Wednesday, September 8, 2010

the making of idol...

i know lumabas na ng three-part making of idol sa abs-cbn. pero from a writer's perspective, gawa na rin ako...

matagal ng may plinaplano na musical sa abs. after the success of the movies across the universe and mamma mia, may na-conceptualize na kami. this was in late 2008 to early 2009. be my lady ang title. ang mga names ng characters, names ng mga singers. i was part of this show... pero, na-tengga lang ang show na ito...

and then came glee in 2009.

january 2010, habang nasa boracay kami for a planning/conference, binuntis namin ang idol. it wasn't named idol then. ang tawag lang namin: sarah soap. ang daming permutations ng kuwento... until finally, in february 2010... buo na ang kuwento ng idol. sarah's name was supposed to be melody. ang theme dapat ng mga names, mga musical terms.

(fyi: abs was the first in coming up with themes in character names... the names in kampanerang kuba were all saints. sa maging sino ka man, puro mga political names)

and then naglabas ng diva ang gma in march. and regine's name was melody. so pinalitan namin ang theme ng name namin sa idol. naging theme namin: titles of songs. which is swak pa rin dahil musical nga kami...

april 2010 - nagkaroon ng story conference. pinakilala na ang casts. pati lahat ng mga bagets na pumasa sa audition. pero siyempre, walang ingay na lumabas. secret ang lahat.

august 2010 - nagsimula na ang ingay. may promo na. may flash mob. sunod-sunod na. hanggang sa maipalabas na nga noong monday.

***

i was in the production office when the pilot aired. buong araw noong monday, halos lahat ng tao sa abs, naka-1dol shirt. kahit hindi sila part ng show. kahit iyong mga receptionist saka maintenance, naka 1dol shirts.

at tv patrol pa lang, parang new year's eve sa opisina. may countdown. may sumisigaw. "two hours na lang" "isang oras na lang" "last two minutes..." at nung nagsimula ang idol, buong production -- natigil ang ginagawa. lahat ng nagmemeeting, lahat ng nagsusulat, lahat ng taong busy noong araw na iyun sa production -- tumigil para manood ng idol.

noong commercial break, inulan ako ng tweets sa iba't ibang tao -- puro positive comments for idol. nakakataba ng puso... nakakatuwa. iyong pinaghirapan namin, nagustuhan nila... sunod-sunod ang tweets. nakaka-overwhelm.

pero siyempre, you can't please everyone... may mga nega comments sa forum. hindi naman maiwasan eh... lagi naman talaga may mapupuna...

pero kebs na sa mga nega. basta kami, naniniwala kaming maganda ang show namin. dahil binubuhos namin lahat. kung alam nyo lang ang pinagdadaanan namin bawat production number -- hinihimay talaga. iyong mga songs, iyong mga choreography, iyong mga production design... kung maka-comment naman iyong iba, parang ang galing-galing nila. isang episode lang ang nakita, nahusgahaan na buong palabas.

oh well... bias nga siguro ako... kasi this is the show na pinaka-proud ako. proud ako sa katorse, proud ako sa rubi... pero dito sa idol... ito ang pinaka super proud ako. at kung may iba man na hindi nagugustuhan ang show... okay lang. basta andami namang napapangiti at napapakanta sa show namin. ang daming nagsasabing maganda at refreshing. enough na iyun... dahil kahit magpakamatay pa kami sa paggawa ng show, meron at meron talagang hindi magkakagusto dito...

at the end of the day, as long as we go to bed thinking we did our best. and we gave our all... and marami kaming napasaya... okay na rin kami...

and oh... sa two episodes na naipalabas, we have featured seven songs already:

ayt, puso and bitiw by spongecola. you'll always be my number one by vernie varga. ang aking awitin by bong gabriel. point of no return by zsa zsa padilla and i need you back by raymond lauchengco.

in the coming episodes, expect more songs from great filipino artists and bands: parokya ni edgar, yeng constantino, eraserheads, gary valenciano, apo hiking society, side a, sharon cuneta, and a lot lot more...

so paano mga 1dolistas... kitakits tayo gabi-gabi ha :) walang iwanan. :)

13 comments:

Anonymous said...

Hi noreen! I watched the Pilot episode of 1dol and it has a lot of potential. I hope the show will continue to improve. There are minor glitches on the editing of the show but overall, it's lightness and Sarah in the soap made it fun to watch.

Anonymous said...

hi ms.noreen,kahit ano pang sabihin ng iba, basta kame nagenjoy kame ng bonggang bongga.. habang nanonood nga,napapakanta din kame eh.. at nakasmile din kameng lahat.. congrats po sa lahat ng bumubuo ng idol.. :) ang galing nyong lahat.. at thank you po kase binigyan nyo si sarah ng napakagandang serye.. namiss namen siya sa primetime eh.. thank you po talaga.. at congrats ulit..:)

Anonymous said...

tamaaaahh ka dyan ms. noreen! (.^_^.)

at the end of the day, what matters most is what you made your audience feel.. and watching 1dol definitely makes me all happy (to the point na mapupunit na yung labi ko sa sobrang ngiti) and giddy (kilig to the nth power) inside. makes me want to do "musical" myself when i'm all alone at home at feel ko mag-emote, heheheh!

congrats sa 1dol ms. noreen! can't wait for the upcoming episodes! :D

Anonymous said...

the story of Vince and Billie is more exciting... Nakakabitin kasi which is good.. people looking forward for reunion... Coco is good but he's just like Sarah's confidante.. Sam and Sarah has better chemistry, may spark, magkakamalisya ka sa mga tinginan nila..

Anonymous said...

i love idol! maganda ang storyline....sabi ko nga ito ang teleserye na masarap uwian sa gabi pagkagaling sa stressful work, kasi napakagaan lalo na at andyan si Sarah na napaka positibo ng aura :)

kudos sa lahat ng staff at crew lalong lalo na sa mga casts at sa iyo ms. noreen! we'll support idol hanggang sa huli. ang gaganda ng songs, panalo! maraming opms na dapat halungkatin at buhayin.

3rd day of idol nag-pick up na ng husto ang story, editing was better compare sa 1st 2 episodes at the best ang tandem ng billie-vince at jean-lando, malaki potential nila magpakilig.

overall, paganda ng paganda idol...habang tumatagal mas lalong kaabang abang :) we love it! sana i feature ninyo rin ang mga songs ng side a, neocolours, freestyle, i axe, eraserheads at iba pang opm bands.

thank you idol! thanks for giving us a good show :) ito ang atin! kaya dapat lang ipagmalaki :D

Anonymous said...

hi noreen, maganda yung mga scenes nina sarah at coco.. inaabangan nga namin yun.. kaya lang merong isang scene si agot na kakanta sya pero di naman akma sa situation.. nag-uusap lang sila na kukuha ng lawyer, then kakanta si agot, mali ata yung song na napili kantahin... sana next time naman yung eksakto sa situation yung kakantahin di lang basta may maikanta.. yun lang comment ko... :D

Anonymous said...

ganda ng mga songs na featured nyo sa show, it only states na madami tayong magagandang songs written by pinoys..galing..and nice story..simple ..pero it becomes interesing and exciting bec of how the actors portray it...and yes sam and sarah have better onscreen chemistry...

Anonymous said...

peace and joy to you!
After the first week of 1Dol, marami na akong nabasa mga comments and opinions about the program. For me, I found all of them naman valid and reasonable. Here's my share of observation, I hope makatulong din in the future.
Alam ko na ang mga supporters ni Sarah came from different age groups and social groups. Bata, matanda, ABCD crowd, kahit anong gender, kaya meron talagang maganda ang reviews at meron din naman mga constructive observations.
From a point of view of my age group, 40 years old and above, medyo hindi ako sanay duon sa mga camera movements na medyo mabilis. Siguro sa mga younger groups, ok sa kanila yung mga fast movements and cuts. I know somebody from the 60 yrs old and above group na kahit talagang gustong gusto nila si Sarah, hindi nila makayanang manuod ng ganuon ang pacing ng camera dahil nahihilo sila, kaya nag-stop na lang silang manuod.
Meron namang iba, like me, na nagsawa na sa matagal na pacing ng story. Yung tipong ang isang scene na lilingon lang ang gagawin ng character ay mga one minute na. For me, tama lang yung pacing ng story, hindi nakaka-bore. Hindi pinapahaba, kaya hindi nagiging predictable.
Yung namang about using OPM para sa mga songs, napakagandang concept. Una, makakatulong talaga sa pagpapahalaga ng mga Pilipino talents natin. I enjoy specially yung mga songs during the 80's and 90's. And nababasa ko rin sa mga blogs, yung mga younger ones that dont know the 80's songs na OPM, na-appreciate nila and commented na meron palang ganuong songs na parang foreign ang dating. Para naman sa mga newer songs, nalalaman naman nuong mga kagaya ko.
Sa story, some said na medyo unrealistic yung mga situations, like yung pagpapanggap ng family ni Sarah, duon nga pumapasok ang humor, comedy di ba?
Pero I found the story also, very Pilipino. Yung pagiging mapagmahal sa family, yung love for God, yung mga values regarding respect for parents and older siblings, yung pag-value ng education, Yung love natin sa music, yung pagiging masaya natin kahit maraming problema and marami pang iba na talaga naman you'll be proud for being born a Filipino.
If there is an area of improvement, siguro on the technical aspect, also in the contintuity. Minsan mapansin mo na parang iba ang suot ng mga characters sa next scene, hindi tugma sa unang scene. But that is of minimal consideration, but if we can come up with something that is flawless, baka this time, manalo na tayo ng Foreign Award at hindi lang nominee like Pangarap na Bituin.
Tungkol naman sa pag-gaya ng concept sa ibang show. Hindi pa ako pinapanganak, meron ng ganitong concept na show at movie. Pabalik-balik lang naman yan, nagkataon lang yung mga pinanganak sa panahong ito ang naabutan na lang yung "Glee".
I would like to commend lahat ng casts, from major roles hanggang sa mga walk in parts lang, talaga namang magaling. specially the main casts. the production, talagang pinaghandaan.
Over-all, I found the show light but heavy in reminding and teaching us about our roots.
This is one show, na after kang manuod, magaan ang pakiramdam mo at nakangiti ka pa. And you'll have hope that afterall being a filipino is something that we should be proud of.
At para naman mawala na yung masyadong negativity sa paligid, kailangan ng mas positive para mas maganda ang outlook ng buhay. And yuon naman ang pinaka-importante, kung ano ang impact nito sa mga manunuod.
To all the cast and staff of 1Dol, Congratulations, for even daring to produce this type of program is a commendation. I pray that in the succeeding episodes, mas lalo pa ninyong mapagaan, mapasaya, at mag-umapaw ang pagmamahalan sa aming mga buhay.

Anonymous said...

peace and joy to you!
Yung about using OPM para sa mga songs, napakagandang concept. Una, makakatulong talaga sa pagpapahalaga ng mga Pilipino talents natin. I enjoy specially yung mga songs during the 80's and 90's. And nababasa ko rin sa mga blogs, yung mga younger ones that dont know the 80's songs na OPM, na-appreciate nila and commented na meron palang ganuong songs na parang foreign ang dating. Para naman sa mga newer songs, nalalaman naman nuong mga kagaya ko.
Sa story, some said na medyo unrealistic yung mga situations, like yung pagpapanggap ng family ni Sarah, duon nga pumapasok ang humor, comedy di ba?
Pero I found the story also, very Pilipino. Yung pagiging mapagmahal sa family, yung love for God, yung mga values regarding respect for parents and older siblings, yung pag-value ng education, Yung love natin sa music, yung pagiging masaya natin kahit maraming problema and marami pang iba na talaga naman you'll be proud for being born a Filipino.
If there is an area of improvement, siguro on the technical aspect, also in the contintuity. Minsan mapansin mo na parang iba ang suot ng mga characters sa next scene, hindi tugma sa unang scene. But that is of minimal consideration, but if we can come up with something that is flawless, baka this time, manalo na tayo ng Foreign Award at hindi lang nominee like Pangarap na Bituin.
Tungkol naman sa pag-gaya ng concept sa ibang show. Hindi pa ako pinapanganak, meron ng ganitong concept na show at movie. Pabalik-balik lang naman yan, nagkataon lang yung mga pinanganak sa panahong ito ang naabutan na lang yung "Glee".
I would like to commend lahat ng casts, from major roles hanggang sa mga walk in parts lang, talaga namang magaling. specially the main casts. the production, talagang pinaghandaan.
Over-all, I found the show light but heavy in reminding and teaching us about our roots.
This is one show, na after kang manuod, magaan ang pakiramdam mo at nakangiti ka pa. And you'll have hope that afterall being a filipino is something that we should be proud of.
At para naman mawala na yung masyadong negativity sa paligid, kailangan ng mas positive para mas maganda ang outlook ng buhay. And yuon naman ang pinaka-importante, kung ano ang impact nito sa mga manunuod.
To all the cast and staff of 1Dol, Congratulations, for even daring to produce this type of program is a commendation. I pray that in the succeeding episodes, mas lalo pa ninyong mapagaan, mapasaya, at mag-umapaw ang pagmamahalan sa aming mga buhay.an

Anonymous said...

peace and joy to you!
Yung about using OPM para sa mga songs, napakagandang concept. Una, makakatulong talaga sa pagpapahalaga ng mga Pilipino talents natin. I enjoy specially yung mga songs during the 80's and 90's.
I found the story also, very Pilipino. Yung pagiging mapagmahal sa family, yung love for God, yung mga values regarding respect for parents and older siblings, yung pag-value ng education, Yung love natin sa music, yung pagiging masaya natin kahit maraming problema and marami pang iba na talaga naman you'll be proud for being born a Filipino.
If there is an area of improvement, siguro on the technical aspect, also in the contintuity. Minsan mapansin mo na parang iba ang suot ng mga characters sa next scene, hindi tugma sa unang scene. But that is of minimal consideration, but if we can come up with something that is flawless, baka this time, manalo na tayo ng Foreign Award at hindi lang nominee like Pangarap na Bituin.
Tungkol naman sa pag-gaya ng concept sa ibang show. Hindi pa ako pinapanganak, meron ng ganitong concept na show at movie. Pabalik-balik lang naman yan, nagkataon lang yung mga pinanganak sa panahong ito ang naabutan na lang yung "Glee".
I would like to commend lahat ng casts, from major roles hanggang sa mga walk in parts lang, talaga namang magaling. specially the main casts. the production, talagang pinaghandaan.
Over-all, I found the show light but heavy in reminding and teaching us about our roots.
This is one show, na after kang manuod, magaan ang pakiramdam mo at nakangiti ka pa. And you'll have hope that afterall being a filipino is something that we should be proud of.
At para naman mawala na yung masyadong negativity sa paligid, kailangan ng mas positive para mas maganda ang outlook ng buhay. And yuon naman ang pinaka-importante, kung ano ang impact nito sa mga manunuod.
To all the cast and staff of 1Dol, Congratulations, for even daring to produce this type of program is a commendation. I pray that in the succeeding episodes, mas lalo pa ninyong mapagaan, mapasaya, at mag-umapaw ang pagmamahalan sa aming mga buhay.

Anonymous said...

hi ms noreen. hindi pa ako naka miss ng isang epi ng idol gabi2x po namin to pinanood sa tfc. thank GOD for this serye, it made us laugh, cry, kilig, thrilled.. lahat2x na! thank you also for being one of the instrument in giving us another inspiring story... ung timplang pinoy tlaga! the best po! kahit ano pang nega jan wala po kami paki basta we are happy to watch this serye napaka wholesome pa. swak sa lahat ng pinoy na mahilig kumanta! ganda dn pagka portray ng casts esp coco n sarah. the best ang titigan moments nila kahit hindi naman naging sila.. hehehe

sana po you'll continue to inspire us through your wonderful story of love, friendship and hope. ngayon palang po kino congratulate ko na po kau..

TO GOD BE THE GLORY! :)

Anonymous said...

salamat din po sa pagpaalala na napakaganda talaga ng mga musikang pinoy! the best parin! sarap talaga pakinggan.. tagos sa puso! :)

BabyPink said...

Tama, tama, Miss N! You really can't please everyone. Ang importante, ginawa mo ('nyo) ang best mo ('nyo), okay na 'yun. More than okay pa.

Ang galing 'nyo! Mabuhay kayo! :)