Saturday, September 18, 2010

hinga...

ngayon lang ulit ako nakahinga... as in. since 1dol started, tambak na labada. pero kering-keri. not complaining. mas gusto ko na iyong busy. mas gusto ko na iyong marami akong ginagawa... at least i don't get to think about things that make me sad... like my father.

i still miss him. especially when i'm alone and have nothing to do. sabi nila, yung namatayan ng magulang, it's a wound that never heals... it has been four months... siguro, iyong pagiging busy, yun ang distraction ko para hindi ako masyado ma-depress. no time to grieve or to mourn. kaya i'd take being busy anytime... walang chance to be sad... bukod pa sa lots of moolah para sa isa pang therapeutic activity -- shopping!

***

100 days to go before christmas. started buying gifts. sale sa S&R. sobrang natuwa ako sa sale kaya noong bayaran na, nagulat ako... biggest purchase ever na hindi installment. sampung libo!!! napa-watdafak ako when i saw it. ano ba pinamili ko at bakit ako umabot ng 10,000! then i realized, may mga christmas gifts na dun... kaya okay na rin... at least inuunti-unti ko na... pagdating ng december, hindi masyado mabigat sa bulsa...

***

wanted to go to manaoag. dapat pupunta ako kanina pero... hai. iyun na lang ang masasabi ko... hai... sana, may chance pa na makapunta ako ng manaoag this year...

***

i am excited for november... magfa-file ako ng leave. and then i'll be away from work... makakahinga ng ilang araw. and hopefully, i get to see someone again... and who knows? i will fall in love again in november...

1 comment:

BabyPink said...

Lapit na nga ang Pasko. May you have a happy Cristmas, Miss Noringai, and I hope you have fun sa November. :)