups

BabyPink said...

Hi Miss Noringai! :)

Ang galing mo! 'Yan lang masasabi ko. Fan ako ng Rubi. Not that you didn't already know that. :)