Friday, August 13, 2010

one month...

one month na pala since i moved to a condo in QC. one month na akong mag-isa. saya-sayahan naman. kapitbahay ko mga taga-abs. mangilan-ngilang directors, tapos may mga artista din.

challenge ang mag-isa. pero masaya. i can wear whatever i want, do whatever i want. malungkot dahil walang kausap pero there's cable, and internet. kaya keri na rin...

mas madali ang work now. kapitbahay ko lang halos ang abs. one tricycle ride lang. minsan, kung sinisipag, nilalakad ko lang. ang saya pala maglakad from your house to your workplace. ang lapit lang.

last sunday, i got bored sa bahay. i visited the pictorial of 1dol. ang ending, nakasama ako sa pictorial.

and then the other day, ayoko pa umuwi. nakatambay lang ako sa abs, chumichika with my friends. dumaan ang boss ko. i asked if she'd drop by sa taping. niyaya niya ako. so ayun, nakinood sa taping ni sarah at sam.

one month. magulo pa rin ang bahay. makalat pa rin ang gamit. hindi naman kasi ganun kadali mag-ayos. naka-kahon pa mga books at dvds ko. damit pa lang, sapatos at bags ang naiayos ko.

birthday month ko na. my first birthday na wala ang tatay ko. my first birthday in my new condo...

No comments: