Sunday, August 22, 2010

sa wakas...

iyan ang theme song ko this week... sa wakas ng eraserheads. kasi ganung-ganun ang nararamdamam ko... have you ever had this "sa wakas" moment? iyong ang tagal mo na hinintay, finally, dumating. iyong kaytagal mong inaasahan, ayan at binigay sa iyo...

a few days ago, depress-depressan ako. birthday blues. my friends made me realize di ako dapat ma-depress. i am living the life i want...

at iyun nga, may mga "sa wakas" moments na nangyari sakin this week...

the first happened last wednesday, it was made clear to me. i am valued. i am appreciated. i am wanted. and by wanted, i mean it in the positive way...

then the second one was yesterday. it just happened. mali ang timing but still, i am not complaining. kasi nga matagal ko na pinagdadasal ito. matagal ko na hinintay. at kung kelan parang nawawalan na ako ng pag-asa, dumating! kaya winewelcome ko naman ang ganitong pakiramdam... mahirap pero kakayanin. sus.

***
nagwakas na ang rubi. pero magsisimula na rin naman ang 1dol. sobrang excited ako sa 1dol. sabi nga ng boss namin, "it's the show everyone wants to be part of..." kasi daw daming nagtetext sa kanya na singers na gustong sumali or mag guest sa 1dol.

ansarap isulat ng 1dol. kasi kumakanta ako habang sinusulat ito. and kung bagay, nilalagay ko ang mga favorite songs ko. sakto na yung songs na gusto ko, gusto din ng directors at headwriter ko... kasama pala dun ang sa wakas.

sana magustuhan nyo ang 1dol kasi bawat eksena, bawat production number, pinag-iisipan talaga namin. every week, nag-me-meeting ang buong staff -- andun lahat: mula sa writers, directors at producers hanggang sa choreographer, musical arranger, musical director, stylist, production design. bawat song, dumaan sa lahat. kung swak ba, kung may dating, kung anong areglo gagawin.

papakinggan naman mga songs, pagpipilian kung ano gagamitin. kapag nakapili na kami ng kanta, on the spot, ipapatugtog ng arranger ang suggestion niyang areglo. tapos mag-iisip na ng steps/moves ang choreographer. then pag-iisipan anong wardrobe at anong set ang gagamitin. mahabang meeting ito every week. pero hindi nakakapagod. lahat masaya. lahat kasi excited for 1dol. lahat kami gusto ang ginagawa namin...

malapit na birthday ko... first time ko magbi-birthday na wala na ang tatay ko. but i know he is watching over me... kaya angdaming magagandang nangyayari ngayon sa buhay ko... dahil binabantayan ako ng tatay ko...

song of the moment: sa wakas ay nakita ko na ang aking hinahanap / sa wakas ay nakuha ko na ang aking hinahangad / kay tagal ko ng naghintay at nagsunog ng kilay / ngayon ay masasabi ko na ang matamis na tagumpay - sa wakas, eraserheads

No comments: